Tuesday, June 21, 2011

Bundok Tabor

At dahil muli na namang lumuluha ang kalangitan ay napagpasyahan ko na namang tumipa, hindi upang magbahagi ng purong kuwentong pag-ibig bagkus ay bumuo ng isang kuwento na tanging ang mga nakakaunawa lamang ang maaaring bumasa.

Sa bundok Tabor umano matatagpuan ang isang ibon na may kakaibang kulay na tanging makakapagpagaling sa ama ng tatlong prinsipe. Malubha ang sakit ni Haring Fernando at malubha rin ang sakit ng sistema ng kaharian ng Berbanya. Lingid sa kaalaman ng lahat na mapanganib ang ibon sapagkat nagkukubli sa likod ng magaganda nitong kulay ang isang hiwaga na maaaring ikapahamak ng makaririning ng awitin nito. Nabigo si Don Pedro ang panganay, gayundin si Don Diego kaya't naatasan si Don Juan na tanging pag-asa ng Berbanya.
Ngunit hindi lang doon umiinog ang kuwento. May kung ano na naghaharing uri na naramdaman ng superhero natin na hindi niya lubos maunawaan. Kung paano napagbigyan ang iilan lamang na taga-Berbanya kapalit ng mas maraming pang may kailangan. Palakasan lang ba ito ng loob o pakapalan ng mukha? Natagpuan nga ni Don Juan ang lugar kung saan matatagpuan ang ibon, sinapit niya ang landas ng patungo sa Bundok ng Tabor at nasalubong niya ang isang matandang leproso. Pinayuhan siya nito na mag-ingat umano sa nakahahalinang ganda ng punong Piedras Platas. Mabuti na lamang at tinulungan siya ng isang matandang estranghero kung paano mahuhuli ang ibon na hindi madadala sa bitag nitong kagandahan. Lilinawin din ni Don Juan na tanging si Maria Blanca ang nagmamay-ari ng kanyang puso, hindi si Leonora at lalong hindi si Donya Juana.

Ano kaya ang mangyayari sa kaharian ng Berbanya? Panahon na ba ng paghihimagsik. Kung matatalos lang sana ng mas nakararami. Nakamamatay ang pagsulat. May ngiting mapang-uyam ang hatid ni Don Juan pabalik sa kaharian ng Berbanya. Hinayaan niyang maging bato ang dalawa niyang kapatid,

No comments:

Post a Comment