Proverbs 22:24
Do not make friends with a hot tempered person, do not associate with one easily angered.
Dalawang linggo na ang nakakalipas ng imbitahan ako ng aking kaibigan sa CCP upang dumalo ng isang misa na mas kilala sa tawag na Feast. Parang pelikula ang ambiance ng lugar at napakarami ng tao. Di pangkaraniwan ang misa kompara sa dinadaluhan ko tuwing Linggo. Mas masaya, mas malaki at mas malalim ang paliwanag na kapupulutan ng maraming aral.
Ang artikulong nais kong ibahagi ay sinulat ni Brother Bo Sanchez na siya ring naging paksa sa misang aking dinaluhan. Pinamagatan itong, Vampires: How To Deal with Different People.
Hindi dahil papalapit na ang showing ng Breaking Dawn Part II kaya ko isinulat at pinalawak ang paksang ito bagkus ay nais kong ibahagi ang natutuhan ko na maaari ring kapulutan ng aral.
Ayon kay Sanchez, tayo ay napapaligiran ng iba't ibang uri ng bampira. Mga bampira na siyang humihigop ng ating mga lakas, oras, salapi at buhay upang sila maging kasangkapan nila sa kanilang mga pansariling pangangailangan.
Nagsimula umano na mas naging maingay ang usap-usapan tungkol sa mitolohikal na karakter na bampira noong 18th Century na hanggang sa kasalukuyan ay nabubuhay pa rin sa ating lipunan. Subalit dahil tayo ay nabubuhay na sa panahon na wireless communication ay nakikisabay na rin sa agos ng panahon ang mga iba't ibang uri ng bampira. Narito ang ilang uri ng bampira ayon kay Sanchez.
1. Criticizing Vampires- Sila ang mga uri ng bampira na mistulang may misyon na itama ang lahat ng mali sa mundo. Ang dahilan ay upang ipakita at ipadama na sila ay mas mataas at laging tama sa iba. Ang lahat ng sabihin at gawin mo ay laging may komento. Lagi kang itatama upang iparamdam sayo na sila ang superyor at makita kang lagi sa ibaba.
2. Controlling Vampires- Ang uri ng bampirang ito ay ang mga bampirang gumagamit ng matinding galit upang itulak nila ang kagustuhan nila sa ibang tao. Daig pa ang mga bata sa pagiging controlling umayon ka lang sa kanilang kagustuhan. Maaaring maging mabuti ang kanilang intensyon subalit hindi nila ito magagawa nang hindi nakakasakit at nakakainsulto ng kapwa.
3. Contradicting Vampires- Sila naman ang mga bampira na laging tutol sa lahat ng paniniwala at sasabihin mo. Hindi sila bukas sa mga bagong ideya sa halip ay laging negatibo ang iniisip nila sa maaring maging resulta nito.
4. Complaining Vampires- Ah, ah, ah, maaaring isa ka sa mga bampirang ito. Puro reklamo (di ka na lang magtrabaho) Pakiramdam nila sila ang biktima, sila ang laging kawawa, ang laging underdog at higit sa lahat ay ayaw nilang tumanggap ng solusyon sa kanilang mga problema, sa dahilang kapag nasolusyanan na ito ay wala ng maaawa at makikisimpatya sa kanila.
5. Clinging Vamprires- Pag wala ka wala ako, iyan ang peg ng mga bampirang ito. Ang lahat ng kanilag self-steem at pagpapahalaga sa sarili ay nakadepende sa ibang tao.
6. Crying Vampires- Ang mga umiiyak at umaarte na mistulang sinaktan ng sobra-sobra ng iba. Mga bampirang OA ang pagiging sensitibo
7. Coward Vampires- Mga duwag, puro lang oo, mga bampirang gustong iplease ang lahat ng tao kahit sa huli ay siya rin naman ang talo.
8. Con Vampires- Mga bampirang may rosas na nakaipit sa bibig. Kailangan umano mag-ingat ng mga kababaihan sa mga ganitong uri ng bampira. Sila ay may kakayahan na maakit ang lahat subalit sa likod nito ay sila naman ay totoong mga sinungaling.
Kapag nakasalamuha mo ang ganitong uri ng tao ay may mga paraan upang ikaw ay makaiwas ( kahit na sa maraming pagkakataon ay di ka talaga makakaiwas)
Una, walk out and find your bread elsewhere. (walking out meaning, decreasing your time to that person)
Pangalawa, protect yor head and eat you bread.
Malalim? Kaya mo yan.Tinatamad na ako magsulat.