Saturday, June 11, 2011

Maja(l) ko :)


Araw ng Kalayaan ngayon. Buhay ang OPM. Ang lahat ay nakikiisa sa pagdiriwang. Ang sayang maging malaya. (malaya nga ba?)

Gumising ako ng tanghali na at napagpasyahan kong makinig muna ng musika bago tuluyang bumangon. Nagbalik tanaw lang ako sa mga nangyari sa buhay ko ngayong bakasyon. Kung naging makabuluhan ba ang mga pinagpaguran ko, o mas marami akong nasayang dahil sa mga pangyayaring di ko inaasahan. Sa darating ng Huwebes ay ipagdiriwang ang isandaang taon na pagkakatatag ng DLSU. Dadalo ako upang masaksihan ang pagdiriwang. Nais ko rin makita ang parte ng katawan ni St. John (tama ba?) Bukas ay sasalubungin ako ng bagong hamon sa aking buhay. Isang desisyon na ginawa ko para sa isang tao. Sa kasawiang palad, di niya nakita iyon. Inisip lang niya ang kanyang sarili. Nanood ako kanina ng Asap Rocks. Tinamaan ako sa sinabi ni Aiza, bago siya umawit ay sinabi niya na "hindi lahat ng kalayaan ay masaya, lalo na kung ang kalayaan na ito ay makita mo ang minamahal mo sa piling ng iba."



30th
May kung anong kirot sa puso ko na di ko mawatasan
Tinanong ko sa sarili ko, malaya na nga ba ako?
Malaya na nga ba ako sa nakaraan? Sa sakit ng nakaan
Di ko pinilit ngunit kusang tumutulo
ang luha sa mata ko habang tinitipa ko ito
Bitter nga ba ako? Nakamove on na ba ako?
O pinipilit ko lang sarili ko na ipakita sa iba na okay na ako?
Malaya na ba talaga ako?
Maaaring di nauunawaan ng iba
Na pinipilit kong makalimutan ang lahat.
Ang lahat ay alaala na lang kahapon at di ko nanaisin na bumalik pa.
May bahagi lang kasi na nagkokonekta pa rin sa aming dalawa
kahit na ako ay lumalayo na.
Na kahit na ayoko nang siyang makita.
Kahit na ako ay umiiwas na
Ay may mga tao pa rin sa paligid ko na nagpapaalala sa kanya.

Alam ba nila na kaya ako lumipat sa ibang larangan ay upang tuparin namin ang mga pangarap namin na ngayon ay naglaho na, naglaho na parang bula. Araw-araw ay nananalangin ako na makalimutan ko siya ngunit lalo ko lang siya naalala. Ano po ba ang plano nyo sa amin? Kami pa rin ba sa dulo o may naghihintay pa sa akin na hindi ko pa natatagpuan. Ipaunawa po Ninyo.


Anyway nagbago ang mood ko, nakita ko si Maja. :)) hehe

Friday, June 10, 2011

Papa Jack :))

Agam-agam

Pilit kong hinahanap kagabi ang posiyon na makapagbibigay sa akin ng kaginhawaan upang makatulog nang mahimbing. Sa kasawiang palad, ako ay nabigo. Nakapikit lang ang mga mata ko subalit ang puso at diwa ko ay gising. Di ko pa rin makatkat sa aking isipan ang mensaheng ipinadala sa akin ng isang kaibigan. Di ko mawari kung ano ba ang pakay niya. Nais ba niyang ipamukha sa mga malalapit sa akin na siya ang dati kong nakaraan o nakikipagkaibigan lamang? Nais ba niyang ilantad sa mas nakakarami ang tunay na siya. Di ko alam. Bakit hindi ka na lang lumugar sa alam mo na mas tama at ikatatahimik ng lahat. Sumama ang loob ko.



Ikinubli ko ang luha sa aking mga mata
Subalit sumilip pa rin ang at pumatak nang paibaba
Ang pintig ng aking puso ay sinbilis ng iyong pagkawala
Ano ba ang ginawa? at pinapasakitan ako nang sobra




Pag-asa

From: Demeterio, Dr. Feorillo

Yuan, pwd ba tayong magusap mamya pm tungko sa tesis mo? D kc ako pupunta sa dlsu bukas.


Isang mensahe ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Inaamin ko napangiti ako ng mensaheng ito. May pakialam sa akin ang tagapayo ko. Inaamin ko marami akong pagkukulang sa mga pinagagawa niya. Masyado akong naapektuhan ng mga maling akala kaya kahit ibang tao ay di ko napapansin na naapektuhan ko na rin pala. Wala akong ipapakitang papel. Ang pinaaayos niya sa akin ay di ko ginawa. Sapagkat nawalan na ako ng pag-asa. Lalo na nang malaman ko na ang isa sa panelist ko ay nasa Amerika. Subalit dahil sa siya ang unang nagtext, pupunta ako kahit nakakahiya.




Mukhang tanga si Lebron


Tabi-tabi po sa tagahanga ng Miami. Opinyon lamang walang personalan. Ang init ng labanan sa pagitan ng Miami at Dallas. Wala naman talaga akong paborito sa kanila, ang pakay ko lang ay malaman kung totoo ba na mahusay si Lebron James sa ibang aspeto ng husay ni Michael Jordan. Di ko naman nakita. Ni di nga makakilos sa tatlong bantay niya, di tulad ni Jordan noon, halos lahat ng galaw tiyak na mamamangha ka. Nanalo ako Dallas, pati ako nakisaya.





Sa La Salle

Maulan sa labas, kayat pagbaba ko sa Lrt ay tumakbo ako agad papasok ng Pamantasan. Kinuha ang i.d. pumasaok at di nakapasok. Expired na pala ang i.d. ko. Nakakahiya. Iniwan ko ang i.d. ko sa card at pumasok, dala ko ang kahihiyan na haharap ako sa tagapayo ko. Sa labas pa lang ng kanyang pintuan narinig ko na ang boses niya sa aking likuran. Hinahanap niya ang papel ko (hard copy) wala akong maipakita. May halong pang-uuyam ang sinabi niya, "syempre wala kang dalang papel." Maya-maya pa ay positibo naman, kaunti na lamang at matatapos ka na sabay biro na naman na, "tapusin mo na ang tagal mo na rito, sawa na ako sa iyong mukha." Natawa kaming pareho at natuwa naman ako sa kanya sapagkat may pakialam siya. Ipinaliwanag ko na sa ikalawang termino pa ako maaaring magdepensa, naunawaan naman niya. Dalawang linggo mula ngayon muli kaming magkikita.




MRT, ang Shang rila at Mega Mall

Nagpasya akong magtungo sa Shang at Mega hindi upang sadyain siya bagkus ay upang bumili ng bagay na kakailanganin ko na nasa Shang lang makikita. Di ako nabigo at nakabili ako agad, may freebies pa. Ayos. Matapos nito ay nagtungo ako sa Mega, bumili ng aksesorya para sa netbook ko, sa pasukan dadalin ko siya. Bumili rin ako ng mga makukulay na papel para sa pagtuturo ko. Dumaan sa simbahan sa loob ng Mega, naglibot, kumain at sa huli ay bumili ng bagong libro.



Malamig

Hindi na siya nagparamdam, umiwas na ata. Mas maganda sanang sinarili ko na lang. Di bale, parang malakas lang na ulan yan. Kahit gaano ba ang bagyong dumating sa iyong buhay. Huhupa din yan. Basta manalig sa sa Kanya.


Simula noong isang araw ay sumumpa na ako sa aking sarili na hindi na ako muling iibig sa isang nars. Hindi na rin ako iibig sa tao na ang buhay ay nasa ibang bansa. Hindi na, hinding-hindi.


Thursday, June 9, 2011

LYrics-


"I don't think she understands the sacrifices that I made
Maybe if this bitch had acted right I would've stayed
But I've already wasted over half of my life I would've laid
Down and died for you I no longer cry for you
No more pain bitch you"


Nasa ikalawang araw na ako ng pakukwento sa labas. Dibale bukas may internet na ako ulit. Galing ako sa Teachers Pet kanina (tindahan ng instructional materials) Natuwa ako sa mga binibenta nila, ngunit pag naiisip ko kaya ko rin naman gawin yun. Matapos nito ay nagpunta ako sa St. Jude, nanalig at nanampalataya at umaasa. Kung alam lang niya nag sakrpisyo ko ngayon, baka sakaling maunawaan niya ako. Ilang araw na lang simula na ng panibagong hamon. Susuko ba ako? O lalaban? Magkatext kami kanina. Masaya ako. Kala niya lagi ako nagbibiro ngunit sa totoo may laman iyon. Ngunit kung wala talagang pag-asa, masasanay din ako malilimutan ko rin siya.


"Bakit hindi na lang isulat kita at isulat mo ako. Gumawa tayo ng sarili nating nobela. Always remember, novels are timeless" Ako-


Pakiramdam ko minsan si Bob Ong ako, ngunit mas nais kong maging si Abdon Balde ngunit kung usapang malaki ang kita si Bob Ong na nga lang. Naglalaro ng Dota ang mga katabi ko. Ang ingay nila, nakakatuwa dahil dito gagawa ko ng kuwento.


"Mid ako, ikaw dun ka sa kabila"


Apat na lalaki ang nasa tabi ko. Yung nasa kaliwa ko si Slardar ang gamit. Galit na galit sa kalaban, malimit kong marining ang putang-ina naman. Nasa likod ko naman ang kaibigan ko, minura ng gago ang nasa kaliwa ko, tanga raw kasi maglaro. Yung isa naman si Bradwarden ang gamit. Tahimik lang siya. Di katulad ng nasa kaliwa ko maingay. Narito ang ilan sa mga salita na nasagap ko sa pakikinig sa kanila:

Papasmahin ang kalaban kawawa naman.

Ampli mo lang, tang-ina naman nito.

Putang-ina naman! (with feelings)

Tang-ina kasi!

O patayin na natin ang gago na to.

Katayin na natin to!

Mahusay ang kalaban nila ngunit nagkakaisa ang apat, di lang apat may mga kasama pa sa likuran na nakikilaro. Ganito ang paglalaro ng Dota, diskarte na may kasamang mura (ata) pampadagdag kasi ng lakas ng loob ata iyon. Laro ito ng tunay na lalaki. Makalaro nga.

I love you darling! :)


Wednesday, June 8, 2011

Wolverine

Ang lakas ng ulan sa labas, kasabay ng pagpatak nito ay ang muling pagdalaw ng kalungkutan. Mistulang bumalik ako sa panahon ng mga Tabon. Nakakapanibago. Nasa labas ako gumagawa ng kuwento. Kuwento nga ba o walang kuwent(o)a. Pilit kong iniiwas sa tao ang pagtitipa ko ngunit may ilan na sinisipat ang pagkukwento ko. Ang sarap batukan. Inubos ko ang oras sa panonood ng X-men series. Mas lubos kong naunawaan ang kabuuan ng kuwento. At doon ko napagtanto na sana si Wolverine na lang ako para sa bawat sugat na aking mararanasan ay magiging mabilis ang paghilom nito.

Kahapon ay nasa ATC ako. Kasama ko sila, silang dalawa. Lumalakas pa lalo ang ulan, wag naman sana magbaha at malunod ako sa kalungkutan.

Nabubwisit ako sa nakikibasa sa likuran ko. Sana mabasa mo 'to. Kung mutant lang ako pupuksain kita. Ngunit dahil hindi, baka masigawan kita at di mo kayanin.

What if gutso ko siya ngunit mahal kita.

Oo mahal kita.

Oo.

I want to be a good writer but I don't know how.

Monday, June 6, 2011

Don't Close Your Eyes


I came to win, to fight, to conquer, to thrive
I came to win, to survive, to prosper, to rise
to fly
to fly

Nicki Minaj- How I love thee


Malapit nang magpasukan ngunit hindi pa rin ako handa. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Galing ako sa La Salle kahapon, nagkalat ang mga paskil na 6/16/11. Mukhang pinaghandaan, malaking selebrasyon ang magaganap sa araw na ito. Nakakalungkot lang na malabo ata ako na maging bahagi nito. Nabalitaan ko na aalis ang panel head ko para sa aking tesis. Tatlong buwan daw siya umano sa US. Napanghinaan tuloy ako ng loob, at kakarampot lang naman ang nakuha kong suporta sa aking tagapayo. Sabi niya husayan ko raw magsulat, sa totoo lang nahihirapan ako. Kapag nawalan na ako ng pag-asa baka sumulat na lang ako tungkol sa tagapayo ko, sa walang humpay na (pagbabasa) pagtingin sa aking tesis. Biro lamang. Walang sukuan (sana) ang hirap. (sobra)


"Walang problema as long as mabuting tao siya,
may takot sa Diyos, marunong umintindi sa buhay
at kung magpunta ako ng Tondo, hinding-hindi niya pababayaan"

Nagmistulang musika sa aking pandinig ang mga katagang ito, nakakatuwa sapagkat may mga tao pa pala na nagpapahalaga at nagtitiwala sa katulad ko. (kung ako nga yung tinutukoy). Habang tinitipa ko ang bahaging ito ay natatawa ako, di ko alam basta natatawa lang ako. Pati paraan ng pagsasalita ko sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiiba, ewan ko ba. Ang weird talaga, parang siya weird. Naka-eye glasses pa. Weird.


"Love sought is good, but given unsought, is better" William Shakespeare

May paganun-ganun pa si Shakespeare kala mo naman. :)) Pwede namang gawing simple lang ang paliwanag, Ang pag-ibig na hinanap ay mabuti, subalit ang pag-ibig na kusang nahanap ay mas mainam. (akin ang salin) papatayin ko ang umangkin haha! Ang tumuligsa sa paraan ng pagsasalin ko, gumawa kayo ng blog nyo! haha!




Saturday, June 4, 2011

Tumipa, tinipa, titipahin


Carrot cake ako (kami) gumawa

Papel na gawa sa puso

Dinalaw na naman ako ng kalungkutan
Binisita na naman ako ng pangungulila.
Hindi dahil Sayo, kundi dahil sa KANILA
Tumingin ako sa kaliwa, ako ay naging maligaya
Ngunit biglang sumagi ka sa aking isipan
Napalingon tuloy ako pabalik sa kanan
Biglang naguluhan


Di lahat ng tula may tugma

Sumabay sa indak ng tipa ng pagsulat,
Tagalog sa akin, Ingles ang sa iyo.
Naging saksi ang mga tinta ng panulat
Sa mga nagkukubling damdamin
Pinigilan sapagkat iyon ang nararapat
Lumayo siya at nagtampo ka
Naging parehong malaya
Ngunit takot tumipa
Hanggang nahulog ang isa
Ngunit napalingon sa likuran
Muli kang nakita
Naguluhan



Saturday, May 28, 2011

Pakatos

Patalasatas:

Salamat sa pagtangkilik sa aking blog, halos apat na taon na rin akong blogger simula nang makilala ko siya, dahil diyan bibigyan kita ng pagkakataon na gumawa ng kuwento buhat sa mga nakikita mo sa larawan. Narito ang batayan sa pagmamarka:

Paggamit ng wika (gramatika at ispeling) 30%
Ugnayan ng mga salita at pangungusap 30%
Nilalaman 30%
Dating sa mambabasa 10%
---------------------------------------------------------
Kabuuan 100%

Babasahin at gagawin ang pagtatasa matapos mong magpasa ng kuwento. Ang pagsusumite ay hanggang nakikita mo pa ito at di natatabunan ng iba pang paskil. Ang mapipili ay bibigyan ng pagkakataon na makita ako sa personal at maaaring mong paggawa ang nais mong paggawa kung papayag ako. Bukod pa rito ay ililibre kita sa Mang Inasal ng rice all you can basta makasampung ulit ka ng pagkain ng kanin.

Simulan na!

















Southern Hemisphere- Ikalawang Yugto

Lumbar pain

Sabado ngayon di kita makikita
Linggo bukas mamimiss kita
Sa Lunes baka ako sayo'y mangulila
Sapagkat sa Martes na kita muling makikita

Sana'y huwag masamain ang pagtingin
Paghanga ko'y iiwasan pag-igtingin
Kung ako naman talaga'y di mo mapapasin
Di ko pipilitin kahit masakit

Huwag mong isipin na ako'y katulad ng iba
Nakaraan ko ay nakalipas na at tapos na
Kung pahihintulatan mo na muling magtiwala
Susubukin kong sungkitin ang ang puso mo sinta

Gaya ng bulaklak ika'y namumukadkad
Napaliligiran ng tutubi't paru-paro sa kapaligiran
Hayaan mo ako ang sayo'y magsilbing liwanag
Sa iyong paglago ika'y sasamahan

Sa lugal na iyon di ka na madalas mag-iisa
Araw-araw kitang dadaanan at bibigyang saya
Ang kulay ng iyong buhay ay bibigayan ng tuwa
Ang lahat ay maisasakatuparan kung mapapansin ka lang niya