Hindi ako perpekto. Ang dami ko ngang insecurities sa buhay. Kasalukuyan akong nakaupo at nag-uubos ng oras. Maganda yung mga papel na ginawa ko. Naalala ko tuloy yung argumento ko sa papel ko rati na PBB. Pakiramdam ko isa sa mga papel ko yun na mahusay ang pagkakasulat. Ang hirap talaga ng tesis. Ilang beses na ako nag-eedit. Bagamat aprubado na sa adviser ko ay ayoko naman magpasa ng ganun-ganun na lang. Nahihiya rin naman ako kahit papaano. Nakokontian ako sa pages ng tesis ko kaya dapat dagdagan ko. Sana nga tama na ang pagkakasunod-sunod ng gawa ko at maibigan naman ng mga panelista kahit papaano. Di naman ako after sa mataas na grade, after ako sa diploma. Sana rin ay kapag nag-ayos na ako ng date ng Final Defense ay available naman ang lahat ng panelista. Gusto ko na talagang umalis ng trabaho, di na ako masaya sa work ko. Mas namimiss ko ang pagtuturo ng Filipino. Ang hirap kasi wala akong social life. Literal na nakakulong ako sa apat na sulok ng kuwarto. Nalulungkot talaga ako ngayon dahil di ko alam kung saan ba talaga ako magiging masaya. Sana nga makagraduate na ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment