Wednesday, June 13, 2012

Sa Pagbuhos ng Ulan-


Writing is the best medicine when your happy and sad. Sir Yuan-

Yan ang caption ko sa blog ko. Naniniwala ako na mas marami akong maisusulat kung may emosyon na pinanggagalingan. Isang buwan na ang nakakalipas bago ako ulit makapagsulat sa blog ko. Hindi ko alam if inspiring ba ang isusulat ko o kuwento ng aking buhay o kuwento ng ibang tao. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay makapagsulat ako.

Sa totoo lang nagtatalo ang aking isip at damdamin kung Ingles ba o Filipino ang gagamitin ko. Pakiramdam ko kasi cool kapag nagsulat ka sa Ingles subalit sabi nga ng head namin sa FEU, lahat ng wika ay pantay-pantay lamang, walang mataas at walang mababa so nagdesisyon ako ng magTaglish na lang.

Pero wait hindi iyon ang aking kuwento. Pipilitin kong maging magaan lamang ang isusulat ko upang maunawaan ako ng babasa ng blog ko. (kung may babasa man) Sisikapin ko na maging maikli at di maligoy ang paraan ng aking pagsulat.


If you do not expect the unexpected, you will not find it; for it is hard to be sought out, and difficult.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang muling magbalik sa aking gunita ang mga nangyari sa aking buhay. Dumaan sa punto na dapang-dapa ako at di ko alam ang gagawin. Naging takbuhan ko ang taimtim na pagdarasal at naninawala na matatapos ang lahat ng unos na dumaan sa aking buhay. 

Una, bahala na ang larawan na ito ang magpaliwanag sa nangyari sa akin 2 years ago. Sapat na to para maunawaan. Ang besides almost lahat ng naisulat ko sa blog ko ay tungkol sa aking mga heart aches. :D Subalit lilinawin ko OKAY na ako.



Akala ko noon di na titigil ang ang pagtangis ng langit. Nagsimula ang lahat dito. Dumating sa punto na ninais ko na lang mangibang bayan para takasan ang lahat ng sakit at upang buuin muli ang aking sarili. Subalit gaya ng iba ay di ako sumuko, naniniwala ako sa kasabihang, prayers can move mountain. Natapos din ang buhos ng ulan at nasabi ko na, Look at Me Now.

Matapos nito ay hinanap ko muli ang aking sarili sa ibang tao subalit ako ay muling nabigo. Sa pagkakataong ito ay nilet go ko ang lahat sa Kanya at sinabing, "kayo na po ang bahala." Inayos ko ang aking sarili at itinuon ko ang aking oras sa mga makabuluhang bagay.  Sinikap ko na mapabuti ang aking sarili at muling makabangon sa pagkakadapa. At isang araw paggising ko, bumuhos muli ang ulan subalit sa pagkakataong ito ay bumuhos ng biyaya.

 Una



Ikalawa





At ikatlo...


nang dumating ka..

Ngayon ko napatunayan na, patience is indeed a virtue, but waiting for a long time is not only important but as well as your attitude towards waiting, God will not give you what you want but what you need, so expect less and lift it up to Him and everything will be smooth in His name.

Magandang Hapon.

2 comments:

  1. Congrats sir!everything that is worth having is worth waiting..:)

    ReplyDelete