Saturday, December 24, 2011

Merry Christmas! :)



I LOVE YOU JESUS! THANK YOU FOR ALL THE BLESSINGS!
Happy Birthday!

It's Christmas Eve and I'm all alone. Everybody is having fun outside while I am stuck here at home. My brothers and sister are busy in their business since its Christmas. (Kalakasan raw!) I’m going to be rude if I’m going to wish for another family. I understand! I don’t want to be emotional this season since we are celebrating the birth of Christ. I just don’t get the point that we are not celebrating our Noche Buena. My mom told me that we have to sleep early because tomorrow is our big day. Lol (as in lol talaga) I’m sitting here and writing all my emotions, bitterness and insecurities. Kidding! On the other hand I want to thank all my friends who greeted me, especially those who made effort to give me gifts. Hay naku kakain na lang ako kahit mag-isa!



Thursday, December 22, 2011

Wednesday, December 21, 2011

Munting Heredera

Kahapon galing ako ng La Salle, naaproved naman till January 7 ang pasahan ng thesis ko. Di nga lang napirmahan yung cd ko. Di ko kasi nasundan yung format. Halos dalawang linggo na rin kami magkausap. Mas nakikilala ko pa siya lalo, at napapaisip talaga ako na tama nga ata ang sinabi niya na sigurado ba talaga ako if I'm going to court her. Shocks I'm starting to write in English, I should write in my livejournal. haha! Heredera pala siya haha! Though di naman niya ineexplain if ano ba talaga yun pero though preferred reading sa mga text nya eh naiintindihan ko naman. Malalouis Fernando ang drama pero since na guy ako dapat ako ata ang okay sa status ng life. Anyway bahala na baka ibubulong ko na lang sa langit ang lahat.

Monday, December 19, 2011

Move Forward.

Ilang ulit ng ko ng pinakikinggan yung Emily ng Paraluman. Hindi ko alam pero nalulungkot ako ng kaunti. Mas pinili ko na lang tumahimik kaysa sa ano pa mangyari. Wala rin naman akong assurance sa meron ako ngayon. Basta alam ko nag-iinvest na ako ng bagong feelings sa isang tao. Susugal ulit ako. Ngayon kung matalo man ako sorry. Basta ipagdadasal ko to na sana maging successful. Masaya ako pag nagrereply siya at malungkot naman ako kapag hindi. hehe! Puro kami hehe, pamalit ata yun sa wala ka ng masabi. hehe! Thankful ako sa meron ako ngayon after ng mga trials na dumating sa akin ito ako nakatayo pa rin. Okay na okay na ako sa meron ako ngayon, ready to venture. Ready to move forward.

Eh basta naguguluhan ako di ko talaga alam, ayoko naman mag-open sa iba, sasarilinin ko muna tong nafefeel ko, baka pag nagtanong pa ako maguluhan ako. Bahala na talaga si Batman, si Robin, si Spider Man, Wolverine, Storm, Gambit, Naruto, Gaara, si Lebron James, Kobe Bryant. Bahala na! Suicide na talaga to!!! haha!

Sabi naman sa isang article di naman pwede na hindi mo alam kung bakit gusto o mahal mo ang isang tao. Eh basta masaya ako? Reason na yun di ba? :D Ewan ko rin at di siya naniniwala na may gusto na talaga ako sa kanya, na manliligaw talaga ako. Mukha ba akong manloloko? LOL Ewan ko weird talaga. Bahala na talaga!

Sunday, December 18, 2011

Sunday!

Dear blogspot, kausap ko siya tonight, ay katext pala. One week na rin kaming magkatext at mas lalo ko pa siyang nakikilala. Gusto ko sana isulat sa English to pero tinatamad ako gamitin ang livejournal ko. Ayun nga, di ko alam pakiramdam ko maling tao ata ang nagugustuhan ko. Di ko alam tama naman yung nafefeel ko pero sa status ng life naiilang na naman ako. Lagi na lang ganun yung issue ko pag may nagugustuhan ako. Kasalanan ba magkagusto sa mga may kaya. Pero I really like her, we share same topics and like but I am not sure if tama pa ba na ituloy ko pa na ipursue ko na magustuhan ko pa siya. Hehe! Tama nga siya sure ba talaga ako sa kanya. Mag-isip-isip daw muna ako. Ito nga nag-iisip na. Ayoko sana ibreak ito, masaya kasi eh minsan lang to, tagal ko rin makafeel ulit ng ganito bago ko malagpasan yung trials na naexperience ko.


Lets go back to the main topic, I really like her. hehe! Suntok sa buwan na lang kung magkaroon ako ng pag-asa sa kanya. Masaya ako kapag kausap ko siya di ko alam kung bakit, basta yun ang nafefeel ko. haha! Goodnight! :)

Friday, December 9, 2011

Ferrero

Malakas ang ulan kanina, hirap sumakay from Lopez to B.F. Buti na lang mabait si manong driver pinasakay niya ako sa tric kahit may sakay na pasahero. Feeling ko bakasyon na pero tambak pa rin sa trabaho. Di ko na natapos pag-eedit sa tesis ko. Napapagod na ako na unawain siya. Sorry Lord sa mga chances na ibinigay Mo sa akin. Nawala na naman ako sa hulog. Sige na nga sa April na lang ako gagraduate, para cool! hehe! Namiss-miss ko na ang livejournal ko, pero sarado na ang kuwento nun kaya di ko na dapat dugtungan pa. Gusto kong bumili ulit ng i-touch kaso di ko priority sa ngayon, next year. Bwisit na holdaper yan dead hungry! :D Di ko alam kung natuwa ba siya sa binigay ko pero good thing na rin na may thank you. I'm happy to see her everyday its just that I don't know how to talk to her. She seems fragile and sosyal etc. :D Anyway I'm just admiring her swerte ko naman kung magustuhan nya ako. haha! Tondo boy from Las Pinas girl haha! How ironic sometimes life is unfair. Joke! Ewan ko ba lakas ko ng loob ko! Hehe! Pero naging inspiration ko kasi ang qoute na to: Pitiful is the person who is afraid to take risk- Paolo Coehlo. Malay mo naman diba? Magustuhan nya ako regardless of where I came from and what I have. (drama) Matatapos na ang taon at kaunti pa lang post ko rito dami pa error. Nilipat ko sa Just a Feeling ang kanta para mas may emotion while writing.

NagSouthMall ako kanina, mas cool pa rin ang Mega dami namin nakita na estudyante ng kasama ko, lalo na si Jobee Boy. Haha! I miss that boy and I will be missing him when I leave. :C On the other hand, gusto ko mainlove pero bat ganun mga nalilink sa akin eh mga nurse ano ba meron sa inyo na nagugustuhan ko bukod sa magaganda kayo lalo na kapag nakawhite. :D

Ayan si Yeng naman kumakanta Cool Off haha! Gusto ko lang yung melody pero the lyrics di namana ko makarelate. So may mga signs naman hanggat maaga pa. So nagthank you naman siya pero thats it so meaning she not interested. At least I tried to commit suicide.

Saturday, December 3, 2011

R

Ginising ako ng masakit kong ngipin mula sa masarap na pagkakahiga. Salamat na rin at nakapagtrabaho naman ako nang maayos. Kailangan kong sulitin ang bawat oras ng araw bukas kasi tambak na naman sa trabaho. Ang sakit ng ngipin ko tumtubo ang wisdom tooth ko. Senyales na ba ito ng paglago ng maturity level ko. Maganda ang panahon, umuulan, salamat Lord, kailangan ko yan para di ako mainitan sa paggawa ng tesis ko. Napapagod na ako ang daming pinaayos sa tesis ko. Gusto ko nang sumuko pero nasa dulo na ako eh. Gusto kong gumawa ng tula. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siya, dati tinitingnan ko lang siya pero ngayon di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Basta di ako makatingin kapag alam kong magkakasalubong kami. Nahihiya ako. Sa ngayon di ko na muna sasabihin ang nararamdaman ko, ayoko kasing mapahiya, pero baka dumating araw na susugal din ako kung mareject ok lang atleast sumubok diba? Gusto kitang makilala at makausap pero hindi ko alam kung paano at kailan ang tamang paraan basta iba nararamdaman ko kapag nakikita kita. Mukhan mahilig ka rin magbasa at sa palagay ko ay masasakyan ko ang trip ko. Kakausapin kita in time, sana wag mo akong isnobin.

Naalala ko nun, ilang buwan na rin ang nakakalipas, pag may bagong teacher na dumarating syempre lahat gustong makilala. Sabi nung isa narinig ko lang. May bago ng Math teacher ah. May itsura. Tapos yung ibang lalaki, ah talaga. Ako naman, ah okay. Tapos nung may meeting na nakita kita, nakasuot ng asul. Tapos pinapakilala ka sa iba. Ako naman, sa isip ko ang puti niya. Iba ang focus ko nung panahon na iyon. Di ko alam bat yun lang nasabi. Nung Foundation naman wala lang naweweirdan talaga ako sa kanya pero cute naman siya. Minsan nagkasalubungan pa kami sa hagdan sabi ko, goodmorning! tumingin lang siya, tapos narealized ko ay good afternoon pala. Sabi ko na naman weird. Pag nadadaan naman ako sa room niya, madalas ko nakikita yung asul niyang polo na suot. Wala lang, sabi ko ito yung weird. Di namamansin kala mo kung sino. Tapos di ko alam pag nakikita ko siya, di ko maexplain eh, biglang may nailang na lang ako na ewan. Then eventually nung lumipat si Zieg nun sa GS, nagtatanong na ako. Di naman daw palakibo. Boses lalaki nga raw ang boses. Nagtataka ako kung boses lalaki nga boses nya. Ewan. Pag napapadaan ako sa GS, wala tinitingnan ko lang siya, weird, yun lang nasa isip ko lalo na nung nalaman ko na walang BF. Ang ganda- ganda walang bf at wala raw kadate. Weird talaga. Di ko alam, nahihiya pa ako, pero I like you. Ano kayang way para makausap ka.