Saturday, December 3, 2011

R

Ginising ako ng masakit kong ngipin mula sa masarap na pagkakahiga. Salamat na rin at nakapagtrabaho naman ako nang maayos. Kailangan kong sulitin ang bawat oras ng araw bukas kasi tambak na naman sa trabaho. Ang sakit ng ngipin ko tumtubo ang wisdom tooth ko. Senyales na ba ito ng paglago ng maturity level ko. Maganda ang panahon, umuulan, salamat Lord, kailangan ko yan para di ako mainitan sa paggawa ng tesis ko. Napapagod na ako ang daming pinaayos sa tesis ko. Gusto ko nang sumuko pero nasa dulo na ako eh. Gusto kong gumawa ng tula. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siya, dati tinitingnan ko lang siya pero ngayon di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Basta di ako makatingin kapag alam kong magkakasalubong kami. Nahihiya ako. Sa ngayon di ko na muna sasabihin ang nararamdaman ko, ayoko kasing mapahiya, pero baka dumating araw na susugal din ako kung mareject ok lang atleast sumubok diba? Gusto kitang makilala at makausap pero hindi ko alam kung paano at kailan ang tamang paraan basta iba nararamdaman ko kapag nakikita kita. Mukhan mahilig ka rin magbasa at sa palagay ko ay masasakyan ko ang trip ko. Kakausapin kita in time, sana wag mo akong isnobin.

Naalala ko nun, ilang buwan na rin ang nakakalipas, pag may bagong teacher na dumarating syempre lahat gustong makilala. Sabi nung isa narinig ko lang. May bago ng Math teacher ah. May itsura. Tapos yung ibang lalaki, ah talaga. Ako naman, ah okay. Tapos nung may meeting na nakita kita, nakasuot ng asul. Tapos pinapakilala ka sa iba. Ako naman, sa isip ko ang puti niya. Iba ang focus ko nung panahon na iyon. Di ko alam bat yun lang nasabi. Nung Foundation naman wala lang naweweirdan talaga ako sa kanya pero cute naman siya. Minsan nagkasalubungan pa kami sa hagdan sabi ko, goodmorning! tumingin lang siya, tapos narealized ko ay good afternoon pala. Sabi ko na naman weird. Pag nadadaan naman ako sa room niya, madalas ko nakikita yung asul niyang polo na suot. Wala lang, sabi ko ito yung weird. Di namamansin kala mo kung sino. Tapos di ko alam pag nakikita ko siya, di ko maexplain eh, biglang may nailang na lang ako na ewan. Then eventually nung lumipat si Zieg nun sa GS, nagtatanong na ako. Di naman daw palakibo. Boses lalaki nga raw ang boses. Nagtataka ako kung boses lalaki nga boses nya. Ewan. Pag napapadaan ako sa GS, wala tinitingnan ko lang siya, weird, yun lang nasa isip ko lalo na nung nalaman ko na walang BF. Ang ganda- ganda walang bf at wala raw kadate. Weird talaga. Di ko alam, nahihiya pa ako, pero I like you. Ano kayang way para makausap ka.

No comments:

Post a Comment