Saturday, December 31, 2011

1/1/12

cute naman nito


when will I hear your voice?


Umaga na rin ako nakatulog kanina, bukas may gagawin na ako. Magiging busy na naman ako. Mababawasan na naman ako ng tulog. Di bale eenjoyin ko na lang mga ginagawa ko. Aga-aga blog kaagad una kong ginawa. Napatalon ako kanina sa kama ko nung marinig ko na parang kinukuha ng pinsan ko yung libro na binabasa ko. Ayun sabi ko wag di pa ako tapos, medyo napasimangot siya, binigyan ko na lang siya ng Bob Ong. :) Alam ko ayaw niya magbasa ng Filipino pero wala eh di pa ako tapos, maghintay siya.

Nagtext si Ikay, dinner daw later. Di ko alam kung matutuloy. Knowing my friends, minsan drawing lang. Di ko pa alam routine ko today pero ayoko makulong sa bahay lang. Dapat makaalis ako kasi bukas huling araw na at jugdment day na. Pag galing sa bakasyon lagi akong nahihirapan na pumasok. Gusto ko papasok lang ako pero walang gagawin. hehe! Pero so far sa ngayon di naman ako masyadong ilag sa pagpasok. Okay lang naman work sa umaga, friends sa hapon. Cool yun! Simpleng kape lang or tawanan masaya na ako. Ano ba yan feeling ko ang babaw ko. Ang daming pagkain sa bahay ang problema ayokong kumain. Bat ganun? Pero pag wala naman pagkain gusto kong kumain. How ironic. Yung isa kong blog itatapon ko na. Ayoko naman delete ang mga nakasulat dun pinaghirapan ko yun. Syaka malay mo maging sikat ako sa pagdating ng panahon at least may mauungkat sila na profile ko. haha!

Marami rin ang bumati sa akin. Ang saya lang dami ko ng friends. Wait gutom na ako. Bye!


2012 ♥♥♥! :)



Thank you 2011 and Welcome 2012! So I guess I'll be blogging more stories this year. Since its year of the dragon I guess it will be more challenging and fun! I can feel that it will be a good year not only for me but as well as to you! :D My friends will fetch me later and will have party! :D Kampay!

Maraming nagmemessage sa akin para sabihin lang na nagTatagalog si Paulo Coelho sa stat ko sa fb. haha! Patawa lang! :)


Inuman na! (sila lang!) :D


Bye!


"You can give a fool a thousand intellects, but the only one he will wants is your." Arabic Proveb-

Cute ^__^

Last One Standing-

Bago matapos ang taon ay nais ko munang balikan ang mga ilang pangyayari na naganap sa akin nitong taon na ito. Shoot ang ganda ng intro. Kasalukuyan akong nakikinig ng mga awitin ng Urbandub, ang pinakapaborito kong kanta ay ang The Fight is Over. Oo, over na, patapos na ang taon, kaya dapat handa na tayong lahat harapin ang 2012. Sa totoo lang hindi ko alam kung aayusin ko ba ang paraan ng aking pagsusulat o lalaruin ko ang mga salita ko para mas maging lapit sa mga babasa nito.

Masyadong naging mabigat para sa akin ang taon na ito, karugtong ito noong isa pang taon. Akala ko di na ako makakaalis sa mga pagsubok na naranasan ko, pero look at me now. Nakabawi rin ako, after ng pain, sufferings, betrayal, infidelities, rejection, at marami pang iba. Sa ngayon ayoko na isipin yun mahalaga yung ako ngayon, ito na ako buo na ulit at ready to venture. Mas na appreciate ko ang meron ako ngayon, marami pa lang akong kaibigan na hindi ako iniwan, kasama rin ang family ko, syempre hindi rin ako iniwan ng taas. Ngayon ko lang napatunayan na nagwowork talaga ang prayers. Medyo natagalan nga lang yung akin pero siguro sabi ni God, maghintay ka, yan ang kulang sayo patience! hehe!

Isa pa sa di ko makakalimutan ay yung traumatic na holdap sakin. Super down ako nung time na yun tapos biglang ganun. Aaminin ko naiyak ako nun pero di naman nangangahulugan na pagiging mahina ang pag-iyak. Gusto ko lang pag-uwi ko ng bahay wala na silang iisipin sa akin at di hahanapin ng mama ko ang mga gamit ko. Ayoko siyang mag-aalala.

Nahirapan din ako sa mga unang buwan ko sa bago kong department. Mabigat ang load ko. Masyado kasi akong mabilis magdesisyon sa paglipat di ko muna inisip yung pwedeng kapalit nun. On the other had, may maganda rin namang nadulot yun, mas napalapit ako sa mga batang special. Mas nakita ko at nalaman ako ang needs nila. Mahabang pasensiya at punong-puno ng love, yun ang kailangan nila. Kung babalik man ako next year sa big school, yun ang di ko pa alam. May offer din sa kolehiyo, mas malaki ang sweldo pero hindi ko pa alam kung kukunin ko ba or isang taon pa ako sa school. Mabait naman kasi ang mga tao, masaya rin ang ambiance kaya nag-eenjoy ako kahit malayo sa bahay namin.

Dumating din ate ko last October, masaya ako kasi nakompleto kaming pamilya. Kahit na lahat kami may work tapos ate ko lang naiiwan sa bahay. hehe! Pero mahal ko syempre ate ko at marami rin naman siya natulong sa akin. Hindi man sa financial pero moral support siguro at love. Yun ang mahalaga. Hindi pa rin ako sigurado kung dadalawin ko siya next year. Sana may discount ang pamasahe!

Medyo maingay na sa labas, ilang oras na lang New Year na. Ako nagboblog pa rin. Hindi ko alam kung sino pa ba ang mga dapat kong pasalamatan. Ay! Syempre yung mga mababait kong panelista na sina Dr. F, Dr. Taylan at Dr. Garcia. Espesyal na pasasalamat sa nag-iisa kong adviser na naging matiyaga sa katigasan ng aking ulo, Dr. Demeterio. :)

Nitong mga nakaraang araw naging call center agent ako. hehe! Ewan ko kung mababasa niya lahat ng nakasulat dito. Masaya ako sa tuwing kausap ko siya. Natutuwa din ako sa effort niya na till 5:45 pm gising pa siya, gising pa kami. Hindi ko alam kung saan to mapupunta. Siguro kailangan ko pang mag exert ng effort para mapatanuyan sa kanya na gusto kong talagang ma-win ang heart niya. Sana, sana talaga may pag-asa. I will make her the happiest girl in Las Pinas at BF. haha! Ayos sakto, Dancing in the Moonlight ang kanta. hehe! Que sara, sara, what ever will be, will be!

Nagtext adviser ko bigla, Happy New Year daw, ang sweet. Sana mahabol ko pa raw ang cd ko. Syempre naman sir! hehe! Malaki ang utang na loob ko kay sir, di ako magkakaMA kung wala siya sa tabi ko. Di niya ko binitawan kahit gusto ko na ulit kumuha ng panibagong course. :)

To wrap up this post, gusto kong pasalamatan ang lahat ng tao na di ako iniwan at tinulungan ako para maging si Yuan ako ngayon. Syaka totoo pala talaga na kapag nagbigay ka ng love sa iba ay babalik din sa iyo yun. Natutuhan ko rin na talagang theres a rainbow after the rain. Lahat ng trials and pain, matatapos din.

May nabasa ako na sinulat ni Paulo Coelho about sa quality ng pencil na applicable rin sa atin.

Una raw, we are all capable of great things, we must never forget that there is hand guiding our steps. Si God yun. He guide us according to His will.

Pangalawa, pag mapurol na ang lapis kailangan ng tasahan, so ang pencil, nagsusuffer sa process na yun pero eventually, mas magiging sharper siya. So dapat matuto tayong ibear yung certain pains, sorrows, kasi they will make you a better person. :)

Pangatlo, Ang pencil may eraser, so meaning ang pagkakamali ay hindi naman nangangahulugan na masama, instead it helps to keep us on the road of justice.

Pang-apat, what really matters in a pencil is not its wooden exterior, but the graphite inside. So dapat daw we always pay attention on what is happening inside us.

At panglima, the pencil always leaves a mark, so sa lahat ng nagagawa natin sa buhay nag-iiwan tayo ng marka, kaya dapat conscious tayo sa mga actions natin.


Sorry sa typo 2011 blog, welcome me 2012! Thank you Lord! I love you! :)



Thursday, December 29, 2011

Dancing in the moonlight

We get it almost every night
When that moon gets big and bright
It's a supernatural delight
Everybody was dancing in the moonlight


Umaga na ako nakatulog kanina, 5:30 am na ata. Marami naman akong nagawang makabuluhan sa palagay ko today. Kausap ko siya kagabi till morning, masaya ako sa tuwing nagtetext siya. Sabi ko nga halos parehas kami ng mga gusto. Nawalan daw siya ng wallet, lahat ng cards and ids niya andun. Kawawa naman alam ko rin kasi ang pakiramdam ng mawalan ng importanteng gamit. Sa sobrang kulit namin nung mga bandang 3 am na naging seryoso na usapan namin. Di ko alam kung ano nafefeel ko nun, basta laging kong sinasabi sa kanya weird ng pakiramdam ko. Pinag-uusapan namin tungkol sa break ups at tungkol sa kapatid niya na nabroken hearted then suddenly napunta sa amin ang usapan:



Bella Swan: 3:27 na..kanina ka pa dapat tulog..hehe




Stalker: Alam mo may sasabihin ako sayo..




Bella Swan: Ano yun?




Stalker: I like you.




Bella Swan: Mukha nga..haha




Stalker: Alam mo thankful na rin ako if ever di magwork out ang panunuyo ko sayo.




Bella Swan: Totoo yan ah.. ok tayong friends di ba?hehe..mga hyper..haha




Stalker: Gusto mo bastedin mo na ako kung talagang wala na akong pag-asa sayo kung friends lang talaga para di na ako mag-iinvest ng feelings.




Bella Swan: Hayaan mo hindi ako kawalan..hahaha




Stlaker: So wala na ako pag-asa?




Bella Swan: Ano bang pakiramdam mo sa akin? ano ba toh, 4am ito ang pinaguusapan natin..hehe




Stalker: Yung feelings ko ba sa iyo? Tama lang yung time.




Bella Swan: Pwede rin.. anong tingin mo,may chance ka ba?tingin mo lang..




Stalker: Masaya ako pag nagtetext ka. Basta happy ako. Chance? Wala? Di naman kasi ako nakabase sa dahil sa nagtetext ka sa akin.




Bella Swan: Natu2wa din ako sayo..bihira yun..nani2bago din kasi basta,wala akong mga ganyang ewan..haha..basta I like like you as my friend..




Stalker: So friends lang talaga? Pwede mo naman sabihin para wala ng mangungulet sayo.




Bella Swan: Pwedeng hanggang ganun lang muna?we can go out, talk as friends..malay mo ayaw mo pala sakin..at least malaman mo muna.. hehe




Follow up message: Bella Swan: Nakakagutom tong usapan natin ah...




Stalker: Binabaliktad mo naman ako ikaw ata may ayaw sa akin.




Bella Swan: Hindi..gusto ko lang sure tayong pareho..dati akala ko sure na sakin yung guy,hindi pala..hayun..basta I really messed up..




Stalker: Galing din ako sa messed up, as in messed. So why will I let it happen again. Tagal ko bago ko nahanap sarili ko at magkagusto ulit sa iba.




Bella Swan: Basta ganun.. Painful ata yung sayo..kalimutan mo na lang yun..hehe





Stalker: kanina diba sabi ko 5 am na ako nakatulog kahapon, yung totoo iniisip kita kasi di ka nagtext sa akin. Sabi ko mukang wala na talaga akong pag-asa.



Bella Swan: ah..hehe..knockout ako paguwi ko,hindina ko nakakain..pag gising ko umaga na.hahaha




Stalker: Kahapon nga kanta ko eh puro Skeleton Boy at On Melancholy Hill, naalala kita. hehe




Bella Swan: hehe..baguhin mo n akanta mo. yop loader dancing in the moonlight masayang kanta naman...hehe




Stalker: hehe.. sige babaguhin ko na top 25 ko.




Bella Swan: hehe..di ka pa inaatok?




Stalker: di pa kausap pa kita eh, sa pasukan di na tayo ganito kaya dapat sulitin




Bella Swan: Oo, oras na ng gising yung ganitong time..hehe..






Whatever happen bahala na ang destiny, if it will happen, it will.




Monday, December 26, 2011

Sugar we're going down!!


Last night mga 2:30 na ata kami nakatulog. Di na sya nagreply kagabi ay este kanina, sabi nya lang maaga raw ang lakad nya bukas. Natatawa ako sa mga kanta na binibigay niya pero actually cute naman at nakakarelate ako. Isa sa mga nagustuhan ko na kanta na binigay niya ay yung On Melancholy by Gorrilaz, ang sad ng kanta pero I like the lyrics syaka yung isa pa ay yung Skeleton Boy ng Friendly Fires. hehe! Your love is out!! Nakakatuwa yung mga usapan namin, ewan ko kung napapatawa ko ba siya or ako lang natatawa haha! As of now friends lang status namin, masaya naman ako pero ewan ko if magogrow pa ba yun. Ayoko na muna isipin. Di naman ako nagmamadali pero sana makapagbond din kami sa personal gaya ng ng kulitan namin sa text.



Skeleton Boy
Friendly Fires

I close my eyes on the dance floor
I forget about you
I lose myself in flashing colors
I've gotta see it through

You're too much,
I take it that we're over
Should we even care at all?
Too much, too much
Lets shake hands and say goodbye

Your love is out
Believing despite the loss
Give me your hand
Lets face this night and see it through
(Repeat)

Right by my feet, lay broken glasses
You Skeleton Boy
Swept from the walls, drips on my shoulder
I gotta see it through

You're too much,
I take it that we're over
Should we even care at all?
Too much, too much
Lets shake hands and say goodbye

Before the sun comes out
Shake hands and say

Your love is out
Believing despite the loss
Give me your hand
Lets face this night and see it through
(Repeat)




Melancholy Hill lyrics
Gorrilaz

Up on melancholy hill
There’s a plastic tree
Are you here with me
Just looking out on the day
Of another dream


Well you can’t get what you want
But you can get me
So let’s sail out to sea
‘Cause you are my medicine
When you’re close to me
When you’re close to me

So call in the submarine
’round the world we'll go
Does anybody know
If we’re looking out on the day
Of another dream

If you can’t get what you want
Then you come with me

Up on melancholy hill
Sits A manatee
Just looking out on the day
When you’re close to me
When you’re close to me




Maraming nanliligaw sa kanya pero mailap siya sa mga lalaki. Ewan ko kung bakit basta di raw siya ready sa mga ganung isipin hehe! Ewan ko ba kung hindi talaga pwede eh di wala. Gusto kong ishare yung iba sa usapan namin hehe!


Stalker: Musta na mga nanliligaw sa iyo?



Bella Swan: Tumigil na.. hehe!



Stalker: Ganun?



Bella Swan: Lahat naman sila napagod..baka mapagod ka din.hahaha



Stalker: Di pa nga ako nagsisimula pagod agad? Hindi mo pa kasi ako payagan manligaw. Parang nililigawan kita para manligaw. Paano pa pag nanligaw na ako?



Bella Swan: Ikaw kaya nasa position ko, anong gagawin mo?



Stalker: Wait sasagutin ko tanong mo pero hindi ka naman galit nyan? Baka galit ka? Sensitive na ako.



Bella Swan: Ay hindi galit..hehe..serious mode lang.haha



Stalker: Kung ako babae? Syempre kikilalanin ko muna yung lalaki kasi baka mamaya mabait lang siya akin to please me. Syaka catch me if you can, at dapat alam nya yung kanta ni Jojo na How to Touch a Girl, magreflect siya dun. hehe



Bella Swan: Tawa ako dun ah,biglang nasingit si Jojo...hehehe



Stalker: Wait ang galing mo ring mangreverse eh no! haha!



Bella Swan: haha..napanood mo na yung ibang video ni Ryan Higa?maganda yung ass,movies in minutes,off the pill.



Diyan siya magaling magswitch ng usapan haha! Pero nag-enjoy ako sa usapan namin haha!

Sige later ulit blospot!



Sunday, December 25, 2011

Sorry.

Napasulat ako bigla ng wala sa oras. Ewan ko ba nainis siya sa akin. Di raw ako nakakatuwa. Magkatext kami then nagkamali siya ng text na vooks instead of books. Sabi ko naman talagang vooks? Sabi niya nagkamali lang hehe! Then after nun nagfollow up text ako na sa pasukan trade in tayo ng mga vooks. Ayun, reply nya lang cge.. Tapos sabi ko joke lang. Then nagreply siya na di nakakatawa, after nun wala ng reply. Mali nagawa kong move at wala naman pasok para makabawi ako. Masyado akong naging hyper na nakalimutan ko na sensitive pala kausap ko. Ay di ko pala alam na sensitive kausap ko. Anyway at least alam ko na pikon pala siya sa mga ganung issue. Anyway, nasasad ako pero ayoko muna sersoyin yun. I said sorry and if its not enough then I deserve it. Ako naman ang nagbiro, masyado ata akong naging familiar without knowing na nakakapikon na pala. Di na muna ako magtetext, wait ko na lang siya magtext if magtetext pa siya. hehe! Wrong move tsong. Well I guess if its meant to be it will happen I wish makapagsorry ako sa personal pero hindi eh. I will try sleeping na lang muna para di ko maisip. Bye Blogspot!