Saturday, December 31, 2011

Last One Standing-

Bago matapos ang taon ay nais ko munang balikan ang mga ilang pangyayari na naganap sa akin nitong taon na ito. Shoot ang ganda ng intro. Kasalukuyan akong nakikinig ng mga awitin ng Urbandub, ang pinakapaborito kong kanta ay ang The Fight is Over. Oo, over na, patapos na ang taon, kaya dapat handa na tayong lahat harapin ang 2012. Sa totoo lang hindi ko alam kung aayusin ko ba ang paraan ng aking pagsusulat o lalaruin ko ang mga salita ko para mas maging lapit sa mga babasa nito.

Masyadong naging mabigat para sa akin ang taon na ito, karugtong ito noong isa pang taon. Akala ko di na ako makakaalis sa mga pagsubok na naranasan ko, pero look at me now. Nakabawi rin ako, after ng pain, sufferings, betrayal, infidelities, rejection, at marami pang iba. Sa ngayon ayoko na isipin yun mahalaga yung ako ngayon, ito na ako buo na ulit at ready to venture. Mas na appreciate ko ang meron ako ngayon, marami pa lang akong kaibigan na hindi ako iniwan, kasama rin ang family ko, syempre hindi rin ako iniwan ng taas. Ngayon ko lang napatunayan na nagwowork talaga ang prayers. Medyo natagalan nga lang yung akin pero siguro sabi ni God, maghintay ka, yan ang kulang sayo patience! hehe!

Isa pa sa di ko makakalimutan ay yung traumatic na holdap sakin. Super down ako nung time na yun tapos biglang ganun. Aaminin ko naiyak ako nun pero di naman nangangahulugan na pagiging mahina ang pag-iyak. Gusto ko lang pag-uwi ko ng bahay wala na silang iisipin sa akin at di hahanapin ng mama ko ang mga gamit ko. Ayoko siyang mag-aalala.

Nahirapan din ako sa mga unang buwan ko sa bago kong department. Mabigat ang load ko. Masyado kasi akong mabilis magdesisyon sa paglipat di ko muna inisip yung pwedeng kapalit nun. On the other had, may maganda rin namang nadulot yun, mas napalapit ako sa mga batang special. Mas nakita ko at nalaman ako ang needs nila. Mahabang pasensiya at punong-puno ng love, yun ang kailangan nila. Kung babalik man ako next year sa big school, yun ang di ko pa alam. May offer din sa kolehiyo, mas malaki ang sweldo pero hindi ko pa alam kung kukunin ko ba or isang taon pa ako sa school. Mabait naman kasi ang mga tao, masaya rin ang ambiance kaya nag-eenjoy ako kahit malayo sa bahay namin.

Dumating din ate ko last October, masaya ako kasi nakompleto kaming pamilya. Kahit na lahat kami may work tapos ate ko lang naiiwan sa bahay. hehe! Pero mahal ko syempre ate ko at marami rin naman siya natulong sa akin. Hindi man sa financial pero moral support siguro at love. Yun ang mahalaga. Hindi pa rin ako sigurado kung dadalawin ko siya next year. Sana may discount ang pamasahe!

Medyo maingay na sa labas, ilang oras na lang New Year na. Ako nagboblog pa rin. Hindi ko alam kung sino pa ba ang mga dapat kong pasalamatan. Ay! Syempre yung mga mababait kong panelista na sina Dr. F, Dr. Taylan at Dr. Garcia. Espesyal na pasasalamat sa nag-iisa kong adviser na naging matiyaga sa katigasan ng aking ulo, Dr. Demeterio. :)

Nitong mga nakaraang araw naging call center agent ako. hehe! Ewan ko kung mababasa niya lahat ng nakasulat dito. Masaya ako sa tuwing kausap ko siya. Natutuwa din ako sa effort niya na till 5:45 pm gising pa siya, gising pa kami. Hindi ko alam kung saan to mapupunta. Siguro kailangan ko pang mag exert ng effort para mapatanuyan sa kanya na gusto kong talagang ma-win ang heart niya. Sana, sana talaga may pag-asa. I will make her the happiest girl in Las Pinas at BF. haha! Ayos sakto, Dancing in the Moonlight ang kanta. hehe! Que sara, sara, what ever will be, will be!

Nagtext adviser ko bigla, Happy New Year daw, ang sweet. Sana mahabol ko pa raw ang cd ko. Syempre naman sir! hehe! Malaki ang utang na loob ko kay sir, di ako magkakaMA kung wala siya sa tabi ko. Di niya ko binitawan kahit gusto ko na ulit kumuha ng panibagong course. :)

To wrap up this post, gusto kong pasalamatan ang lahat ng tao na di ako iniwan at tinulungan ako para maging si Yuan ako ngayon. Syaka totoo pala talaga na kapag nagbigay ka ng love sa iba ay babalik din sa iyo yun. Natutuhan ko rin na talagang theres a rainbow after the rain. Lahat ng trials and pain, matatapos din.

May nabasa ako na sinulat ni Paulo Coelho about sa quality ng pencil na applicable rin sa atin.

Una raw, we are all capable of great things, we must never forget that there is hand guiding our steps. Si God yun. He guide us according to His will.

Pangalawa, pag mapurol na ang lapis kailangan ng tasahan, so ang pencil, nagsusuffer sa process na yun pero eventually, mas magiging sharper siya. So dapat matuto tayong ibear yung certain pains, sorrows, kasi they will make you a better person. :)

Pangatlo, Ang pencil may eraser, so meaning ang pagkakamali ay hindi naman nangangahulugan na masama, instead it helps to keep us on the road of justice.

Pang-apat, what really matters in a pencil is not its wooden exterior, but the graphite inside. So dapat daw we always pay attention on what is happening inside us.

At panglima, the pencil always leaves a mark, so sa lahat ng nagagawa natin sa buhay nag-iiwan tayo ng marka, kaya dapat conscious tayo sa mga actions natin.


Sorry sa typo 2011 blog, welcome me 2012! Thank you Lord! I love you! :)



No comments:

Post a Comment