Madaling araw na at hindi pa rin ako makatulog. May bumabagabag sa aking isipan. Bukas Sabado ayokong pumasok, wala akong magagawa kundi sumunod. Maya-maya pa ay tumunog ang aking telepeno. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang kaibigan. Nalulungkot daw siya umano dahil hindi kami kasama. Naglabas ako ng sama ng loob. Hanggang sa natapos sa pag-uusap na mag-ingat kayo at magsaya.
Pumasok ako nang medyo huli. Mahaba ang mukha, malungkot. Pakiramdam ko wala akong kwenta. Mabuti na lang at may paisa-isang mensahe ako na natatanggap mula sa kanya at aking mga kaibigan.
Pagkarating ko, wala na sila. Wala ni isa mang bakas na lumisan ang lahat at naiwan ang ilan. Pagkapasok ko ay, kinuha ko agad ang attendance. Maraming pumasok. Marami ang hindi sumama. Nakakagaaan sa loob. May kusa ang mga bata. Nagklase ako, kinalimutan ang masaklap na pangyayari.
Hapon, natulog muna kami ni Brother Erine sa lounge. Sarap ang lamig ng aircon. Maya-maya pa ay tumunog ang kanyang telepono. Nagtext na pala sila. Hinihintay na kami sa Lopez. Ang pagiging malungkot namin dahil sa pag-iwan nila sa amin ay napalitan naman ng ibang lakad. Naipit kami sa baba, pinakain pa kami ng GS teachers. Nakakatuwa, ramdam ko ang pagmamahal nila.
Pagdating sa Lopez, kumpleto na ang lahat ng kasama. Nakakatuwa, naglakbay kami sakay ng isang van patungo sa Greenbelt. Mahusay ang pelikula. Wala akong masabi kundi bitin. Bukod pa dito marami akong natutuhan. Salamat say Anca.
Natapos ang gabi sa masarap na sorbetes. Mahal ngunit okay naman ang lasa. Sulit.
Umuwi ako at nasabi ko na mabuti pa sina Harry Potter, anuman mangyari, walang iwanan.
Magandang araw :)
No comments:
Post a Comment