Matapos ang mahabang panahon nang pananahimik. Tinanong ko sa sarili ko kung marunong pa ba ako magsulat. Biglang nangati na naman ang aking mga kamay at nagpasya na tipahin ang kuwento ng mga pangyayari ng aking buhay. Minsan nakakabagot na laging ako na lang. Minsan naisip ko kung ibang paksa naman ang atupagin ko.
Sakay ng bus na medyo aalog-alog ay kausap ko ang isang tao na mahalaga sa aking buhay. "Saan kayo?, sabi ng taga-ticket ng bus." Sumagot ako at sinabi ang lugar na aming bababaan. Sa kaligtnaan ng EDSA ay biglang bumagal ang pag-usad ng bus. Hindi ko mawari kung ano ba ang pinagmumulan ng trapik at araw-araw na lang ay ganun ang sitwasyon. Rush hour nga naman.
Nakatingin ako sa kanya. Nakatitig at binabalikan tatlong taon mula nang makilala ko siya. Ibang-ibang na siya. Marami na ang nagbago. Maya-maya pa ay napag-usapan namin ang kanyang pag-alis na naman patungo sa bansa ng mga naghaharing-uri. Nanlamig ako, mas malamig pa sa dala ng hangin ng buwan ng Disyembre.
"Pagbubutihan ko ang trabaho ko dun. Kikita ako ng close to million a year. Ang saya diba? Nakakalungkot lang kasi maiiwan ko pamilya ko at ikaw"
Nakakatuwang marining, na kasama pala ako sa mga taong maiiwan niya, ngunit mas masakit na isipin na hindi mo alam kung kailan siya babalik. Isang taon na lang ang taning niya. Shet tila isang sakit. Tila isang kanser. Ang impeksyon ay kumakalat sa buong katawan hanggang biglang maglaho. Yun ang ang pakiramdam ko.
Maya-maya pa ay naging emosyonal ako. Upang maiwasan, nagpasya akong matulog sa bus. Hinanap ko na naman ang lugar kung saan ang lahat ng pangarap ko ay maaaring matupad. Minsan naisip ko, kahit janitor lang ako sa bansa na iyon gagawin ko makasama ko lang siya. Kahit sa bansang ito ay maganda ang propesyon ko subalit makapunta lang doon kasama siya ay okay na sa akin. Lahat ng trabaho papatusin ko.
Natapos ang gabi ng aming pag-uusap. Nakarating na kami sa kanilang tahanan. Natigil na ang usapang "paglisan". Nagpatuloy sa pagvideoke at natapos sa "nasaan na ang bibingka", sambit ni Tita Jenny.
Nakakatuwa.
No comments:
Post a Comment