Kung mabibigyan lang ako ng chance na baguhin lahat ng mistakes na nagawa ko sa buhay ay inayos ko na. Di ko alam karma ba ito o parusa. Anyway, after ng holdup incident ay tulala pa rin ako at di ko alam kung paano ako magsisimula ulit. I'm no longer bitter with the material things na nawala sa akin. Kaso yung trauma na naiwan sa akin yun ang di ko pa alam paano ihandle. Gusto ko magcommute pero di ko alam kung paano, natatakot ako. Actually two days na akong nakakulong sa araw. Lumabas lang ako kahapon para bumili ng phone para incase may magamit naman ako para sa mga importanteng lakad. (take note may kasama pa ako) Medyo nakakabagot sa bahay, kung ano ano naiisip ko. Di ko maintidihan ang nangyayari sa akin, minsan naiisip ko masamang tao ba ako bakit sunod-sunod ang dagok sa buhay ko. haha! As in dagok ang term. Ayoko na sana seryosohin mga bagay-bagay kaso in the end pag matutulog na ako dun din ako naglelead. Medyo magaan ako magsulat dito, nasa secret blog ko nakatago ang lahat ng emotions na di ko malabas. haha! Ayoko naman isipin ng mga babasa nito na di ako makaget over sa mga bagay-bagay. Maybe I just need one person naiintindi sa akin at magbabalik sa dating ako. Tao na tatama sa pagkakamali ko. Kaso wala pa siya di ko alam if darating ba, kailan ba, baka natraffic o kaya baka may pinutahan pa, baka naman di pa time or baka natutulog pa o baka busy pa, baka nahihiya lang din siya parang ako. Paano ko kaya matatapos ang taon ko na wala akong kagalit, lahat ng trials ay nalagpasan ko. Di na ako bitter sa mga bagay, kaya ko ng tanggpin na wala na ang isang bagay/tao sa buhay ko, na baka pinadaan lang for a reason.
Paano ko aayusin muli ang sarili ko na everytime na matutulog ako ay may burden sa puso ko, sa isip ko. All in all minsan pakiramdam ko ako na lang mag-isa. Di naman ako pwede magkuwento sa iba. Paano yung iba gagawing tsismis lang yung iba naman matatawa, madrama at iang iba ay pagod na. Sana nga mapagod na ako at may dumating na bagong tao o mga bagong tao sa buhay ko.
Makita Kang Muli- Sugarfree- sarap pakinggan

Hayyyy nakakarelate ako. :(
ReplyDeleteawww ok lang yan hehe!
ReplyDelete