Thursday, November 24, 2011

Final Defense

Pagkatapos ng mahabang proseso ng paghihintay ay umabot na rin ako sa huling depensa. Iyon nga lang kala ko doon na nagtatapos ang lahat subalit marami pa ang pinapaayos. Salamat sa mga nakaalala na bumati at gayudin naman sa mga hindi. Masalimuot ang proseso na aking pinagdaanan para lang mabuo ang aking tesis. Pero pakiramdam ko pinagbigyan lang ako ng mga panelista ko para matapos na. Sabi nga naabi ko na di pa rin ako magtatapos hanggat di ko na-edit ang mga pinagagawa nila. Salamat sa taas sapagkat ipinag-adya niya na matupad iyon. Nanganguhulugan na iyon ang gusto niya.

Samantata makalipas ang mahabang sakit na aking nararadman ay masasabi ko na tinapos ko na. Wala na akong balak pa balikan ang nakaraan ko Pakiramdam ko kasi di ako uunlad kapag nakakapit lang ako sa mga pangyayari na iyon. Malinaw na rin sa akin kung ano ba ang papel ko sa mundo. Sana nga lang ang mga taong nakalimot ay muling magparamdam at ang mga taong di pinansin ang nagawa ko ay okay lang naman. Pana-panahon lang yan. Ang hirap sa larangan ko kanya-kanya sila ng pasikatan. Sila na lang. Pagbubutihan ko na lang maging guro at kung kakatok talaga sa akin ang pagsusulat nangangahulugan na akin talaga iyon. Sige ayun lang blogspot.

Salamat po Lord! Nauunawaan ko na po kayo.

No comments:

Post a Comment