Ang kuwentong ito ay likha lamang ng malikot kong isip sa tuwing nababagot ako.
Bitin
Sinadaya kong tumayo sa aking kinauupan upang makaupo siya sa pwesto na iyon at makasama namin siya. Tahimik siyang kumuha ng kanyang pagkain habang binulungan ko ang aking katabi.
"Ayain mo siya at dito mo paupuin."
At doon nga siya umupo samantalang ako naman ay umupo sa lapag kasama ang iba pa. Pinili ko ang puwesto na matatanaw ko siya. Walang siyang kibo habang kumakain. Sabay ng bulyaw at pagbibiro ng iba naming kasama. Di ko ito tiningnan bilang negatibo sa halip ay positibo. Alam kong nakikinig siya at naiisip niya na bakit ako niloloko ng aming mga kasama.
Maya-maya pa ay humupa na ang tawanan at biruan. Ang iba ay tumayo na at naging abala sa pagkuha ng mga retrato, samantalang ang iba naman ay nagpaalam na upang umuwi. Nakita ko siya sa isang sulok. Bitbit ang isang paper bag at walang kausap. Nilapitan ko siya at kahit na nahihiya ako ay naglakas loob ako na siya ay kausapin.
"After nito, uuwi ka na?"
Tanong na alam ko naman sa sarili ko na alam ko rin naman ang sagot. Subalit sadyang ganun talaga kapag kaharap mo ang isang tao na alam mong espesyal sayo. Pinipilit mong ipakita na wala kang ibang nararamdaman kahit na alam mong sa sarili mo na mayroon subalit alam mo sa sarili mo na malabo at hanggang kaibigan lang.
Tumango siya at sinundan ko naman ng tanong na, "sabay tayo pauwi? Okay lang?"
Muli siyang tumango sabay sabi na, "tayong dalawa lang?"
Sa mga panahong ganito ay mas dapat maging mabilis ang aking pag-iisip at pagbasa sa kanyang mga kilos at salita, kaya't ang naisagot ko agad ay, "ayan marami tayo, may lakad pa ata, sama muna tayo kung gusto mo?"
Natuwa ako sa muli niyang pagtango. Gaya ng dati ay matipid pa rin ang kanyang mga sagot. Nahihiya pa ata o maaaring ganun talaga siya. Tuwing ganun ang kanyang mga kilos at pananalita ay siya namang palaisipan sa akin para basahin ang kanyang isip. Sa totoo lang nahihirapan talaga akong basahin ang kanyang isip.
Nagsimula kaming lumakad kasama ang ibang kasama at nagpasya na magtungo sa isang mall. Walang plano kung saan tutungo, ang drama, bahala na si Batman. Sinabayan ko siya sa paglalakad habang kinakausap ko ang iba kong kasama upang hindi mahalata na gusto ko talaga siyang makasama.
Malapit lang ang mall kaya't naging madali lang ang aming paglalakad. Sa isang kainan sana ang planong naming pumunta subalit kakatapos lang namin kumain.
Muli ko siyang kinausap at tinanong kung inaantok na ba siya. Alam kong hilig niya ang pagtulog kaya't alam kong ang isasagot niya ay "oo". Hindi nga ako nagkamali, iyon nga ang kanyang sagot.
Masyado na ring gabi kaya't binulungan ko siya na mauna na kami. Alam kong maaga siya bukas at pumayag naman siya. Nagpaaalam na kami sa aming mga kasama at nagsimulang maglakad.
Di ako pamilyar sa mall, ilang beses pa lang ako nagpunta roon. Mabuti na lamang at kahit papaano ay alam niya iyon. Mahaba rin ang aming nilakad. Sa isip ko ay sana hindi na lang matapos ang gabing iyon. Nakakatuwa sapagkat kahit papaano ay hindi kami nauubusan ng mga kuwento.
Sumakay kami ng jeep, magkatabi at habang nagkukwentuhan ay nakatingin lang ako sa maganda niyang mukha. Kung maaari lang sana na mas mahaba pa ang aming bababaan ay mas magiging pabor sa akin sapagkat matagal ko pa siyang makakasama.
Maya-maya pa ay bumaba na kami ng jeep at pumara, nais ko sana siyang ihatid sa kanila subalit nahihiya naman ako na mangulit. Para sa akin sapat na ang panahon na napagbigyan niya akong makasama siya at makasabay siya kahit sa kanto ng village nila.
Nagpaalam na siya at nagsabi na sumakay na ako ng bus. Tumango ako at sinabi ko na hihintayin ko muna siyang tumawid. At gaya ng dati upang di maputol agad ang usapan ay muli na naman akong nagtanong ng tanong na alam ko ang sagot. "kaya mo na?"
Ngumuti siya sabay tawid.
Tinanaw ko siya sa malayo at umaasa ng lilingon siya subalit hindi.
Sumakay ako ng bus.

No comments:
Post a Comment