Kung totoo man ang hinala ko, then ayoko mastress.
Madaling araw na akong nakauwi kanina. Bitbit ang mga gamit na mahahalaga at iniingatan. Nakakatakot sa daan subalit kailangan kong umuwi sapagkat hahanapin ako ng mama ko. Malalim ang aking iniisip kagabi. Palaisipin kung sino ang may gawa nun. Di naman talaga ako uminom masyado. Nakikinig lang ako sa mga kuwentuhan nila. Nakakatuwa sila at nakakatawa din ang mga banat nila kapag nagjojoke sila.
Sa di inaasahang pagkakataon ay naibigay ko ang dapat kong ibigay. Sa kantong iyon. Bitbit ang isang mineral water na pampatanggal ng kaba. Nakatingin sa kanyang mga mata at sa bawat bigkas niya ng mga salita. Nalasing ata ako sa isang pangarap.
Tuloy pa rin ang kuwentuhan, may personal, may kung ano ano lang, basta mahalaga kailangan kong namnamin ang alak para panandalian kong makalimutan ang gumugulo sa aking isipan. Lumalim na ang gabi at ang dalawa ay taob na. Samantalang ako naman ay tahimik na nagmamasid at nakikinig sa kanilang mga sinasabi.
Kasalukuyan akong nakikinig ng How to Deal ni Frankie J. Maganda ang mga linya, pero di ko alam kung mairerelate ko ba ang sarili ko. Syempre hindi kasi kakabasa ko lang ng lyrics. :D
Balik tayo sa kuwento, umuwi ako na may bumagabag sa aking isip.
Sino ang nagpadala ng pasta? Di ako.
Sana di ikaw. Sana mali hinala ko.

No comments:
Post a Comment