Kung ang katumbas ng bawat blog entry ko ay pera siguro mayaman na ako. Kahit magsulat pa ako maghapo't magdamag at ang kapalit naman nito ay malaking halaga ay tiyak na mas gaganahan ako. Nagpapasalamat ako sa bakasyon sa dahilang nakakatulog ako nang mas mahaba, relax, petix at walang ginagawa. Subalit nakakabagot pala. Kung anu-ano ang pumapasok sa aking isip at isa na rito ay ang future ko. Iniisip ko kung paano ako makakabili ng bahay at kotse kung ang kinikita ko ay di pa sapat sa aking mga pangangailangan. Ayoko naman ideprive ang sarili ko para sa mga bagay-bagay na nakakapagpasaya sa akin.
Bukas ay Vicita Iglesia na. Di ko alam kung sasama ba ako sa aking mga kaibigan o mananatali na lang ako sa bahay. Sampung taon ko na rin panata iyon bilang pagninilay-nilay sa mga kasalanan at mga maling nagawa ko sa buhay. Hindi ko maunawaan kung bakit sa tuwing Semana Santa ay nabobroken hearted ako. Ang panahon ng Summer ang panahon na nagiging mahina ako. Di ko alam kung paano ko muling iaangat ang aking sarili sa pagkapahiya at pagkadapa.
Tumitingin na naman ako ng trabaho abroad. Subalit kung hanggang tingin lang at walang aksyon mananatili lang ako sa kinatatayuan ko. Magulo talaga. Habang lumalaki ako ay nagiging komplikado ang buhay. Mas lumalaki ang aking pangangailangan.
Walang tao sa bahay, walang makausap. Habang ikaw di mo man ako pinapatay sa puso, sa isipan mo naman ako pinasok.
Langya.

No comments:
Post a Comment