Wednesday, April 4, 2012

Trial-

Ito ang una kong creative writing (feelingero lang) Matagal ko nang itanago sa baol ito at ngayon ko lang ilalabas. Di ko nabuo ang kuwento na ito sa dahilang mahirap din pala magkuwento lalo na kung seryoso. Nakapitong entry ako sa una kong creative writing, ito muna ang ilalabas ko. Ito ang kuwento ng paglalakbay ko patungo sa puso mo. Bagama't tapos na ang lahat ay sisikapin ko pa rin itong tapusin bilang ala-ala sayo. December 9 ang unang araw na ipinagtapat ko ang lihim kong pagtingin sayo. LOL (may panimula haha!)

December 9, 2011
Ferrero

Hope you appreciate my gift...
Message Sent!
Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba ang binigay kong tsokolate pero ang araw na ito ay tinawag kong suicidal day. Naglakas loob akong magbigay ng prensence para sa isa kong katrabaho na hindi ko naman ginagawa noon. Bahala na kung malaman nila ang mahalaga sumubok ako.
Kasalukuyan kong kasama ang dalawa kong kaibigan habang sila ay abala sa paglilibot sa Southmall ay abala naman ako sa paghihintay ng kanyang text. Maraming tao sa mall ngayon malapit na kasi ang Pasko. Since na malapit lang sa trabaho namin ang lugar ay marami kaming nakikitang mga kakilala. Karamihan estudyante.
Isang oras, dalawang oras, walang message coming from her. Ang haba na ng mukha ko samantalang yung dalawa kong kaibigan ay nag-eenjoy sa kanilang ginagawa.
Hindi ko alam kung bakit ako nagpadala ng tsokolate. May kung anong engkanto na nagtulak na lang sa akin kagabi para bumili nun. Pagkatapos kong magsimba ay nakita ko na lang ang aking sarili na patungo sa Pure Gold para bumili ng tsokolate. Weird. Oo weird talaga.
Natatawa ako sa dalawa kong kasama kasi painaglalaruan nila yung mga cd na tinitingnan namin. Nagkatabi pa yung cd ni Piolo at Mark Bautsita. Sakto may issue si Piolo nun at nadawit si Mark Bausista.
Wala pa rin siyang reply at siguro hindi nga siya interesado sa akin kaya unti-unti ko na rin binubuo sa aking sarili na wag na lang akong umasa.
Naging abala ako sa pagtingin ng cd, nagbabalak akong bumili habang yung dalawa kong kasama ay tuloy pa rin sa pagtawa at pag reminisce sa mga dating singer na ngayon ay hindi na sikat.
Biglang nagvibrate ang aking phone. Agad kong binasa. “Thank you. Ü” Bigla akong napahinto, tapos sabay smile. Nagreply siya pagkatapos ng ilang oras na paghihintay. Syempre hindi ko pinahalata sa mga kasama ko. Ayokong munang ipagkalat. Pero deep inside masaya ako na sumagot siya. Nagpaya ako na di muna sumagot sa text niya. Una, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin, ikalawa, nahihiya ako at ikatlo wala akong extra load. Sa isip ko nun magandang pasimula na yung araw na iyon. Syaka besides may kasama namang Ü ang message niya. Ano kaya ang meaning nun? Thank you (you), redundant naman, Thank you (yuan), pwede? O Thank you, (u stalker!) Kung ano man ang kahulugan nun hindi ko na alam, ang mahalaga sa akin ay nagthank you siya. Kung hindi man niya yun kainin, okay lang. Mahalaga naibigay ko. Natapos ang araw ko na masaya at umuwi ako na iniisip kung interesado ba siya sa akin. Kung magugustuhan niya rin ba ako? Kung may pag-asa ba ako? O matutulad din ang kapalaran ko sa maraming mga lalaki na humahanga sa kanya? Puro tanong na hindi malinaw sa akin ang sagot, basta ang araw na ito ay ang araw na nagcommmit ako ng suicide.

No comments:

Post a Comment