Saturday, January 21, 2012

Math

Wala naman bago ngayon sa akin bukod sa maraming papel na dapat ipasa na di ko maunawaan kung may dahilan ba talaga o gagamitin nila. Galing ako sa Divisoria kanina para bumili ng sample costume ng mga estudyante para sa Music Recital. Maraming tao, siksikan at mainit. Subalit alang-alang sa mga estudyante ko ay di ko ininda iyon. Kanina pa ako nagrerecording, pero sabog lagi ang tunog. Mas kailangan ko pa ata ng mas kulob at tahimik na lugar para sa recording ko. Masakit din ang lalamunan ko. Di ko alam kung bakit. Namimiss ko ang maggitara bakit kasi nasira pa ang gitara ko. Ay este kapatid ko pala ang nakasira di ako!

So ayun lang wala naman bago. Namimiss ko siya.


Saturday, January 14, 2012

Only if you could read my mind and feel my heart..


Pagod na pagod ako kagabi. Pagkauwi ko galing sa work, MOA at Divisoria ay napahiga ako agad sa kama. Nagtry ako manood ng TV pero di ko maintidihan ang Vampire Diaries. Mas more on nakalutang lang ang utak ko. May mga nagtetext din pero maikli lang ang sagot ko, di ko alam antok na antok talaga ako pero ayokong matulog. Pero syempre di ko napigilan, ayun tulog ako. Nagising na lang ako ng 2am para magsipilyo. haha! Ewan ko ba napakavain ko di ko kaya matapos ang araw na di ko nagagawa ang mga routine ko. Matapos nun tulog ulit at di muna kumain.

Ang aga kong magblog ngayon, aga ko rin kasi nagising. May lakad pa dapat ako kagabi. Niyayaya ako ng friends ko kaso nakatulog ako. Daming missed calls. (patay!) Sorry naman! :D Masaya naman ang ikalawang linggo ko sa pasukan. Yun nga lang may part na ewan, na dapat kong harapin.

Mahirap pala magpretend na kunyari wala kang nararamdaman kapag nakikita mo ang isang tao. Na kunyari di mo siya gusto. As much as gusto ko siyang makausap sa personal at ibalik yung dati na parang wala lang, Eh wala na natuldukan na. I'm missing the days that we are sharing thoughts and stories without asking if ano ba meron sa atin. Just a plain someone na happy sa isa't isa.

Di ko alam kung makakabawi pa ba ako sayo. Di ko rin alam kung magugustuhan mo pa ba ako. I sincerely like you. Kahit na alam ko partly umiiwas ka. Namimiss ko yung napupuyat tayo na masaya lang. Walang wall.

Kahit na magkausap pa rin tayo at nagpapansinan sa school may part pa rin sa akin na kapag nakikita kita eh parang may wall. Sana one day mawala yun, at makabalik tayo sa dati na wala lang. No pressure, just want to enjoy and be happy with someone. I'm willing to wait. Sana wag mo akong iwasan. :)

Sunday, January 8, 2012

9:27

For some reasoon di ko alam bakit hindi siya nagtetext. Baka busy. After ng lakad namin nung Friday nafeel ko na medyo naging cold siya. Good as saying na ba yun na magstop na ako? Di ko talaga mabasa ang isip niya. Ayoko muna magconclude since na bukas 1 month na rin ako nag-open ng feelings para sa kanya. Itatry ko ulit. But honestly namimiss ko siya. Di ko nga alam if sasama ba sa akin yun na mag-isa if ever na yayain ko. Hindi ko rin alam kung paano ko ba siya mapapaniwala na sincere naman ako, na kung mabibigyan lang ako ng chance. (sana) Sa ngayon I'm still hoping na magtetext siya. Pero kung hindi baka nga busy siya. Or baka tulog o kaya walang load. Di ko alam basta ang cold kasing cold ng panahon ngayon.

One month na rin pala ako nung magsimba sa BF, one month na rin ng bumili ako nun para sa kanya. Grabe ang bilis ng panahon. Pero sa one month na yun naging masaya naman ako. Di ko alam alam if ano ba talaga ang status ko. May pag-asa ba o wala. Ano mang mangyari may dahilan. Syempre nalulungkot din ako kahit papaano tuwing di siya nagtetext. Ewan ko nasanay lang ba ako o masaya talaga ako tuwing nagtetext siya at nafefeel ko na gusto niya akong makausap.

Baka after nito bumalik na naman ako sa dating ako. Playing my top 25 list. Going home early, sleeping and hoping for a brand new day. Dahil sa kanya may mga bad habits ako na nawala. Good side yun ngayon sa ibang side naman ewan ko, nagpapatugtog na naman ako ng malungkot na kanta.

Mahirap pala talaga makahanap ng tao na magugustuhan ka at matatanggap ka na kung sino ka. Itatry ko pa rin ngayon kung di talaga magclick, well ganun talaga buhay, malulungkot ako for sure kasi after 1 year ngayon lang ako ulit nagkagusto at makafeel na special sa isang tao. Yun nga lang baka next time takot na rin ako magventure.

Itatago ko na lang muna ang feelings ko sayo Ms. Headband, sigurado ako sa nafefeel ko sayo, di lang talaga ako sigurado kung sasaluhin mo ako. Ito na muna for today blogspot.


signing off.

Saturday, January 7, 2012

3 kings


Di ako masyado makatulog kagabi pero maaga pa rin ako nagising ngayon. Ang sakit kasi ng tiyan ko. Di ko alam kung may nakain ba ako na ewan. Anyway, magkukulong lang ako sa bahay at magpapahinga ngayon. Magtitipid din ako next week, bawal muna sobrang gala. Dapat makatipid ako, may, bibilin kasi ako.

Isang buwan na bukas na nagpaparamdam ako sa kanya, lalo kong nararamdaman na lumalabo. Sana may signs when to stop, medyo mahirap din kasi itago yung feelings tapos magpretend na friends kayo pero deep inside you want more than that. Weird.

Sabi ko aayusin ko profile ko pero tinatamad ako, so far epic pa rin ang design ko sa blog, sakto lang. Pero try ko pa rin as much as possible.

Kung hindi man siya si Paraluman, sana makita ko na siya and I will make her happy, mas masaya pa sa nagawa ko noon.

Sana magustuhan niya rin ako. X.X

Summer Song

Inaantok na ako pero mas pinili ko pa rin na magblog. Galing ng estudyante ko sa cover nya ng "Walang Iba" ng Ezrha Band. Ganda ng boses ni Luigi. Nagiging fan niya ako.

Galing kanina ako sa SM Southmall, namiss ko tuloy ang Megamall parang ganun din kasi ang ayos. Weird, sa ibang lugar na ako napapadpad. Bumili ako ng cellphone, di ko muna gagamitin, wala pa akong time mag-ayos at unawain iyon. Pero sana nga cool talaga yung phone na nabili ko.

Nakasama ko siya kagabi, ewan ko first friendly date namin sa SB? haha! Naglaro kami ng mahjong kahit na alam ko na inaantok na siya eh nagtuturo pa rin siya sa amin. May mga rules nga na nalilito ako pero pag nilalaro mo paulit-ulit makukuha mo rin ang flow. Di ako nananalo sa games, pero pasimple akong nakatingin sa kanya. Kala ko tahimik lang siya, di pala, medyo madaldal din siya, pero in a cool way naman. Ang ganda ng mata niya sa malapitan. Ginawa ko yung best ko para di mailang sa kanya, kasi nga friends kami. Naninibago ako, pero tama naman siya magstart kami as friends. Di ko alam kung talagang may chance ako sa kanya. Gusto ko siya ilibre ng food pero ayoko naman isipin niya na nanliligaw ako. Malinaw sa akin na friends (muna?) kami. Malabo. Pero sana nga mapasagot ko siya. Swerte ko lang talaga. Kung mangyari man yun gagawin ko best ko para mapatunayan sa kanya na sincere ako.

Mag-iisang buwan na rin pala ako nagpaparamdam sa kanya. 3 buwan kong tinago ang lihim kong pagtingin, ngayon nabunyag na. hehe! Sa six years ko sa work first time ko lang magkagusto at makafeel ng weird sa kasama ko. Di ko alam. Basta mat reason kaya siguro ganun ang sitwasyon.

Everyday gusto ko malaman ang status ko sa kanya sa paraan na di ako makulit. Sana talaga mapasagot ko siya.

Tulugan na!

Sunday, January 1, 2012

500 Dayssss

Okay another blog for today. Bakit kapag palabas ay 500 Days of Summer ay may nagtetext sa akin at nagsasabi na panoorin ko raw. Hindi ko alam pero natatawa ako kapag napapanood ko yun, in some point nakita ko sarili ko kay Tom. (noon) haha! Sino si Summer? Ewan ko ba weird mga tao. Gusto ko lang ipost yung dati kong post sa dati kong blog. Katawa lang eh, ito pala nafefeel ko nun sa movie. hehe!



I want to share these lines to my readers that made me teary eye, it is from the movie 500 Days of Summer. I hope I got the lines close to the movie. One of my favorite.



Tom: You never want to be anybody's girlfriend and your somebody's wife

Summer: It surprised me too

Tom: I don't think I'll never understand that, I mean, it doesn't make sense

Summer: It just happened

Tom: Right what I don't understand, what is happened?

Summer: I just woke up one day and I knew

Tom: Knew what?

Summer: What I was never sure of with you



AGUY! It hurts me too when I heard the last line. Like Tom, I also believed that it really sucks realizing that everything you believing is a completely a bullshit. It sucks! Destiny and soul mates, true love and all that childhood fairy tale, nonsense.

And now I have a choice, to be like Tom and wait for my Autumn or to be like Summer, that was never sure of anyone else and one day get married.

I'm counting the days before June ends and I will finally say goodbye to my first blog that taught me to live, love, hope, pray and believe. Thanks for teaching me how to write. Thanks for making my words into life. Thanks for all the memories we shared, for the laughter's, pain and happiness that lead us to be one.


haha! sarap balikan mga post ko nun. katuwa lang! ^__^

Saturday, December 31, 2011

1/1/12

cute naman nito


when will I hear your voice?


Umaga na rin ako nakatulog kanina, bukas may gagawin na ako. Magiging busy na naman ako. Mababawasan na naman ako ng tulog. Di bale eenjoyin ko na lang mga ginagawa ko. Aga-aga blog kaagad una kong ginawa. Napatalon ako kanina sa kama ko nung marinig ko na parang kinukuha ng pinsan ko yung libro na binabasa ko. Ayun sabi ko wag di pa ako tapos, medyo napasimangot siya, binigyan ko na lang siya ng Bob Ong. :) Alam ko ayaw niya magbasa ng Filipino pero wala eh di pa ako tapos, maghintay siya.

Nagtext si Ikay, dinner daw later. Di ko alam kung matutuloy. Knowing my friends, minsan drawing lang. Di ko pa alam routine ko today pero ayoko makulong sa bahay lang. Dapat makaalis ako kasi bukas huling araw na at jugdment day na. Pag galing sa bakasyon lagi akong nahihirapan na pumasok. Gusto ko papasok lang ako pero walang gagawin. hehe! Pero so far sa ngayon di naman ako masyadong ilag sa pagpasok. Okay lang naman work sa umaga, friends sa hapon. Cool yun! Simpleng kape lang or tawanan masaya na ako. Ano ba yan feeling ko ang babaw ko. Ang daming pagkain sa bahay ang problema ayokong kumain. Bat ganun? Pero pag wala naman pagkain gusto kong kumain. How ironic. Yung isa kong blog itatapon ko na. Ayoko naman delete ang mga nakasulat dun pinaghirapan ko yun. Syaka malay mo maging sikat ako sa pagdating ng panahon at least may mauungkat sila na profile ko. haha!

Marami rin ang bumati sa akin. Ang saya lang dami ko ng friends. Wait gutom na ako. Bye!