Inaantok na ako pero mas pinili ko pa rin na magblog. Galing ng estudyante ko sa cover nya ng "Walang Iba" ng Ezrha Band. Ganda ng boses ni Luigi. Nagiging fan niya ako.
Galing kanina ako sa SM Southmall, namiss ko tuloy ang Megamall parang ganun din kasi ang ayos. Weird, sa ibang lugar na ako napapadpad. Bumili ako ng cellphone, di ko muna gagamitin, wala pa akong time mag-ayos at unawain iyon. Pero sana nga cool talaga yung phone na nabili ko.
Nakasama ko siya kagabi, ewan ko first friendly date namin sa SB? haha! Naglaro kami ng mahjong kahit na alam ko na inaantok na siya eh nagtuturo pa rin siya sa amin. May mga rules nga na nalilito ako pero pag nilalaro mo paulit-ulit makukuha mo rin ang flow. Di ako nananalo sa games, pero pasimple akong nakatingin sa kanya. Kala ko tahimik lang siya, di pala, medyo madaldal din siya, pero in a cool way naman. Ang ganda ng mata niya sa malapitan. Ginawa ko yung best ko para di mailang sa kanya, kasi nga friends kami. Naninibago ako, pero tama naman siya magstart kami as friends. Di ko alam kung talagang may chance ako sa kanya. Gusto ko siya ilibre ng food pero ayoko naman isipin niya na nanliligaw ako. Malinaw sa akin na friends (muna?) kami. Malabo. Pero sana nga mapasagot ko siya. Swerte ko lang talaga. Kung mangyari man yun gagawin ko best ko para mapatunayan sa kanya na sincere ako.
Mag-iisang buwan na rin pala ako nagpaparamdam sa kanya. 3 buwan kong tinago ang lihim kong pagtingin, ngayon nabunyag na. hehe! Sa six years ko sa work first time ko lang magkagusto at makafeel ng weird sa kasama ko. Di ko alam. Basta mat reason kaya siguro ganun ang sitwasyon.
Everyday gusto ko malaman ang status ko sa kanya sa paraan na di ako makulit. Sana talaga mapasagot ko siya.
Tulugan na!

No comments:
Post a Comment