Sunday, September 26, 2010

Kundiman-

Trip at Megamall (Last Yr)

I love my phone :)



Sunday Night (Crawl)

Lagpas ala-sais na at ayoko pa rin bumangon. Nawawalan na ako ng pag-asa. Ayoko na sang maniwala. Pakiramdam ko naliligaw na ako. Ngunit mas pinili ko pa rin Siya. Nagsimba ako. Hindi ako nahuli, sakto lang bago magsimula ang misa. Hindi ako masyado makatingin sa altar. Iniisip ko tama ba na magtampo ako magalit ako. Alam ko sa sarili ko na may dahilan at Siya ang higit na nakakaalam. Ngunit sa isang bahagi ng aking pagkatao ay nagtatampo ako.

Ayokong mangako ngunit gagawin ko ang makakaya ko para kalimutan siya. Una kong gagawin ay wag na siyang kontakin. Lumayo na sa kanya. Pabayaan na siya. Total wala na rin naman siyang pakialam sa akin. Magfofocus muna ako sa sarili ko gayundin sa mga taong naniniwala sa akin.

Inaantok na ko, napashot pa ako sa kanto. Nilabanan ko ang pait ng alak sa pamamagitan ng pagkain ng tsokolate. Matutulog na ako. Ayoko nang masaktan. Ayoko na makasakit. Ayoko na nang niloloko ako. Ayoko na ng ganito. Tulungan Mo ako.

Saturday, September 25, 2010

Japan-Tondo

Nagsimula ang araw ko ng pagsusulat at tatapusin ko rin sa pagsusulat. Pagbabahagi ng mga bagay na naganap sa aking buhay sa araw na ito. Sa totoo lang ay mas matagal akong nanatili sa loob ng aming bahay kaysa sa labas. Mas ninamnam ko ang pagpapahinga at pagiging tahimik sa loob ng aming bahay. Di pa nagpapahinga ang kompyuter ko. Yeba! Mula umaga ay bukas na siya hanggang makatulog ako sa hapon.

Isang kaibigan ang nagkaroon ng problema. Pinakinggan ko gaya ng pakikinig niya sa mga paulit-ulit niya ring pakikinig sa sentemyento ko araw-araw. Nais ko sanang punasan ang kanyang luha, kung magagawa ko lang ipasok ang aking kamay sa kompyuter at punasan ang kanyang mga mata para hindi na siya malyngkot. O kaya naman ay sasayawan ko siya para matawa na naman siya. Nagbigay ako ng mga aral na nawa'y naunawaan niya at magamit niya hindi lang ngayon subalit lalo na sa pagdating ng panahon. Natapos ang halos maghapong usapan sa JAPAN, TONDO! Just Always Pray At Night, TOlog Na DOdong :)) Nakakatawa!

Malapit ng magLinggo. Labinglimang minuto na lamang at natapos ang araw ko sa kakatipa sa aking kompyuter. Kung kumikita lamang siguro ako sa gawain kong ito ay tiyak na mayaman na ako. Tiyak na marami akong salapi. Ngunit ang pagsusulat ay bahagi lamang ng gawain at pagkatao ko. Mahirap kumita rito lalo na kung hindi ka naman napapansin. Tuluyan na nga na nakalimutan niya ako. Malamang ay abala siya sa pagsayaw, pagkain at pag-inom kung saang lugar man siya nagtungo. Hindi na ako mahalaga sa kanya. Hindi na niya ako mahal. Isang ngiti na lang ang iniiwan ko sa aking mukha sa tuwing nalulungkot ako. Salamat na lang sa awitin ni Ronan Keating na When You Say Nothing At All. Nakakagaan ng loob. Salamat din kay Bruno Mars sa awiting Just The Way You Are :)Marahil ay kailangan ko nang tulungan ang sarili ko na tanggapin na wala na siya, na wala na ang babaeng dati kong nakilala. Di na babalik at isa na lamang alaala.

Salamat sa putok, ang sarap ng tinapay na to, astig.

JAPAN, TONDO!
Djane Lim and Sir Yuan
Foundation Day (Day 1)

VB or BV?

superyuan
Ang galing ko diyan, tumayo.. Ni isang score walang nagawa,
Nakapalo nga sa net sabaw naman. Ang life talaga! :))

Last Monday/ Talking to your mom :)


Cause when your in love..
purple and pink plus a song= nothing
When and how will I win your heart again, babe. 30

:)

Yuan, Leanne and Ryan ( may rhyme) :))
Host of AAM Got Talent 2010


Hindi madaling maghost no! Lalo na kapag di nasusunod yung program. So dapat marami kang baon na adjective, gimik at maraming tiwala sa sarili. Ngunit ito ang trabaho na pinakagusto ko sa lahat ang humarap sa maraming tao. Yebah! Natatakpan kasi nito ng panadalian ang kalungkutan aking nararamdaman.