Saturday, September 25, 2010

Japan-Tondo

Nagsimula ang araw ko ng pagsusulat at tatapusin ko rin sa pagsusulat. Pagbabahagi ng mga bagay na naganap sa aking buhay sa araw na ito. Sa totoo lang ay mas matagal akong nanatili sa loob ng aming bahay kaysa sa labas. Mas ninamnam ko ang pagpapahinga at pagiging tahimik sa loob ng aming bahay. Di pa nagpapahinga ang kompyuter ko. Yeba! Mula umaga ay bukas na siya hanggang makatulog ako sa hapon.

Isang kaibigan ang nagkaroon ng problema. Pinakinggan ko gaya ng pakikinig niya sa mga paulit-ulit niya ring pakikinig sa sentemyento ko araw-araw. Nais ko sanang punasan ang kanyang luha, kung magagawa ko lang ipasok ang aking kamay sa kompyuter at punasan ang kanyang mga mata para hindi na siya malyngkot. O kaya naman ay sasayawan ko siya para matawa na naman siya. Nagbigay ako ng mga aral na nawa'y naunawaan niya at magamit niya hindi lang ngayon subalit lalo na sa pagdating ng panahon. Natapos ang halos maghapong usapan sa JAPAN, TONDO! Just Always Pray At Night, TOlog Na DOdong :)) Nakakatawa!

Malapit ng magLinggo. Labinglimang minuto na lamang at natapos ang araw ko sa kakatipa sa aking kompyuter. Kung kumikita lamang siguro ako sa gawain kong ito ay tiyak na mayaman na ako. Tiyak na marami akong salapi. Ngunit ang pagsusulat ay bahagi lamang ng gawain at pagkatao ko. Mahirap kumita rito lalo na kung hindi ka naman napapansin. Tuluyan na nga na nakalimutan niya ako. Malamang ay abala siya sa pagsayaw, pagkain at pag-inom kung saang lugar man siya nagtungo. Hindi na ako mahalaga sa kanya. Hindi na niya ako mahal. Isang ngiti na lang ang iniiwan ko sa aking mukha sa tuwing nalulungkot ako. Salamat na lang sa awitin ni Ronan Keating na When You Say Nothing At All. Nakakagaan ng loob. Salamat din kay Bruno Mars sa awiting Just The Way You Are :)Marahil ay kailangan ko nang tulungan ang sarili ko na tanggapin na wala na siya, na wala na ang babaeng dati kong nakilala. Di na babalik at isa na lamang alaala.

Salamat sa putok, ang sarap ng tinapay na to, astig.

JAPAN, TONDO!

No comments:

Post a Comment