Lagpas ala-sais na at ayoko pa rin bumangon. Nawawalan na ako ng pag-asa. Ayoko na sang maniwala. Pakiramdam ko naliligaw na ako. Ngunit mas pinili ko pa rin Siya. Nagsimba ako. Hindi ako nahuli, sakto lang bago magsimula ang misa. Hindi ako masyado makatingin sa altar. Iniisip ko tama ba na magtampo ako magalit ako. Alam ko sa sarili ko na may dahilan at Siya ang higit na nakakaalam. Ngunit sa isang bahagi ng aking pagkatao ay nagtatampo ako.
Ayokong mangako ngunit gagawin ko ang makakaya ko para kalimutan siya. Una kong gagawin ay wag na siyang kontakin. Lumayo na sa kanya. Pabayaan na siya. Total wala na rin naman siyang pakialam sa akin. Magfofocus muna ako sa sarili ko gayundin sa mga taong naniniwala sa akin.
Inaantok na ko, napashot pa ako sa kanto. Nilabanan ko ang pait ng alak sa pamamagitan ng pagkain ng tsokolate. Matutulog na ako. Ayoko nang masaktan. Ayoko na makasakit. Ayoko na nang niloloko ako. Ayoko na ng ganito. Tulungan Mo ako.
No comments:
Post a Comment