Friday, December 31, 2010

Paalam na 2011, 2012, halika tuloy ka :)




Susubukan kong magsulat sa pinakahuling pagkakataon bago matapos ang taon na ito. Pinipilit ng utak ko na gumana sa panahon na labis ang ingay. Paputok dito, pautok dito, ako tuloy amoy putok na! Ay este paputok pala!

Kung pasasalamat lamang ay tiyak na kulang ang espasyo nito para pasalamatan ang lahat ng tao na naging bahagi ng aking buhay. Mga tao na tumugon sa tulong ko nung ako ay nangangailangan ng kaibigan. Salamat sa inyong lahat! Ang lahat ng pagsubok na naranasan ko ngayong taon na ito na inakala kong di ko na kaya ay siyang naging susi upang mas lalo akong matatag sa buhay. At sa pagsalubong ng 2011 ay palalaguin ko pa ang aking sarili, di lamang para sa akin subalit gayundin para sa aking pamilya at minamahal.

Inaalay ko ang lahat ng tagumpay sa Poong Maykapal. Sa mga panahon na nahirapan ako ay alam kong nariyan siya sa tabi ko at di niya ako iniwan. At sabi nga ng aking doktor, ang pinakamagandang regalo sa Panginoon ay pain at sufferings!, sapagkat ito ang panahon na lumalago tayo at sinusbukan niya tayo. Sa susunod na kabanata ng aking buhay ay alam kong di ako iiwan ng aking pamilya, kaibigan, mga naniniwala saNaking talento at kakayahan at higit sa lahat ang Maykapal!


Wednesday, December 29, 2010

Yakapin mo ako sa gabing malamig-


Nakakataba ng puso dahil sa simpleng post lamang sa FB na may sakit ako ay marami na ang naglike. Marami ba ang naglike dahil may sakit ako o concern sila? Naguluhan ako. Bukod pa rito may mga ilan na nagsabi na magpagaling ako. Oo naman para sa inyo na nagtitiwala at nagmamahal sa akin gagawin ko iyon. Pangalawang araw ko nang nagkakape. Sa pagkakataong ito ay di naman Kopiko ang tinira ko Koreanong kape naman. Di ko matalos ang pangalan ng brand, basta masarap. Naging produktibo naman ako sa araw na ito, yun nga mabagal, ngunit palagay ko relaxing naman ang ginawa ko ngayong buong araw. Namimiss ko na naman siya.

Nagdadalawang isip ako kung tatapusin ko pa ba ang MA ko o hindi na. Ngunit sigurado na ako na lilipat na ako ng ibang departamento. Limang taon na akong nagtatrabaho, pagkakataon ko naman pumili ng gusto ko. Ipapanalangin ko ito ng taimtim bago ko sabihin sa lahat ang desisyon ko.

Malapit na matapos ang taon. New Years resolution na naman. Di ko na kailangan hintayin iyon. Araw-araw ay panahon ng pagbabago. Di lamang sa sarili ngunit gayundin sa kapwa.


Friday, December 24, 2010

Ho ho ho! Merry Christmas!

Merry Christmas everyone! Wow ang sarap sana pakinggan kung babatiin ka ng mga importanteng tao sa buhay mo. Kagagaling ko lang sa misa, sa bandang dulo ako napaupo. Di magsink in sa akin yung sinasabi ng pari. Nahihirapan akong iabsorb dahil sa sobrang ingay. Wala kaming handa? O tinatamad lang ako hanapin yung handa namin. Ang saya ng misa may kanta pa at pagsisindi ng kandila kaso maingay sa likod, maraming nagkukwentuhan.

Pagkatapos ng misa, bati rito, bati roon. Lahat nagbabatian kahit hindi close. Anyway, ano nga ba tunay na kahulugan ng Pasko? Regalo ba? Pera ba na natatanggap o kung anu-ano pa. Habang lumalaki ako, inaamin ko gusto ko pa rin ng material thing pero mas nangingibabaw sa aking yung maging masaya. Makasama pamilya ko na buo, kaibigan at espesyal na tao.

Anyway yung quality ng writing ko sabog, ewan ko sabog ata nasa utak ko. Binigay nya password niya, I dont know for what reason. Di ko alam bat ganun. Ah basta!

Thursday, December 23, 2010

Someday I'll find my happiness too.


I love this song. Thank you Lord! I love you so much, sorry sa lahat ng mistakes ko. I owe you everything na mayroon ako ngayon. :)



Hossana

Verse 1
I see the king of glory
Coming down the clouds with fire
The whole earth shakes, the whole earth shakes
I see his love and mercy
Washing over all our sin
The people sing, the people sing

Chorus
Hosanna, hosanna
Hosanna in the highest

Verse 2
I see a generation
Rising up to take the place
With selfless faith, with selfless faith
I see a new revival
Staring as we pray and seek
We're on our knees, we're on our knees

Bridge
Heal my heart and make it clean
Open up my eyes to the things unseen
Show me how to love like you have loved me
Break my heart for what is yours
Everything I am for your kingdom's cause
As I walk from earth into eternity

Hosanna

YOU CHANGE


Tapos na ko uminom ng gamot. Actually blogspot I dont want to elaborate what happened. By simply reading my words, alam mo na nangyari. Wala akong dapat patunayan sa iyo in the first place ikaw ang lumapit at dahil mabait ako tinanggap kita ng buong puso, but u lied again.

Gagawa na lang ako ng kuwento. :)

Tanghali na at nakaratay pa rin ako sa aking higaan. Tinatamad akong bumangon sa di maunawaang dahilan. Nakatakdang magkita kami ni Mara.

Tumunog ang aking telepeno, may mensahe mula sa aking kaibigan. Bumati lang ng Good Morning. Ilang segundo pa ay muling tumunog muli ang aking telepono, si Mara, nagsabi lang ng gising na.

Sumagot ako at sinabi na anong oras kami magkikita. Sinabi niya na alas dos ng hapon. Natuwa ako sapagkat pagkatapos ng ilang araw ay muli kaming magkikita.

Nag-ayos agad ako upang makapaghanda sa aming lakad. Tutungo kami sa isang palamigan upang magkamustahan at makibalita sa mga nangyari sa amin.

Nagtext muli siya at nagtanong kung kumain na ako?. Sinabi ko hindi pa sabay na lang kami. Tinanong ko rin siya kung ano ang ginawa niya. Nagnenet daw.

Nagbiro ako at nagtanong kung maaari ba niya akong iadd sa Twitter. Ayaw niya. Sabi ko bakit? Hindi siya sumagot. Maya-maya pa sabi niya, di nya raw feel. Nasaktan ako.

Nagsimula kaming magtalo dahil sa bagay na iyon at nagpasya siyang wag na kaming tumuloy.

Natulog na lang muli ako at nangarap. Hindi na rin ako nagtext para walang away.

Alas sais na ng hapon ng magising ako. Wala akong magawa kaya nagpasya akong buksan ang aking kompyuter. Isang bagay na lalong ikinagulat ko ang aking nakita. Kaya pala ayaw niya ako iaadd bilang kaibigan sa anumang account niya sa net.

Nagtext ako at sumagot naman siya. Nagpaliwanag siya ngunit galit at tila may iniiwasan.

Tumahamik ako nagsabi ng mga words of wisdom.

Natulog na lang muli ako.

Pictures, Mga Larawan, Mga Imahe.. :)


Seniors with Sir G.

Ms. Pineda and Doc Ed smiling :)
Pangkat Socrates
Indeed :)


Tuesday, December 21, 2010

Pagbabago-

Dear Blogspot,

Namiss kita. :) Ako namiss mo ba? hehe Marami na akong kuwentong di nabahagi sayo. Marami na ring larawan na di ko nailagay dito sa dahilang naging abala ako. Ang ganda ng awiting Please Don't Stop the Rain. Maganda ang kahulugan ng awitin. Malapit na mag Pasko. Lumalamig lalo pero okay lang, masaya naman.

Kagabi ay galing ako sa isang operasyon. Nakakatakot ang injection. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Buti na lang ung doktor, nililibang ako. Maraming realization na ibinahagi niya sa akin. Ayon sa kanya huwag akong masyadong matakot sapagkat ang pain ang sufferings ang pinakamagandang bagay na pwedeng maioffer ka God. Naaalala ko tuloy nung mga nakaraang buwan. Kung paano naging miserable ang buhay ko nang mawala siya. Ang hirap bumangon. Ang hirap tumayo sa pagkakadapa. Pero tingnan mo ako ngayon, medyo magaling na. Nagpapasalamat ako sa Kanya kasi di niya ako pinabayaan. Nahirapan ako sa Kanya pero worth ang paghihintay.

Sana bukas makalakad na ako. Bibili talaga ako ng Haviannas na isa pa, pag gumaling na to. Ang hirap maging pilay. Tuwing gabi hindi rin ako makatulog. Isang malaking desisyon ang pinag-iisipan ko. Di na ko bumabata, tumatanda na ako. Naramdaman ko ang pag-unlad sa bansang ito, ngunit napakabagal. Nais ko sanang magpaalipin sa ibang bansa ngunit di maaari dahil sa kursong kinuha ko. Iiwanan ko muna ang pagsusulat. Sana maunwaan ako ng taas. Pero ang pagtuturo, hindi. Sasabak muna ako sa bagong larangan na lapit pa rin sa pagtuturo. Sana payagan ako. God, alam ko pong may magandang plano kayo para sa akin. Pero nais ko po talagang makaahon sa hirap ng buhay. Sana po ay matulungan ninyo akong makapagdesisyon ng tama. Alam ko po na nilikha ninyo ako upang maging guro. Malinaw po sa akin yun. Sana po umunlad pa po ako lalo na sa pagtanda ko.