Thursday, December 23, 2010

YOU CHANGE


Tapos na ko uminom ng gamot. Actually blogspot I dont want to elaborate what happened. By simply reading my words, alam mo na nangyari. Wala akong dapat patunayan sa iyo in the first place ikaw ang lumapit at dahil mabait ako tinanggap kita ng buong puso, but u lied again.

Gagawa na lang ako ng kuwento. :)

Tanghali na at nakaratay pa rin ako sa aking higaan. Tinatamad akong bumangon sa di maunawaang dahilan. Nakatakdang magkita kami ni Mara.

Tumunog ang aking telepeno, may mensahe mula sa aking kaibigan. Bumati lang ng Good Morning. Ilang segundo pa ay muling tumunog muli ang aking telepono, si Mara, nagsabi lang ng gising na.

Sumagot ako at sinabi na anong oras kami magkikita. Sinabi niya na alas dos ng hapon. Natuwa ako sapagkat pagkatapos ng ilang araw ay muli kaming magkikita.

Nag-ayos agad ako upang makapaghanda sa aming lakad. Tutungo kami sa isang palamigan upang magkamustahan at makibalita sa mga nangyari sa amin.

Nagtext muli siya at nagtanong kung kumain na ako?. Sinabi ko hindi pa sabay na lang kami. Tinanong ko rin siya kung ano ang ginawa niya. Nagnenet daw.

Nagbiro ako at nagtanong kung maaari ba niya akong iadd sa Twitter. Ayaw niya. Sabi ko bakit? Hindi siya sumagot. Maya-maya pa sabi niya, di nya raw feel. Nasaktan ako.

Nagsimula kaming magtalo dahil sa bagay na iyon at nagpasya siyang wag na kaming tumuloy.

Natulog na lang muli ako at nangarap. Hindi na rin ako nagtext para walang away.

Alas sais na ng hapon ng magising ako. Wala akong magawa kaya nagpasya akong buksan ang aking kompyuter. Isang bagay na lalong ikinagulat ko ang aking nakita. Kaya pala ayaw niya ako iaadd bilang kaibigan sa anumang account niya sa net.

Nagtext ako at sumagot naman siya. Nagpaliwanag siya ngunit galit at tila may iniiwasan.

Tumahamik ako nagsabi ng mga words of wisdom.

Natulog na lang muli ako.

No comments:

Post a Comment