Tuesday, December 21, 2010

Pagbabago-

Dear Blogspot,

Namiss kita. :) Ako namiss mo ba? hehe Marami na akong kuwentong di nabahagi sayo. Marami na ring larawan na di ko nailagay dito sa dahilang naging abala ako. Ang ganda ng awiting Please Don't Stop the Rain. Maganda ang kahulugan ng awitin. Malapit na mag Pasko. Lumalamig lalo pero okay lang, masaya naman.

Kagabi ay galing ako sa isang operasyon. Nakakatakot ang injection. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Buti na lang ung doktor, nililibang ako. Maraming realization na ibinahagi niya sa akin. Ayon sa kanya huwag akong masyadong matakot sapagkat ang pain ang sufferings ang pinakamagandang bagay na pwedeng maioffer ka God. Naaalala ko tuloy nung mga nakaraang buwan. Kung paano naging miserable ang buhay ko nang mawala siya. Ang hirap bumangon. Ang hirap tumayo sa pagkakadapa. Pero tingnan mo ako ngayon, medyo magaling na. Nagpapasalamat ako sa Kanya kasi di niya ako pinabayaan. Nahirapan ako sa Kanya pero worth ang paghihintay.

Sana bukas makalakad na ako. Bibili talaga ako ng Haviannas na isa pa, pag gumaling na to. Ang hirap maging pilay. Tuwing gabi hindi rin ako makatulog. Isang malaking desisyon ang pinag-iisipan ko. Di na ko bumabata, tumatanda na ako. Naramdaman ko ang pag-unlad sa bansang ito, ngunit napakabagal. Nais ko sanang magpaalipin sa ibang bansa ngunit di maaari dahil sa kursong kinuha ko. Iiwanan ko muna ang pagsusulat. Sana maunwaan ako ng taas. Pero ang pagtuturo, hindi. Sasabak muna ako sa bagong larangan na lapit pa rin sa pagtuturo. Sana payagan ako. God, alam ko pong may magandang plano kayo para sa akin. Pero nais ko po talagang makaahon sa hirap ng buhay. Sana po ay matulungan ninyo akong makapagdesisyon ng tama. Alam ko po na nilikha ninyo ako upang maging guro. Malinaw po sa akin yun. Sana po umunlad pa po ako lalo na sa pagtanda ko.

No comments:

Post a Comment