Friday, October 28, 2011

Emily I miss you.

Isa pa sa mga paborito kong kanta. Wala lang nito sa listahan ng kanta ko dahil di ko madownload. Every moment I love you. E.M.I.L.Y.


Emily
Paraluman


The sun has set and the gray sky fade in blue
Been wanting to say goodbye but it leads me back to you
And the rain starts to fall down
As I watch the stars crash into the night
I wish I could turn, turn back the hands of time
As I pick up all the pieces that you have left behind
My heart bleeds your smile and my soul starts to die

Now I'm screaming I'm shouting I can't hear a thing
My eyes burn and blister I can't feel the pain
I don't know why I'm here
I don't know why I'm here

But I simply can't
No I simply can't

Life is NO Nintendo game-

Since I'm bored and doing nothing I decided to blog my top 5 most played songs in my i-tunes. Music is very important to me; it reflects my feelings and emotions. So without further ado ito na ang list, enjoy reading. :)


Top 5 The Fight is Over

Urbandub! Ito pa isa sa mga puno ng emotions na nagagandahan ako sa pagkakagawa, sakto yung beat sa feelings na nais ipahatid. Paborito ko yung line na, still your face I wanna know. So parang nanghihinayang yung lyrics na ito. Pinapapaliwanag nya yung partner nya kung ano ba ang nangyari sa kanila at kahit na pagplead eh wala na talaga chance na mabuo pa sila kahit na gutso pa rin nung isa na maging sila pero huli na. 143 plays!


Top 4 Just A Feeling

Isa pa ito sa emotional na kanta na minsan ko ring iniyakan. Ang ganda kasi ng tono syaka ng lyrics. Di makapaniwala yung guy na wala na tapos na. Ayun nga kaya Its just a feeling that I have and I can't believe its over now. 196 plays!


Top 3 The Man Who Can't Be Moved

So itong kanta naman na ito ay tungkol sa isang guy na di makamove on. Ang hirap naman talagang gawin yun lalo na kung minahal mo talaga ng sobra yung isang tao. Sabi nga sa lyrics, how can I move on when I'm still in love with you? Nakakaawa yung guy dito kasi naghihintay pa rin siya sa girl without knowing na hindi na siya mahal. I guess ganun naman talaga siguro nothing is permanent, only change. 334 plays naman itong kanta na ito.


Top 2 Love The Way You Lie Part II

Way back in high school paborito ko na talaga si Eminem. Iba kasi pag kumakanta siya, may feelings, may revenge, maangas, punong-puno ng emotions at totoo. Gusto ko yung part ni Eminem dito parang galit talaga siya sa girl pero mahal pa rin niya. Halos kabisabo ko na nga yung part niya. 464 plays naman ito sa i-tunes ko.

Top 1 Breakeven

Popularized by The Script. 520 plays. Imagine that di ba? Napakaemotional ng meaning ng kanta. Talagang pangbroken hearted. Cause she moved on and I'm still grieving , cause when a heart breaks no it dont breakeven. Yan siguro yung lines na pinakagusto ko sa kanta. Mahirap talaga kapag nabroken hearted, di ka nga naman even, yung isa okay while yung isa naman ay sawi.

So ayan yung list ng Top 5 ko, ikaw ano ang sayo?

Ito pa yung iba. :)

6- Burnout by Sugarfree
7- Grenade by Bruno Mars
8- Love the Way You Line- Eminem and Rihanna
9- Baby- Justin Bieber
10. California King Bed- Rihanna

Ang tamad kong magsulat ngayon. :)

Sunday, October 23, 2011

Sa dako paroon-

Kasalukuyan akong nakaupo. Kakatapos lang ng trabaho. Mas magaan ngayon kompara ng mga nakaraang araw. Mas kaunti na ang post ko ngayon nangangahulugan na masyado akong abala. Nalulungkot ako yun ang totoo. Hindi ko alam kung paano ko isusulat ang nararamdaman ko na hindi mauunawaan ng iba. Basta nalulungkot ako. Kahit sa huling pagkakataon. Naipasa ko na ang tesis ko sa aking adviser. Bahala na si Batman, sana nga maaprove na.Mamaya susubukan kong mag-enroll. Sana nga hintayin ako ni sir at sana matapos na para di na ako nangungulit. Naulungkot talaga ako sana lang napakinggan ako. Masama ang loob ko pero alam ko lilipas din ito. Iyon lang muna naluluha ako, ayokong maging emosyonal.

Sunday, October 9, 2011

Tesis

Hindi ako perpekto. Ang dami ko ngang insecurities sa buhay. Kasalukuyan akong nakaupo at nag-uubos ng oras. Maganda yung mga papel na ginawa ko. Naalala ko tuloy yung argumento ko sa papel ko rati na PBB. Pakiramdam ko isa sa mga papel ko yun na mahusay ang pagkakasulat. Ang hirap talaga ng tesis. Ilang beses na ako nag-eedit. Bagamat aprubado na sa adviser ko ay ayoko naman magpasa ng ganun-ganun na lang. Nahihiya rin naman ako kahit papaano. Nakokontian ako sa pages ng tesis ko kaya dapat dagdagan ko. Sana nga tama na ang pagkakasunod-sunod ng gawa ko at maibigan naman ng mga panelista kahit papaano. Di naman ako after sa mataas na grade, after ako sa diploma. Sana rin ay kapag nag-ayos na ako ng date ng Final Defense ay available naman ang lahat ng panelista. Gusto ko na talagang umalis ng trabaho, di na ako masaya sa work ko. Mas namimiss ko ang pagtuturo ng Filipino. Ang hirap kasi wala akong social life. Literal na nakakulong ako sa apat na sulok ng kuwarto. Nalulungkot talaga ako ngayon dahil di ko alam kung saan ba talaga ako magiging masaya. Sana nga makagraduate na ako.

Saturday, October 8, 2011

Linggo noon

Walang naman ganung kaespesyal na nangyari sa araw na ito, maliban na lang sa unang kaarawan ng pamangkin ko. Espesyal yun para sa magulang nila subalit para sa akin ay okay lang naman. Kasalukuyan akong nakaupo at nag-iisip ng gagawin. Ilang minuto na lang at alas dose na. Inaantok na ako subalit ayoko pang matulog. Kanina ay nagtungo ako sa MOA pagkatapos ng birthday party. Naglibot lang ako at wala naman akong binili. May gusto man akong bilin ang problema wala naman akong pera. Wala kanina sa party yung crush ko. Sayang, kala ko pupunta siya. Pinagmamasdan ko ang pinsan ko kanina na abala sa birthday ng anak niya. Dun ko lang napagtanto na mahirap pala ang magkapamilya. Kaya sabi ko talaga ayoko muna mag-asawa.

Wala ka ng babalikan. Simula nung huli kitang nakausap. Iyon na yun. Iba na ako. Ibang katauhan na, ang katauhan na sagad na at di ka na kilala pa.

Magandang Gabi!

Wednesday, September 28, 2011

10:20 pm

Dalawang araw na walang koryente sa amin. Nakakairita lang, imbes na makapagrelax sa bahay ay naistress pa ako sa sobrang dilim. Pero okay lang, sana lang okay naman yung mas nakakarami dahil sa epekto ng bagyong Pedring. Uuwi na ako maya-maya ng konti, matutulog na lang ako at gigising nang maaga para bukas. Nagugutom na ako kaso di ko maiwanan yung gamit ko sa SB baka mawala. Limang oras na akong nag-aaral at nag-aayos ng tesis. Para akong nomad, walang pakialam sa paligid ko matapos ko lang tesis ko. Sana lang matapos ko na ang pag-eedit at kung hindi ay lagot na naman ako kay Dr. Demeterio. Showing na rin ang Ligo na U, Lapit na Me. Gusto kong manood para mapagkompara ko yung nasa libro at nasa movie. Sikat na rin ang awtor nun. Sana one day makasulat din ako ng ganun. Sana rin makuha ko na ang diploma ko at maging ganap na ang pagkakaroon ko ng dugong berde. Iiklian ko lang ang pagsusulat ko di ako komportable sa pweseto ko.

Saturday, September 24, 2011

The Fight is Over!

Kasalukuyan ako nasa La Salle. Sinusulit ko ang bilis ng internet connectiom kaysa naman magtiyaga ako sa putchu-putchu kong connection. Marami akong baong kuwento, mas makapal pa sa pahina ng tesis ko, subalit dahil hindi ako ganun kasipag magsulat kayat iikilian ko lamang ang kuwento ko.

Nag-enjoy talaga ako sa Foundation Week. Ang dami kasing activities, as in di ka mababagot. Naiinis lang ako kapag kailangan kong magbantay ng mga bata kahit na may mga event na gusto kong puntahan. Nakakulong lang tuloy ako na madalas sa klasrum. Subalit kapag may pagkakataon ay tumatakas ako at sinusulit ko ang paggagala sa labas ng aking lungga. Namimiss ko na rin ang big school pero inaamin ko napapamahal na rin naman ako sa mga batang tinuturuan ko. Ang ayoko lang ay iyong mga pakialamerong mga magulang na kulang na lang ay gawin kang alila at de susing manika ng kanilang mga anak.

Ang saya rin ng AAM Got Talent, natuwa ako sa mga bata, karamihan ay pag-awit ang talento. Iba't iba ang gimik ng lahat ng sumali basta ako nanonood lang at nag-eenjoy. Sa huling araw ng Foundation ay nakipaglaro ako ng volleyball. Ang saya! Sinusubukan kong pag-aralan nang mabuti ang laro para di naman nakakahiya sa kasama ko. Mas nag-enjoy ako sa open mic. hehe! Kala ko di na ako makakakanta kasi sa stage gagawin, nakakahiya. Buti may nagrequest kaya pag akyat ko sa stage di ko alam ang kakantahin ko. Sabi ni Sir Leo She Will be Loved na lang daw. Bagamat alam ko ang lyrics kahit konti di ko naman feel. Buti na lang si Gino ay tinawag ako at magjam daw kami ng The Fight is Over by Urbandub. Napa-oo ako kahit di ko kabisado lyrics. Buti na lang at may nagbigay ng kopya.

Ang sabi ko, ehem.. I dedicate this song to someone. Tapos ayun rakrakan na! Namiss ko tuloy ang dati kong banda. :)

Hindi ko alam kung crush na ba kita, basta may something.

Kapag nakakapanood na rin ako ng love story di na ako nalulungkot at madalas natatawa na ako.

Tengeneng yan, okay na okay na ako. Nagkakagusto na ako sa iba.