Saturday, September 24, 2011

The Fight is Over!

Kasalukuyan ako nasa La Salle. Sinusulit ko ang bilis ng internet connectiom kaysa naman magtiyaga ako sa putchu-putchu kong connection. Marami akong baong kuwento, mas makapal pa sa pahina ng tesis ko, subalit dahil hindi ako ganun kasipag magsulat kayat iikilian ko lamang ang kuwento ko.

Nag-enjoy talaga ako sa Foundation Week. Ang dami kasing activities, as in di ka mababagot. Naiinis lang ako kapag kailangan kong magbantay ng mga bata kahit na may mga event na gusto kong puntahan. Nakakulong lang tuloy ako na madalas sa klasrum. Subalit kapag may pagkakataon ay tumatakas ako at sinusulit ko ang paggagala sa labas ng aking lungga. Namimiss ko na rin ang big school pero inaamin ko napapamahal na rin naman ako sa mga batang tinuturuan ko. Ang ayoko lang ay iyong mga pakialamerong mga magulang na kulang na lang ay gawin kang alila at de susing manika ng kanilang mga anak.

Ang saya rin ng AAM Got Talent, natuwa ako sa mga bata, karamihan ay pag-awit ang talento. Iba't iba ang gimik ng lahat ng sumali basta ako nanonood lang at nag-eenjoy. Sa huling araw ng Foundation ay nakipaglaro ako ng volleyball. Ang saya! Sinusubukan kong pag-aralan nang mabuti ang laro para di naman nakakahiya sa kasama ko. Mas nag-enjoy ako sa open mic. hehe! Kala ko di na ako makakakanta kasi sa stage gagawin, nakakahiya. Buti may nagrequest kaya pag akyat ko sa stage di ko alam ang kakantahin ko. Sabi ni Sir Leo She Will be Loved na lang daw. Bagamat alam ko ang lyrics kahit konti di ko naman feel. Buti na lang si Gino ay tinawag ako at magjam daw kami ng The Fight is Over by Urbandub. Napa-oo ako kahit di ko kabisado lyrics. Buti na lang at may nagbigay ng kopya.

Ang sabi ko, ehem.. I dedicate this song to someone. Tapos ayun rakrakan na! Namiss ko tuloy ang dati kong banda. :)

Hindi ko alam kung crush na ba kita, basta may something.

Kapag nakakapanood na rin ako ng love story di na ako nalulungkot at madalas natatawa na ako.

Tengeneng yan, okay na okay na ako. Nagkakagusto na ako sa iba.

No comments:

Post a Comment