Tuesday, December 7, 2010

Sa kanto ng Warsaw

Linggo, hapon na nang ako ay umalis sa aming bahay. Di magkamayaw ang tao sa Divisoria. Siksikan, magulo, ang lahat ay abala na sa pamimili para sa darating Pasko. Patungo ako sa Tito ko ypang manuluyan muna ng dalawang gabi. Ang dahilan, nais ko makatipid ng pamasahe, oras at pagod.

Gabi na nang makarating ako sa Sucat. May dinaanan muna ako. Sumakay ako ng tric at nagtungo sa isang lugar na minsan nang naging pamilyar sa akin. Dumalaw muna ako sa isang kaibigan ngunitg hindi naman ako nagtagal. Nagtungo ako sa isang kanto upang hintayin ang aking kausap. Maraming sasakyan ang dumadaan ngunit walang naglalakad at nakatatakot ang lugar na aking kinatatayuan. Maya-maya pa, ay may isang motor na huminto sa aking harapan. Di ko pinansin, sa halip kinuha ko ang aking telepono upang magtext. Maya-maya pa ay di pa rin umaalis ang nakamotor sa aking harapan,may sinenyas, hinhingi ang aking t elepono. Kinabahan ako at natakot. Nagtungo ako sa malapit na tindahan na mistulang bata na nanghihingi ng tulong. Nakatanaw pa rin ang nakasakay sa motor at nakatingin sa akin. Lalo akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng aking dibdib. Mabuti na lamang at nilapitan ako ng isang lalaki sa tindahan at nagtanong kung kilala ko ba ang nakamotor. Sinabi ko na hindi. Agad akong pinapasok ng lalaki sa kanyang tindahan at sinabi na huwag daw muna ako lumabas. Naibsan ang aking takot bagamat nasa labasa pa rin ang nakamotor. Maya-maya pa ay umalis na nakamotor at di siya nagtagumpay sa kanyang masamang balak. Biglang dumating na ang aking hinhintay.

No comments:

Post a Comment