Kung pagiging malawak lang ng isip ang pag-uusapan ay tiyak na di ako pasok diyan. Bagamat ako ay nasa tamang edad na para sa paggawa ng mga bagay-bagay ay may bahagi pa rin sa aking sarili na masasabi ko na hindi pa rin ako lumalago.
Hinahanap ko ang walong oras na pagtulog at higit pa subalit kinailangan kong tumayo sa aking pagkakahiga upang magsimula ng gawain. Nakakatamad. Ngunit ang aking motibasyon ay, BAWAL ANG TAMAD. Oo bawal ang tamad. Naligo ako ng may kaunting bilis at agad na nagbihis. Kukuhanin ko na sana ang paborito kong pantalon nang makita ko na wala sa aking lalagyan. Uminit ang aking ulo at sinubukan ko munang hanapin bago magbintang. Ngunit ako ay nabigo at hindi ko nakita. Nagmamadali ako at maraming gagawin, kaya't nandilim ang aking paningin at nagalit. Sinubukan kong itext ang bunso kong kapatid upang tanungin kung siya nga ba ang nagsuot, subalit hindi siya sumagot. Nangangahulugan na nga siya ang nag-suot. Imbes na gamitin ang pag-unawa ay lalong kumitid ang aking utak. Pakiramdam ko kasi hindi ako sinusunod ng kapatid ko. Ilan ulit ko na siyang pinagbigyan at pinagsabihan na huwag gamitin ang gamit ko ngunit pilit pa rin niyang ginagamit. Nagalit ako at pinutol ko ang dalawang string ng kanyang gitara.
Umiyak ang nanay ko.
Gitara
Sa saliw ng gitara narinig ko ang iyong tinig
Nagsusumamo na ako ay pakalmahin
Subalit dahil sa tindi ng aking galit
Pinutol ang pising nag-uugnay sa atin
Ang luha ay sumilip sa iyong mga mata
Habang ako ay di makapaniwala sa nagawa
Mistulang estatwa sa nakatayo sa Luneta
Sisingsisi sa maling nagawa
Humingi ka nang pag-unawa sa nagawa
Ngunit ako'y nakapinid at walang ginawa
Nangibabaw ang nag-uumapoy na damdamin
Di alam kung paano hihingi ng paumanhin
Patawad ina, di sinasadya
Pangako sayo pasisiyahin ka
Susubukan suklian ang iyong mga ginawa
Upang ako ay gabayan at di mapariwara