Matapos ang labinlimang araw ng paglalakbay ay hindi ko alam kung paano ako muling magsisimulang magsulat. May kung ano na nakabara sa aking isipan na humarang sa mga ideya sa aking utak. Nais ko sanang gumawa ng kuwento o tula ngunit tila kinakapos ako ng hininga..., hininga sa pagsusulat ng kung anu-ano.
Pagkatapos ng PTC ay nagtungo kami sa Maynila. Sakay ng isang kotse ay binaybay namin ang daan palabas ng BF. Trapik, ginagawa kasi ang daluyan ng kanilang tubig. Shet ang deep. Anyhow di ko alam kung seseryosohin ko ba ang wikang gagamitin ko sa pagtipa ko ngayon o bababuyin ko ang wika. Dibale malaya naman ako. Nakakatamad tumipa lalo na kung may nakabara sa utak mo.
Nag-aayos na ako ng mga papeles para sa muli kong pag-aaral. Ngunit sa totoo lang naguguluhan ako. Sayang naman ang La Salle, halos patapos na ngunit nawawalan ako ng motibasyon ipagpatuloy. Hindi ko alam kung bakit. Nais ko rin magsulat pero nakakatamad. Pagod na ako! Antok na!
No comments:
Post a Comment