Sunday, January 23, 2011

Pangarap-

May kung ano na gumugulo sa aking isipan nang makita ko ang isang larawan na hindi ko inaashaan. Larawang kailanman ay hindi ko na muling pinapangarap na makita. Subalit sa di inaasahang pagkakataon tumambad sa aking isipan ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

Gumising nang maaga si Jayson para magtungo sa paaralan. Kahit na tila niyayakap pa rin siya ng kanyang higaan na huwag munang tumayo ay pinigilan niya ang kanyang sarili at agad na bumangon. Mabilis siyang naghilamos, nagsipilyo at maya-maya pa ay naligo.

Agad na umalis si Jayson sa kanilang tahanan bitbit ang kanyang pangarap. Sakay ng isang taxi ay panay tingin niya sa metro ng kanyang sinakyan. Sinisipat kung magiging biktima na naman ba siya ng mapagsamantlang kapwa. Ngunit hindi.

Papasok na siya ng pamantasan, tahimik at kakaunti lamang ang mga estudyante. Nakaramdam siya ng kaba sa pag-iscan ng kanyang I.D. Buti na lamang at tumunog pa. Nakapasok pa siya sa nasabing pamantansan.

Patungo siya sa kanyang tagapayo noon, nalilito at hindi alam kung ano ang sasabihin. Ngunit kung may anong puwersa ang tumulak sa kanya upang makipag-usap sa kanyang tagapayo. At nangyari na nga, kumatok siya ng pintuan at tumambad ang kanyang tagapayo.

Lumabas siya ng opisina ng kanyang tagapayo at bitbit pa rin ang kanyang mga pangarap.

No comments:

Post a Comment