Limitado lang ang oras ko sa pagkukwento. masyado kasing abala ako sa buwang ito at gayundin sa mga susunod na buwan. Nakakapanabik ang mga susunod na mangyayari subalit kinakabahan din ako. Maraming nangyari na hindi ko naibahagi dahil nga sa limitado lang ang panahon ko.
Masaya ako, iyon ang nararamdaman ko lalo na sa tuwing nakikita ko ang larawan mo. Hindi naman masamang humanga diba? Kaarawan ngayon ng paborito kong manunulat. Si Abdon M. Balde Jr. Kung bakit, di ko alam, pero sa tuwing binabasa ko siya nauunawaan ko ang mga sinusulat niya. (ang labo ko, nasagot ko naman ang dahilan ko) Nakapanood muli ako ng Final Defense. Nakakatakot ang mga panelista, di dahil sa mukhang aswang sila bagkus ang lulupit nila kung manggisa. Sa dulo naging matagumpay naman ang kaklase ko, mataas ang marka niyang nakuha.
Masakit ang sugat ko sa kaliwang mata, di ko iniinda sapagkat mas marami pa akong sakit nanaranasan doon. (chos!) Sa totoo lang parang walang direksyon ang sinusulat ko ngayon. Bahala na mahalaga may maisulat. Habang ginagawa ko ito ay bigla kang sumagi sa isip ko. Di ko alam kung bakit. Crush na ata talaga kita. Weird.
Isa-isa lang, di pwede sabay baka maudlot. Kaunti na lang maaabot na ang tagumpay. (kung pagsisikapan talaga)
Sige paalam!
Ako na to. Ako naman may kailangan nito. :)

No comments:
Post a Comment