Nakakainis din pala ang maghintay. Kahit na gaano pa kahaba ang pisi ng isang tao ay tiyak na mababalewala ang lahat kung naghihitay ka sa wala. Kasalukuyang nanonood ako ng paborito kong programa nang tumawag ang isa kong kaibigan. Nagyaya siyang umalis, ang sabi niya ang lahat daw ay pupunta kayat magpunta rin ako. Ang sabi pa nga niya ay nagtatampo siya dahil hindi ko raw siya nalibre noong kaarawan ko. At dahil sinsero naman siya sa kanyang sinabi ay agad kong sinabi ng ililibre ko siya mamaya. Sa totoo lang ay inaantok pa ako. Maaga kasi akong bumangon sa aking higaan. Ngunit dahil minsan nga lang siya (sila) magyaya ay mas minabuti ko na wag munang matulog sa halip ay sumama sa kanila. Bago mag-alas tres ay naligo na ako. Nagbabalak pa sana akong magbihis ng maganda kaso naisip ko na mag step-in na lang, tutal naman malapit lang ang pupuntahan. Pag dating ko sa mall ay laking ginhawa ang aking naramdaman sapagkat mainit sa labas. Maraming tao at agad kong tinungo ang Starbucks. Di ko nakita ang aking mga kaibigan, wala sila. Inisip ko baka nahuli lang sila. Tumawag ako sa telepeno ng ilan kong mga kaibigan, walang sumasagot, abala ata. Naglibot ako at napagod, nagpasyang kumain, subalit wala pa rin sila. Kumukunot na ang noo ko subalit naisip ko na darating sila. Maya-maya pa ay tinawagan ko ang nagyaya ng lakad at nalaman ko na nasa bahay pa siya. Nagmistulang dragon ako na gustong magbuga ng apoy subalit sinasanay ko ang sarili ko na wag mainis sa mga ganung sitwasyon. Kayat tumahimik ako at pinakinggan ang kanyang eksplenasyon. Valid naman. Maya-maya pa ay nalaman ko na di pala tuloy ang lakad. Walang nagsabi. Uminom ako ng isang frap, pampalubag loob.
Hindi ko maunawaan kung pinaglalaruan ba ako ng pagkakataon. Wala naman akong sinisisi ngunit nagsangasanga na ang aking pagkainis. Imbes na makapagsalita ako ng di maganda ay minabuti ko na lang na isulat ang aking nararamdaman. Dito, malaya ako at di ako pwedeng akusahan sapagkat wala naman akong isinulat na pangalan.
Sa kabilang banda nais ko rin bigyan ng pansin ang ibang tao na "user", (WAIT LANG LILINAWIN KO, DI ITO YUNG MGA KAIBIGAN KO NA TINUTUKOY KO SA UNANG BAHAGI NG POST KO) mga tao na nasa paligid ko lang tuwing may kailangan lang. Mga tao na magaling lang kapag may kailangan subalit kapag talikuran ay pag-uusapan ka nila at pagtatawanan. Alam (mo) ninyo, tantanan (mo) ninyo na ako, nananahimik na ako. Gusto ko ng bagong buhay na walang nanggugulo sa akin. Wala akong ginagawa sa inyo kaya layuan ninyo ako. Hindi lang (ikaw) kayo ang tao sa mundo. Kaya pakiusap, mind your own business.
Patawarin ako ng taas sa mga sinasabi ko, subalit sa palagay ko naman wala naman akong nasabi na below the belt. Wala lang, gusto ko lang ilabas ang galit ko. Ngayon ko lang napatunayan na di sa lahat ng pagkakataon ay maaaring panindigan ang salitang paghihintay. Para sa akin, kung minsan (madalas) ito ay kalokohan lamang. Wala na akong hinihintay, as in wala. At wala rin akong balak pang maghintay. Ganun pala yung pakiramdam, yung naghintay ka lang sa wala.
Magsisimba na ako.

No comments:
Post a Comment