Pagbabalik
Espesyal sa akin ang araw na ito. Sa totoo lang wala namang okasyon o ano pa man. Ang puso ko sa kasalukuyan ay umiiyak sa tuwa. How ironic, umiiyak di dahil sa luha subalit sa tuwa. May sampung minuto ako upang tapusin ang blog na ito. Matagal ko nang nais magsulat subalit hindi gumagana ang aking isipan. Di ko nga rin alam ung ganun pa ba ako katatas magsulat.
Let no one split apart what God has joined together. Mark 10:9
Ang sabi nga sa kasabihan, ang pag-aasawa ay di gaya ng kaning mainit na kapag napaso ay iluluwa. Tama, sang-ayon naman ako sa kasabihang iyan. Di naman lahat puro pagmamahal lang. Kailangan din ng mahabang pasensya, pag-unawa, pagsisikap at pananampalataya upang lalong mas mapagbuti at mapalali m ang pagsasama ng dalawang tao.
Maganda ang preaching ni Father Duds. As always lagi naman iyang handa at may lalim ang pagpapaliwanag. Laging nasasapul niya ang mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay. Ibinahagi niya na ang pagmamahal sa isang tao ay di lamang dahil sa magagandang panlabas na kaanyuan nito. Ang lahat ay naglalaho, ang pinamakamalaga umano ay kung paano mo pinahalagahan at pinagyaman ang pagmamahal na ito.
Si Ly at Ako.
Oo, inlove ako. Inlove ako sa kasintahan ko. Dalawang taon na ang nakalilipas ng ilang beses akong lumuha at humiling na may bagong tao na darating sa buhay ko. Yung tao na magtuturo sa akin na magmahal na walang hesitations. Yung tao na tatanggapin ako ng buo. Inaamin ko nainip ako. Nagmaadali ako, nagmamadali dahil nais kong mapagtakpan ang sakit na aking nadarama. Subalit nagkamali ako. Sa di inaasahang pagkakataon at panahon nasa paligid ko lang pala yung tao na iyon, at iyon ang aking seatmate sa trabaho na ngayon ay ang aking kasintahan.
Love is composed of a single soul inhabiting two bodies. Aristotle
Ako at si Ly ay iisa. Naniniwala ako na kami ay pinagtagpo ng Maykapal. Dalangin ko na laging maging matatag ang aming relasyon Maging tapat sa isa't isa at ilayo sa tukso. Tunay na di madali ang pakikipagrelasyon. It takes time and effort to build a strong one. Lalo na kung milya-milya ang layo ninyo at ang tanging nag-uugnay sa inyo ay ang wireless communcation. Subalit salamat sa rin sa teknolohiya na iyon ngunit higit sa lahat salamat sa pamilya, kaibigan at ang pag-asa na malalagapasan namin ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya.
Amen.
Mula sa kaibuturan ng aking puso, MAHAL NA MAHAL KITA BABE.
Blogged.