Friday, October 26, 2012

Unang patak ng luha (muli)

Tatlong oras lang ang tulog ko at sinikap kong wag muna magbukas ng ibang site maliban sa twitter at blogspot. Mabigat pa rin loob ko  pero salamat na rin nakaiyak na ako at nakagaan ng pakiramdam. Natulog na ako ulit after ko maggym. Pagkagising ko nakita ko na lang sarili ko umiiyak. Di ngawang bata pero makahulugana ng luha. Hindi ko ba kung bakit kailangan kong magblog dahil wala ba akong makausap at masabihan ng nararamdaman ko. Sabi nga nila ang pag-iyak ay isang paraan ng cleansing. Nililinisang kabuuan mo ang nararamdaman mo. Kaninang nakapikit lang ako ay nagdadasal ako na alisin yung fear at burden sa puso ko, dinalaw na naman ako ng takot ng baka masaktan ulit ako. Kaya pinipigilan kong umiyak dahil di naman normal sa isang lalaki ang umiiyak. Sabi ko di na ako iiyal at wala ng pwedeng magpaiyak sa akin pero mali kinain ko na sinabi ko. Wala talaga makakapagsabi kung ano ang tama, kung kailan mangayayari ang isang bagay at kung kailan ka masasaktan. Sa panahong nasasaktan ako ay panahon din humihina at ako at tanging dasal ang sandata ko. Sinisikap kong wag maging mag-isa at emosyunal sa harap ng mga tao kaya nagsusulat ako.

Pawis luha, pawis sipon. May jaba pa rin sa dibdib ko.

No comments:

Post a Comment