Friday, October 26, 2012

Aleph

Kinina pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng Aleph, halos isang taon na sa akin to pero di ko pa natatapos. Nakkahiya sa hiniraman ko. 9:30 na sa Pinas pero wala pa rin siyang message ni ho ni ha as in wala. Alam ko naman na busy siya pero d ko alam kung nasaan ba siya at anong oras ko ba siya makakausap.

For two day naranasan kong maging lones ulit. Gaya ng dati nakapaggym ulit ako at nakapagbasa ng libro. Syempre di nawala ang pagboblog. Namimiss ko na girlfriend ko. Namimiss ko yung kabuuan niya. Pero hanggang dun lang yun kailangan at magtiis at matutong maghintay. Mas worth it kapag hinintay mo ang isang pagkakataon.

Wala naman bago sa facebook. Di ko naman trip makiisyoso sa mga issue ng iba. Gusto ko lang marelax at makapagpahinga. Halos isang linggo na bakasyon at dapat sulitin ang bawat araw at gawing makabuluhan. So 4 pm na sa kanila wala pa rin message. Hinihintay ko tumunog ang phone ko pero mukhang mag eend-up na makakatulog na naman ako. 

So far di ko pa alam kung anong next goal ko na dapat gawin sa buhay. Kailangan ko pang magsikap para makabili ng bahay. Di naman ako ng mayaman na may instant bahay kailangan ko talagang paghirapan. Sa sweldo ko matagalan bago makapag-invest na bahay. Bahala na alam ko ibibigay Niya iyon sa tamang time pero dapat sabayan ko rin ng pagsisikap. Anyway wala akong tawag sa feu so meaning walang load? Di ko alam kung paano ko kukuhanin ang mga files ko doon para makahanap ng part time sa ibang University.

Magbabasa muna ulit ako. Nalulungkot ako walang makausap. Itong ito ako last March. Enjoy naman pero mas enjoy kung andito ka.

No comments:

Post a Comment