Monday, May 27, 2013
Double D
Ang ganda ng gising kanina. Punong-puno ng pag-asa at paniniwala na magiging ok ang lahat. Bigla na naman akong dinalaw ng kalungkutan. Tatlong araw na lang at wala na ako sa aking unang trabaho. Ang trabaho na nagbigay sa akin ng mga pagkakataon na di ko naman inaasahan. Mainit pero malamig yan ang nararamdaman ko. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko. Di tumawag ang agency. Arogante ata ako sa paningin nila. Mukang di tuloy ang Saudi. Sabagay humingi ako ng sign, ito ata ang binigay niya. Namimiss ko pa siya. Busy sya sa trabaho, walang signal samantalang ako nag-aabang sa paisa-isang message. Ang lamig, sobrang lamig. Kung hindi ako matutuloy tengga lang ako sa bahay. Feu na lang natira sa akin bukod pa dun wala ng iba. Bahala na si Batman. Yan naman lagi sinasabi ko pag ganito nararamdaman ko. Naniniwala ako na may maganda siyang plano para sa akin. Patawarin Nyo po ako kung may mali man sa desisyon ko alam ko pong mauunawaan nyo ako. Gusto ko lang naman na may someone na anjan para sa akin yung makakasama ko hanggang pagtanda ko. Pero iba talaga ang ihip ng hangin. Guato ko maramdaman ulit yung naramdaman ko last May pero di ko maramdaman. Dapat araw na lang hihintayin ko para makita ko na siya pero nagbago lahat sa isang iglap. Iba talaga ang pagkakataon makipaglaro. Susubukan ka talaga kung hanggang saan ka. Di naman masama malungkot diba? Pakiramdam ko tuloy, wala lang. Minsan nga gusto ko na lang humiga kaso di naman lalapit ang grasya kung wala akong gagawin. Sana tumawag yung employer sa akin para magkaroon ako ng pag-asa, pero sabi ko nga kung ano ang kaloob Niya susundin ko. Alisin nyo po ang lungkot alam ko po na ngiti ang kapalit nito. Alam kong di Nyo ako pababayaan. At di man magsalita ang mga labi ko alam ko pong alam nyo ang laman nito. Kakain na muna ako blogspot!
Saturday, May 18, 2013
Wala na.
Napakalungkot na gawain ang pagsusulat. Ang pagsusulat ay laging pag-iisa. Genaro Gojo Cruz-
Balik sa dati, ewan ko bakit wala akong maramdaman. O talagang di pa nagsisink in sa utak ko ang mga nangyari. Papalitan ko na naman ang blog ko, di ngayon pero baka bukas o sa susunod na panahon. Di pa hinog, bata pa talaga. Di napaghawakan ang mga dapat hawakan. Lord, inaamin ko po ang pagkakamali ko. Muli humihingi ako ng lakas ng loob na harapin ang bagong pagsubok sa buhay. Mahirap to Lord pero alam ko d mo ako bibigyan ng pagsubok na d ko kakayanin. Di ko alam bakit ganun ang nangyari dahil sa damdamin na iyon ay nasira na aang lahat. Tulungan nyo po akong tumahimik sa panahon na maingay. Turuan nyo akong makinig kapag kailangan kong maikinig. Ililihis ko ang kwento, ang mahalaga makapagsulat ako. Ayoko na naman maging unfair. Lagi dalawa ang kwento. Kwento mo at kwento ko. Nasasaktan lang ako d ko mapagtanggol sarili ko. Yun lang. dapat fair. Makatulog na nga lang. Wala na celebration.
Balik sa dati, ewan ko bakit wala akong maramdaman. O talagang di pa nagsisink in sa utak ko ang mga nangyari. Papalitan ko na naman ang blog ko, di ngayon pero baka bukas o sa susunod na panahon. Di pa hinog, bata pa talaga. Di napaghawakan ang mga dapat hawakan. Lord, inaamin ko po ang pagkakamali ko. Muli humihingi ako ng lakas ng loob na harapin ang bagong pagsubok sa buhay. Mahirap to Lord pero alam ko d mo ako bibigyan ng pagsubok na d ko kakayanin. Di ko alam bakit ganun ang nangyari dahil sa damdamin na iyon ay nasira na aang lahat. Tulungan nyo po akong tumahimik sa panahon na maingay. Turuan nyo akong makinig kapag kailangan kong maikinig. Ililihis ko ang kwento, ang mahalaga makapagsulat ako. Ayoko na naman maging unfair. Lagi dalawa ang kwento. Kwento mo at kwento ko. Nasasaktan lang ako d ko mapagtanggol sarili ko. Yun lang. dapat fair. Makatulog na nga lang. Wala na celebration.
Sunday, May 12, 2013
May 12
Holla! Kakagulat ang tagal ko na palang di nagsulat. So matagal din ba akong naging masaya? hehe! Nagusulat nga lang bang ako tuwing naglulungkot lang ako. Ito ang una kong minahal nung mag-isa ako pero ngayon mukhang babalik na naman ako. Actually di pa malinaw sa akin kung anong topic ko ngayon. Anything goes. Masarap sa tenga ko ung acoustic version ni Bieber na Believe. Baduy sa iba pero sa akin hindi. I dont care nafefeel ko kanta nya. Nakikita ko sarili ko sa mga lyrics na meron sya. Di pa masyado tumatalab ung pain. Mararamdaman ko lang yan soon. Nakakakapit pa ako pero dapat na akong bumitaw kayang pagbitaw niya. Sabi ko na after ng masayang meron ako may kapalit. Pagsubok na naman hehe! Naku naman tinatawanan ko lang pero natatakot akong harapin na naman parang injection na pilit kong pinipikit ang aking mga mata at huminga nang malalim para di ko maramdaman ang pain. After nito gagawa ako ng bago kong blog. Di ko po alam saang site, maghahanap ako. Ayoko na balikan ang mga kwentong naiwan ko dito. Karamihan masasakit kala ko tuloy-tuloy na masaya pero babalik ap rin pala ako sa dati,
Naluluha na naman ako, nilalamig na naman ako Sign na ba to na panahon na naman ng tag-ulan. Hindi ko alam saan ako mag-uumpisa pero ito ang una kong naisip magsulat. Panay punas sa paisa-isang patak ng aking luha. D ko inieexpect alam mo ung konti na lang ayun na biglang dundundundun! Oh okey, ay, o? OMG! pgsgshshss ina. Ooops Happy Mothers Day sa lahat ng mga nanay! Matatagalan pa ata na mahanap ko yung magiging mother ng aking anak lol. 9:54 sa orasan wala pa rin ako kandidato di ko alam kung paano ko sila pipiliin. Di ko talaga alam pero okay lang. Kailangan kong maging strong, andito na ako noon eh ito na naman ako. D na ako natututo, tang-inang pag-ibig yan ibang ligaya ang nabibigay ibang sakit din ang hatid.
Yung akalang mo na di ka ipagpapalit sa kahit anong amount, ay mali pala. Bakit ba di na lang yumaman lahat ng tao para wala ng aalis wala ng maiiwan. D naman pala pwede un laging may kabaligtaran ang buhay Masaya, malungkot, taas, baba, left, right. etc.
Kung saan man mapadpad ang pagtatype ko bahala na. Mahalaga nasabi ko na. Nilaban ko na ang dapat kong ilaban. Ginawa ko na ang best ko parang maging si Yuan, para mahalin ang tao na yun. Magiging bestfriend ko na naman ang mall, ang pakikinig ng musika, ang paglilibang mag-isa ang panonood ng sine mag isa ang pagtulog nang mas mahaba ang pagkilos na ako lang mag-isa.
10:00 tang-inang oras na naman yan. May ihahate na naman ba akong oras, lugar at mga alaala na kailangang mawala sa sistema ko. Salamat sa pagsira naiiyak na naman ako mamaya na ulit.
Nagmamahal,
Tunay at Totoo-
Monday, December 31, 2012
2012
Ganun talaga siguro kapag di mo
maexplain yung laman ng iyong puso para sa isang tao. Maaarin iniisip
niya na abala na ako sa pagligo at pag-aayos para sa misa pero lingid sa
kanyang kaalaman na abala ako para magblog sa para sa kanya.
2012,
masasabi ko na taon ko ito. umapaw ang biyaya na di ko inaasahan
Sobra-sobra. Sa kabila ng mga kasalanan at kalokohan ko na pinagagagawa
ay hindi ako pinabayaan ng Maykapal at sa halip ay inulan niya ako ng
biyayang lubos kong pinasasalamatan.
Utang
ko sa lahat sa iyo Lord ang mayroon ako at gayundin sa mga taong
nagtiwala sa akin at di ako iniwan. Espesyal ang blog na ito sapagkat
nais kong pasalamatan ang prinsesa ng aking buhay. Narito ang liham ko
para sayo.
Dearest babe,
Ilang
oras na lang at 2013 na, nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay
ko. Madalas ko sinabi na ikaw ang matagal ko nang hiniling sa Maykapal.
Tinugon niya iyon at lubos akong nagpapasalamat. Alam kong magkalayo
tayo ngayon pero araw-araw nararamdaman kita kahit saan ako magpunta.
Paumahin kung bugnutin ako at may mga bagay tayo na minsan ay di
napagkakaunawaan. Gusto ko malaman mo na sa araw-araw kita na nakakausap
ay mas lalo pa kitang minamahal. Iingatan kita at mas mamahalin pa at
di hahayaang saktan. Ikaw ang isa sa pinakamagandang biyaya sa akin Niya
ngayong 2012. Mahal kita at ilang buwan na lang at muli na tayong magkikita.
From the bottom of my heart, I miss you and i love you! Happy New Year from Tondo with love,
Yuan <3 i="i">3>
Muli salamat sayo Lord! Salamat sa lahat!
VIA FB
Happy
New Year sa lahat na naging bahagi ng aking buhay, mula sa aking
pamilya, kamag-anak, tunay na kaibigan, kaibigan, ka-ibigan ♥, sa AAM,
DLSU, FEU, Tondo, BF Homes, sa kanto, sa mga FX at jeepney drivers na
lagi kong nasasakyan, sa FB, sa twitter, sa Tumblr, Blogspot, Viber,
Yahoomail, Instgram, sa mga taong nagtiwala, nagbigay ng break,
nagmahal, nagbigay, nakitawa, nakisaya, nakaalitan at lahat ng naging
kasama ko through ups and down. Salamat!
p.s. kung minsan sa
palagay nyo ay nakalimutan ko kayo, mali yun. Epekto lamang yan ng labis
na pag-iisip. Walang nagbago. Magsaya at magbago! :) Manigong Bagong
Taon! :)
Signing off 2012
Monday, December 24, 2012
Noche Buena 12
Bago matapos ang misa sabi ni father ganito, mga brad mga sister pamilya muna unahin natin, kahit na di materyal na bagay ang ibigay ninyo ang oras lang na makasama ninyo ang pamilya ninyo ay magandang regalo na.
Sa eskwelahan natutuhan ko na ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Binubuo ng nanay tatay at mga kapatid. Ito ang kwento ko. Nakaugalian na namin na magsama-samang pamilya tuwing Pasko sa bahay ng uncle ko sa Paranaque. Doon may mga palaro, pagkain palitan ng regalo at ano-ano pa.
Mama ko abala sa taas magbalot ng regalo, kapatid ko nasa ibang bansa, kasama ang asawa niya. Yung isa kong kapatid busy sa negosyo. Yung isa natulog at yung isa nasa labas.
Ewan ko di kami pinalaki na sama-sama. Pag Pasko lang pero pagkatapos nun wala na kanya-kanya na. Yun siguro ang dahilan kung bakit natutunan kong self centered. Kung bakit minsan eh sabik ako sa pagmamahal ng isang tao na nagiging selfish na ako. Di ko naman sinabi na di ako mahal ng magulang ko. Hindi naman ako makakarating sa meron ako ngayon kung di dahil sa kanila. Di ko naman sila pwede sisihin sa pagkukulang nila. Sa totoo lang nakakainggit ang buo ang pamilya. Kanina habang alas dose nagtitklop ako ng damit ko. Yung iba may kupas na naman. Nakupasan ng mama ko. Di na ako nagalit Pasko naman. Bibili ako ng bagong aparador kahit mahal, itatabi ko lahat ng damit ko lalo sa mata ng nanay ko pare less away na. Yung iba ipamimgay ko na, tapos bibili ako ng mga bago unti-unti. Panahon na para sa mas malaking responsibilities. Kung hindi ako nagkakamali pangalawang blog ko na to na medyo malungkot. Sanay na naman ako pero isang araw ang tinitiyak ko di ko sasanayin ang magiging pamilya ko ng ganito.
Di ako galit sa mga magulang nauunawaan ko kahit may pagkukulang.
Saturday, December 22, 2012
Blogged-
I want to hug you
kiss you
and tell you how much I love you
if only..
12:51 na orasan. Kung ano ano ang pinapanood ko sa youtube, nakakabagot. Ilang araw na lang Pasko na. Sabi nila ito raw ang araw ng pagbibigayan. Tama naman, pero araw-araw ata yun sa palagay ko. Sa panahong mag-isa ako mas namimiss ko ang kasintahan ko. Try kong gumawa ng tula. Di na ata ako matatas sa paggawa at magkukwento medyo kulang na sa practice pero itatry ko.
Malamig ang hangin na nanunuot sa buo kong katawan
balisa sa kakaisip laman ng isip ko'y ikaw
hagkan kat yakapin ng mahigpit ngayong gabi ang kailangan
subalit ikay malayo pangungulila di matigilan
Jeddah-
Namimiss na kita di mo lang alam
Ang makita yan ang dalangin ko sa maykapal
makasama kang muli hiling ko sanay matupad
subalit kailangan ko munang magtiis at maghintay
cold-
Its been six months since we drifted apart
and my mind is longing for you for the longest time
I wish you were here coz I miss you so much
I need your warm embrace and be my fire tonight
ice-
I kissed you and hug you tight
As our body united as one
i whisper, you are my only one
As you look at me, and wake me up
dreams
words can kill indeed
as i slowly hurt you beneath
tears flow outside the window
as i realized it wrong, sorry
21-
Thursday, December 20, 2012
Isang buwan-
Isang buwan na rin pala nakakalipas nung huli ako na kapagblog. Busy masyado, napapabayaan ko na sarili ko pero babawin na lang ako ngayong bakasyon. Nag-iisip pa ako ng bagong layout sa blog ko para next year. Tagal ko na rin blogger dami ko na nasulat dami ko na nasabi pero wala naman nakapansin sa blog ko. Ano nga ba kwenta nito eh puro kwento lang naman ng buhay ko meron dito.
End of the world na raw pero sino ba sila para magsabi nun? Tuloy ang buhay. Inaantok na ako pero kinailangan kong magtipa para makapagrelease ng anumang damdamin na matagal ko ng tinatago. Nakakamiss din noon, simple lang buhay ngayon komplikado. Ganun talaga mga tao anjan lang sila kapag nag-iisa sila pero kapag may kasama ng iba ok na. Sanay na ako dun di ko na dapat magkaroon ng hang over pa.
Cute ng kanta ng ABS, dumarami ang mga tala tuwing kapaskuhan. Malapit na Pasko pero di ko pa maramdaman. May kulang di ko alam basta may kulang.
Wednesday, November 14, 2012
#AMALAYER: Pagsipat sa mga bampira ng makabagong panahon.
Proverbs 22:24
Do not make friends with a hot tempered person, do not associate with one easily angered.
Dalawang linggo na ang nakakalipas ng imbitahan ako ng aking kaibigan sa CCP upang dumalo ng isang misa na mas kilala sa tawag na Feast. Parang pelikula ang ambiance ng lugar at napakarami ng tao. Di pangkaraniwan ang misa kompara sa dinadaluhan ko tuwing Linggo. Mas masaya, mas malaki at mas malalim ang paliwanag na kapupulutan ng maraming aral.
Ang artikulong nais kong ibahagi ay sinulat ni Brother Bo Sanchez na siya ring naging paksa sa misang aking dinaluhan. Pinamagatan itong, Vampires: How To Deal with Different People.
Hindi dahil papalapit na ang showing ng Breaking Dawn Part II kaya ko isinulat at pinalawak ang paksang ito bagkus ay nais kong ibahagi ang natutuhan ko na maaari ring kapulutan ng aral.
Ayon kay Sanchez, tayo ay napapaligiran ng iba't ibang uri ng bampira. Mga bampira na siyang humihigop ng ating mga lakas, oras, salapi at buhay upang sila maging kasangkapan nila sa kanilang mga pansariling pangangailangan.
Nagsimula umano na mas naging maingay ang usap-usapan tungkol sa mitolohikal na karakter na bampira noong 18th Century na hanggang sa kasalukuyan ay nabubuhay pa rin sa ating lipunan. Subalit dahil tayo ay nabubuhay na sa panahon na wireless communication ay nakikisabay na rin sa agos ng panahon ang mga iba't ibang uri ng bampira. Narito ang ilang uri ng bampira ayon kay Sanchez.
1. Criticizing Vampires- Sila ang mga uri ng bampira na mistulang may misyon na itama ang lahat ng mali sa mundo. Ang dahilan ay upang ipakita at ipadama na sila ay mas mataas at laging tama sa iba. Ang lahat ng sabihin at gawin mo ay laging may komento. Lagi kang itatama upang iparamdam sayo na sila ang superyor at makita kang lagi sa ibaba.
2. Controlling Vampires- Ang uri ng bampirang ito ay ang mga bampirang gumagamit ng matinding galit upang itulak nila ang kagustuhan nila sa ibang tao. Daig pa ang mga bata sa pagiging controlling umayon ka lang sa kanilang kagustuhan. Maaaring maging mabuti ang kanilang intensyon subalit hindi nila ito magagawa nang hindi nakakasakit at nakakainsulto ng kapwa.
3. Contradicting Vampires- Sila naman ang mga bampira na laging tutol sa lahat ng paniniwala at sasabihin mo. Hindi sila bukas sa mga bagong ideya sa halip ay laging negatibo ang iniisip nila sa maaring maging resulta nito.
4. Complaining Vampires- Ah, ah, ah, maaaring isa ka sa mga bampirang ito. Puro reklamo (di ka na lang magtrabaho) Pakiramdam nila sila ang biktima, sila ang laging kawawa, ang laging underdog at higit sa lahat ay ayaw nilang tumanggap ng solusyon sa kanilang mga problema, sa dahilang kapag nasolusyanan na ito ay wala ng maaawa at makikisimpatya sa kanila.
5. Clinging Vamprires- Pag wala ka wala ako, iyan ang peg ng mga bampirang ito. Ang lahat ng kanilag self-steem at pagpapahalaga sa sarili ay nakadepende sa ibang tao.
6. Crying Vampires- Ang mga umiiyak at umaarte na mistulang sinaktan ng sobra-sobra ng iba. Mga bampirang OA ang pagiging sensitibo
7. Coward Vampires- Mga duwag, puro lang oo, mga bampirang gustong iplease ang lahat ng tao kahit sa huli ay siya rin naman ang talo.
8. Con Vampires- Mga bampirang may rosas na nakaipit sa bibig. Kailangan umano mag-ingat ng mga kababaihan sa mga ganitong uri ng bampira. Sila ay may kakayahan na maakit ang lahat subalit sa likod nito ay sila naman ay totoong mga sinungaling.
Kapag nakasalamuha mo ang ganitong uri ng tao ay may mga paraan upang ikaw ay makaiwas ( kahit na sa maraming pagkakataon ay di ka talaga makakaiwas)
Una, walk out and find your bread elsewhere. (walking out meaning, decreasing your time to that person)
Pangalawa, protect yor head and eat you bread.
Malalim? Kaya mo yan.Tinatamad na ako magsulat.
Monday, November 12, 2012
Medtech
Seek the Kingdon of God above all else, and live rigthoeusly, and he will give you eberthing you need. Matthew 6:33
Sapat na ang mga tsokolate sa tabi ko upang magsilbing pandagdag lakas at talino para makapagreflect ako sa gabing ito. Kakatapos lang ng unang klase ko sa FEU. Di maganda ang gusali ng MEDTECH, for some reason namimiss ko ang gusali ng IAS. Maliit ang klase at marami ang estudyante. Sana nga mabawasan sila ng makaluwag naman ako kahit papaano. Una pa lang ng klase ay maingay na sila. Di ko alam kung anong estratehiya ang gagawin ko para matahimik ang klase ko.
Palagay ko sa akin pa rin naman ang load. Kailangan ko lang balansehin ang oras ko sa pagbyahe, ag tagal ng byahe. Di dahil sa ubod ng layo subalit dahil sa ubod ng trapik.
Sa kabilang banda, mahalaga sa akin ang semstreng ito. Ito ang maaaring magbigay sa akin ng daan patungo kung ako ba ay kukuhanin pa nila sa susunod na taon o hindi na. Syempre nais ko maging tapat sa akin ang head sa magiging ebalwasyon ko. Di ko talaga alam if pasado ba ako noon o pasang awa. Pero salamat talaga at may load ako.
God, marami po ang pagkukulang sa akibg sarili higit sa ibang tao subalit patuloy po ang inyong biyaya. Tiis ganda lang po at alam ko na magbubunga ang paghihirap na ito. Patnubayan nyo po lahat at ilayo sa sakit, kapahamakan ang mahal ko sa buhay. Patunabayan nyo rin po si Ly, mahal na mahal ko siya, alam kong nauunawaan niya ako at para sa kanya, sa akin, sa amin at sa IYO po ang lahat ng ito.
Amen.
Sapat na ang mga tsokolate sa tabi ko upang magsilbing pandagdag lakas at talino para makapagreflect ako sa gabing ito. Kakatapos lang ng unang klase ko sa FEU. Di maganda ang gusali ng MEDTECH, for some reason namimiss ko ang gusali ng IAS. Maliit ang klase at marami ang estudyante. Sana nga mabawasan sila ng makaluwag naman ako kahit papaano. Una pa lang ng klase ay maingay na sila. Di ko alam kung anong estratehiya ang gagawin ko para matahimik ang klase ko.
Palagay ko sa akin pa rin naman ang load. Kailangan ko lang balansehin ang oras ko sa pagbyahe, ag tagal ng byahe. Di dahil sa ubod ng layo subalit dahil sa ubod ng trapik.
Sa kabilang banda, mahalaga sa akin ang semstreng ito. Ito ang maaaring magbigay sa akin ng daan patungo kung ako ba ay kukuhanin pa nila sa susunod na taon o hindi na. Syempre nais ko maging tapat sa akin ang head sa magiging ebalwasyon ko. Di ko talaga alam if pasado ba ako noon o pasang awa. Pero salamat talaga at may load ako.
God, marami po ang pagkukulang sa akibg sarili higit sa ibang tao subalit patuloy po ang inyong biyaya. Tiis ganda lang po at alam ko na magbubunga ang paghihirap na ito. Patnubayan nyo po lahat at ilayo sa sakit, kapahamakan ang mahal ko sa buhay. Patunabayan nyo rin po si Ly, mahal na mahal ko siya, alam kong nauunawaan niya ako at para sa kanya, sa akin, sa amin at sa IYO po ang lahat ng ito.
Amen.
Saturday, November 10, 2012
Failed-
Di naging smooth ang linggo na ito. For some reason I felt stupid sa mga actions ko. Pakiramdam ko marami akong nasabi at mga responibiladad na di nagawa na tama. Di ko naman makuha na mainis sa nangyari kahapon. Nahuli ako ng 25 minutes sa klase at pagdating ko ay wala na raw ang mga estudyante. Nahihiya ako sa mga bata lalo na kay sir. Ang daming oportunidad na kumakatok sa akin pero ang problema ang layo ng Feu sa AAM. Mas aayusin ko pa ang time ko at titiyakin ko na aabot ako sa Lunes. Sana nga sa akin pa rin ag load. Help me God.
Friday, October 26, 2012
Unang patak ng luha (muli)
Tatlong oras lang ang tulog ko at sinikap kong wag muna magbukas ng ibang site maliban sa twitter at blogspot. Mabigat pa rin loob ko pero salamat na rin nakaiyak na ako at nakagaan ng pakiramdam. Natulog na ako ulit after ko maggym. Pagkagising ko nakita ko na lang sarili ko umiiyak. Di ngawang bata pero makahulugana ng luha. Hindi ko ba kung bakit kailangan kong magblog dahil wala ba akong makausap at masabihan ng nararamdaman ko. Sabi nga nila ang pag-iyak ay isang paraan ng cleansing. Nililinisang kabuuan mo ang nararamdaman mo. Kaninang nakapikit lang ako ay nagdadasal ako na alisin yung fear at burden sa puso ko, dinalaw na naman ako ng takot ng baka masaktan ulit ako. Kaya pinipigilan kong umiyak dahil di naman normal sa isang lalaki ang umiiyak. Sabi ko di na ako iiyal at wala ng pwedeng magpaiyak sa akin pero mali kinain ko na sinabi ko. Wala talaga makakapagsabi kung ano ang tama, kung kailan mangayayari ang isang bagay at kung kailan ka masasaktan. Sa panahong nasasaktan ako ay panahon din humihina at ako at tanging dasal ang sandata ko. Sinisikap kong wag maging mag-isa at emosyunal sa harap ng mga tao kaya nagsusulat ako.
Pawis luha, pawis sipon. May jaba pa rin sa dibdib ko.
Si Yuan ako.
It's 1:30 at ako ay gising na gising pa. Nakatapos ako ng isang episode ng bones. Maganda ang kwento lalo na pag nasosolve nila ang mga crime. Magaan lang at magaganda ang mga lines plus ung mga music na ginagamit ay nakakarelax. Naaala ko noon sa tuwing mag-isa ako at wala akong makausap ito ang pinapanood ko, narerelax ako at nakakapag-isip ng maayos. Nagkaroon na sila ng baby. Nakaramdam ako ng pagkatuwa. Napaisip tuloy ako kailan kaya ako magkakababy. Kailan kaya ko magiging tatay. Di ko alam pero alam ko mahirap pero at the same time masaya. Lalo na kung cute ang baby mo. (anyway lahat naman ng baby cute). Tapos may masaya kang pamilya.
Habang tumatagal namamaster ko na ang mag- release ng anger sa ibang way. Yung mga simpleng bagay na hayaan na lang tangayin ng hangin ay palipasin na lang. Feeling ko matatapos ko tong episodes na to ng ilang araw lang after naman Big Bang Theory para matawa naman ako. Ito rin yung time na nakakapagreflect ako in my own way para baguhin yung mga di maganda kong ugali, pananalita at kung ano ano pa.
Sanay na ako sa ganitong mag-isa pero bat ba nagrereklamo ako eh sa ganito rin naman ako galing. Kung minsan wag tayong masyadong mag-expect sa ibang tao. Di mo hawak ang sitwasyon, kahit na gustuhin mo man na di sila magbago di naman pwede yun. Sabi nga nila nothing is permanent in this world only change. Inaamin ko nasaktan ako. Nasaktan ako hindi dahil nakiki-compete ako. Nasaktan ako kasi parang ang dating eh ako galing sa ganito kaya marami akong nalaman na di mo alam.
Minsan naiisip ko masama ba akong tao. Ang bigat ba ng pananampalataya ay nasusukat sa kung paano mo ipakita sa lahat na mahalaga siya. Pagsubok sa faith ko to actually. Noon di ko naman naiisip yung ganito. Alam ko ay mahal na mahal ko siya at naniniwala ako. Mas nangingibabaw ang paggawa ng mabuti kesa sa masama. Pero nitong mga nakaraan pakiramdam ko, napapakita akin yung difference na ikaw ganito, kami ganito.
Sabi nga sa bones, theres a mystery in life. Tama naniniwala ako doon. Misteryo na mahirap maunawaan. Kung kulang man ako at mali ang paniniwala ko. Patawarin Niya ako. Reflection sa akin ito na mas maunawaan ang mga nasa paligid ko. Gustuhin ko man habaan ang pasensya ko pero nauubos din pero after nun balik sa dati.
Wala talagang perfect ako mismo di ko masasabi na mabait ako. Yung mga bagay na kaya kong pigilan, gagawin ko. Yung mga tao na di ko dapat masaktan iiwasan ko.
I will end up my blog by saying, si Yuan ako.
Aleph
Kinina pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng Aleph, halos isang taon na sa akin to pero di ko pa natatapos. Nakkahiya sa hiniraman ko. 9:30 na sa Pinas pero wala pa rin siyang message ni ho ni ha as in wala. Alam ko naman na busy siya pero d ko alam kung nasaan ba siya at anong oras ko ba siya makakausap.
For two day naranasan kong maging lones ulit. Gaya ng dati nakapaggym ulit ako at nakapagbasa ng libro. Syempre di nawala ang pagboblog. Namimiss ko na girlfriend ko. Namimiss ko yung kabuuan niya. Pero hanggang dun lang yun kailangan at magtiis at matutong maghintay. Mas worth it kapag hinintay mo ang isang pagkakataon.
Wala naman bago sa facebook. Di ko naman trip makiisyoso sa mga issue ng iba. Gusto ko lang marelax at makapagpahinga. Halos isang linggo na bakasyon at dapat sulitin ang bawat araw at gawing makabuluhan. So 4 pm na sa kanila wala pa rin message. Hinihintay ko tumunog ang phone ko pero mukhang mag eend-up na makakatulog na naman ako.
So far di ko pa alam kung anong next goal ko na dapat gawin sa buhay. Kailangan ko pang magsikap para makabili ng bahay. Di naman ako ng mayaman na may instant bahay kailangan ko talagang paghirapan. Sa sweldo ko matagalan bago makapag-invest na bahay. Bahala na alam ko ibibigay Niya iyon sa tamang time pero dapat sabayan ko rin ng pagsisikap. Anyway wala akong tawag sa feu so meaning walang load? Di ko alam kung paano ko kukuhanin ang mga files ko doon para makahanap ng part time sa ibang University.
Magbabasa muna ulit ako. Nalulungkot ako walang makausap. Itong ito ako last March. Enjoy naman pero mas enjoy kung andito ka.
Thursday, October 25, 2012
Patak ng Ulan
And so I tell you, keep on asking, and you will receive what you ask for. Keep on seeking, and you will find. Keep on knocking, and door will be opened to you. For everyone who asks receives. Everyone who seeks find. And to everyone who knocks the door will be opened. Luke 11:9-10
Unang gabi ko na di ko siya nakausap. Sa milya-milya ng layo namin at matagal na panahong di magkasama, dalawang araw ko siyang di makakausap. Malakas ang ulan sa labas, baha na nga raw sa Santa Rosa Laguna. Despite ng ulan nakapunta ako kasama ang mga friends ko sa Southmall. Kumain kami sa Wendys at naubos ang oras sa kewntuhan at tawanan.
Di pa ako matutulog ngayon try kong hintayin na maggabi sa kanila baka sakaling isang bbm lang may matanggap ako sa kanya masaya na ako. Try lang malay mo. Habang papahaba na ang naisusulat ko ay iyon naman paglakas ng ulan. Katumbas ata ng mga titik ko na natitipa ngayon ang patak ng ulan. Totoo yung nabasa ko na verse na yan. Kapag humiling ka ibibigay sa iyo. Kung di ibigay may rason, at may magandang plano Siya para sayo. Ang mahalaga matutong maghintay at magtiwala.
Mahaba ang bakasyon pero marami rin naman dapat tapusin. Di ko pa alam kung ano sunod na mangyayari sa karera ko. Nalilito pa ako, pero kailangan mag-impok dahil nais kong magkabahay, kotse at mapakasalan ang aking kasintanhan.
Maulang Gabi!
Wednesday, October 24, 2012
Samsung Galaxy Y
I said, "Plant the good seeds of righteousness, and you will harvest a crop of love. Plow up the hard ground of your hearts, for now its time to seek the Lord, that he may come and shower righteousness upon you. Hosea 10:12
Malakas ang ulan sa labas at malamig ang panahon. Senyal na papalapit na talaga ang Pasko. Isang araw na lang at pahinga na. May trabahong iuuwi pero ayos na rin yun dahil hawak ko ang oras ko kung kailan ko nais magtrabaho. Righteousness, mabigat. Mahirap gumawa ng tama pero kung paiiralin iyon sa lahat ng ginagawa mo papasok ang love. Naniniwala naman ako dun. Ang puso ang isa sa pinakamahalagang elemento ng pagiging isang tao. Di lang puso na bilang bahagi ng ating katawan subalit ang puso na nagmamahal, gumagawa ng kabutihan at pusong para kay Lord.
Sa kabilang dako, naibenta ko na ang telepono ko sa ibang tao, yung telepeno na pumalit nung naholdap ako nung nakaraang taon. Kahit papaano may kaunting lungkot sapagkat naging bahagi iyon ng pagbangon ko mula sa pagkakalubog.
Umaapaw ang blessings ngayon. Masaya ako at tuloy-tuloy naman Ibabahagi ko sa iba at syempre kailangan din maging maingat ako at mag-impok. Di natin alam kung kailan darating ang ulan, maganda ng handa.
Namimiss ko na gf ko Totoo kang sana kahit isang gabi mayakap ko siya sa panahon mas nangungulila ako sa kanya.
Magandang Gabi!
Monday, October 15, 2012
Day 2
But from there you will search again for the Lord your God. And if you search for him with all your heart and soul, you will find him. Deuteronomy 4:29
Pangalawang gabi ko na ginagawa ito. Sana matuloy-tuloy ko. Ewan ko di pa sapat tong ginagawa ko para mapatawad ako ng taas sa lahat ng kasalanan ko. Kasalukuyang umiyak ang kasintahan ko. Gustuhin ko man siyang mayakap di ko magawa.Kasabay ng pag-iyak niya ay siya namang pagluha ko. Mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak lalo na malayo at wala ako magawa para sa kanya kundi sabihin na kaya mo yan. Maganda tong verse ngayon, paghahanap kay God. Nasaan nga ba siya sa puso ba natin siya makikita? Mula sa mga kamaliang nagawa natin ay nais nating isuko sa kanya ang lahat at humingi ng kapatawaran. Idesire natin na makita siya at gumawa nang mabuti at tama. Mahirap subalit unti-unti makakaya.
Amen.
Salamat sa gabi at tangayin ako ng hangin patungo sa kabutihan sa yapak Niya.
Sunday, October 14, 2012
If you think you are standing strong, be careful not to fall. 1 Corinthians 10:12
I decided to blog may daily devotion since I've been doing this since for almost 2 months. A friend of mine shared this one verse devotion in order for me to reflect more on God's words. A deeper and closer relations of His words to our life. I just want to share this devotion for those people who will vist my blog.
If you think you are standing strong, be careful not to fall. 1 Corinthians 10:12
There are times that we are overwhelmed on what is happening to our life, to the point that we tend to forget Him because we are all busy in our everyday life. Thinking that all the blessing we have was not given by others but it was given by Him. Standing strong is a strength given by God. In relation of this, He will not lets us tempataion allow us to be more than we can stand. He will show us way to endure this temptation.
Lord give me strength to endure all the temptations in my life. I wont be able to stand strong in my life without You. Blessed, my family, friends, Lyrize, our country and also those people who are suffering for sadness and sickness.
In Jesus name,
Amen
I love you.
Amen.
Sunday, October 7, 2012
Sun Broadband
Pagbabalik
Espesyal sa akin ang araw na ito. Sa totoo lang wala namang okasyon o ano pa man. Ang puso ko sa kasalukuyan ay umiiyak sa tuwa. How ironic, umiiyak di dahil sa luha subalit sa tuwa. May sampung minuto ako upang tapusin ang blog na ito. Matagal ko nang nais magsulat subalit hindi gumagana ang aking isipan. Di ko nga rin alam ung ganun pa ba ako katatas magsulat.
Let no one split apart what God has joined together. Mark 10:9
Ang sabi nga sa kasabihan, ang pag-aasawa ay di gaya ng kaning mainit na kapag napaso ay iluluwa. Tama, sang-ayon naman ako sa kasabihang iyan. Di naman lahat puro pagmamahal lang. Kailangan din ng mahabang pasensya, pag-unawa, pagsisikap at pananampalataya upang lalong mas mapagbuti at mapalali m ang pagsasama ng dalawang tao.
Maganda ang preaching ni Father Duds. As always lagi naman iyang handa at may lalim ang pagpapaliwanag. Laging nasasapul niya ang mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay. Ibinahagi niya na ang pagmamahal sa isang tao ay di lamang dahil sa magagandang panlabas na kaanyuan nito. Ang lahat ay naglalaho, ang pinamakamalaga umano ay kung paano mo pinahalagahan at pinagyaman ang pagmamahal na ito.
Si Ly at Ako.
Oo, inlove ako. Inlove ako sa kasintahan ko. Dalawang taon na ang nakalilipas ng ilang beses akong lumuha at humiling na may bagong tao na darating sa buhay ko. Yung tao na magtuturo sa akin na magmahal na walang hesitations. Yung tao na tatanggapin ako ng buo. Inaamin ko nainip ako. Nagmaadali ako, nagmamadali dahil nais kong mapagtakpan ang sakit na aking nadarama. Subalit nagkamali ako. Sa di inaasahang pagkakataon at panahon nasa paligid ko lang pala yung tao na iyon, at iyon ang aking seatmate sa trabaho na ngayon ay ang aking kasintahan.
Love is composed of a single soul inhabiting two bodies. Aristotle
Ako at si Ly ay iisa. Naniniwala ako na kami ay pinagtagpo ng Maykapal. Dalangin ko na laging maging matatag ang aming relasyon Maging tapat sa isa't isa at ilayo sa tukso. Tunay na di madali ang pakikipagrelasyon. It takes time and effort to build a strong one. Lalo na kung milya-milya ang layo ninyo at ang tanging nag-uugnay sa inyo ay ang wireless communcation. Subalit salamat sa rin sa teknolohiya na iyon ngunit higit sa lahat salamat sa pamilya, kaibigan at ang pag-asa na malalagapasan namin ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya.
Amen.
Mula sa kaibuturan ng aking puso, MAHAL NA MAHAL KITA BABE.
Mula sa kaibuturan ng aking puso, MAHAL NA MAHAL KITA BABE.
Blogged.
Friday, September 14, 2012
Post
Napapapikit na mata ko at di pa kumakain. 10:25 na sa relo ko. Di ko alam kung gaano katatas pa ba ako magsulat. Nakakatamad magsulat pero kailangan kong marelax. Mas nakakapagsulat ako pag may matindi akong emosyon na nararamdaman. Baka pagod lang ako kaya ganito hirap ako magsulat. Palaisipan sa akin kung gaano ba talaga kalayo ang malayo. Sobra ba? Paano ko ba mapupuntahan yung malayo na yun? Walang klase kanina. Saya ng buhay, wala ka gagawin pero bayad ka. Maliit lang kita ko sa FEU pero sapat na yun para makapag-ipon. Ang target ko lang ay ayun di natuloy. Nalulungkot ako pero alam ko may dahilan. Kailangan ko lang maghintay ng tamang panahon para malaman ang sagot.
Pakiramdam ko mag-isa na naman ako Ikaw na naman kausap ko. Kahit na maghapon ata na pagusulat ang gawin ko ay okay lang. Ang pumapatay lang sa akin ay antok. Di talaga lahat ibibgay sayo. Walang katapusang pagsubok ang ibibigay Nya sa iyo hanggang magiging matatag ka.
Kasabay ng pagpatak ng luha ay ang pagbuhos ng ulan. Tuwing sa ganitong panahon ako mahina. Panahong nialalabanan ko ang sarili ko. Nalulungkot ako. Malayo, sobrang malayo.
Inaantok na ako.
Tuesday, August 28, 2012
FEU
Akala ko ang mga superhero ay di napapagod, mali ako, napapagod din pala. Kasalukuyan akong naaupo at nagpapahinga. Ang pagsusulat ang panahon na nakakapagpahinga ako. Nakuha ko na ang special order ko sa FEU. Malaki pa kita ko sa tutorial at mas petix subalit ang mahalaga may experience ako sa pagtuturo sa kolehiyo. Masama talaga ang pakiramdam ko ng kaunti, nalalabanan lag ito ng saya at mind over matter. Bahala na si Batman. Kala ko noon kakayanin ko hindi pala. Balik sa dati naghahanap ulit ng pupose sa buhay. Nilikha ba talaga akong maging guro o mas higit a dun. Di ko alam. Nahihiwagahan ako sa laman ng blog na yun. Sana mabasa ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)
