Saturday, August 21, 2010

Say Hello To Goodbye!

Nagkakagulo raw sa klasrum ko sabi ng isang kong kasamahan. May klase ako nun at abala ako. Hindi ko maiwanan ngunit nagmadali ako dahil baka kung ano pa ang mangyari at mapagalitan na naman ako. Tumungo ako agad sa aking klasrum at nakapinid ng maigi ang pintuan. Nagtataka ako at nakakunot ang noo, kaarawan ko pa naman bukas sakit na sa ulo ang sa akin ay ibibigay. Pagkabukas ko, madilim. May kandila at bigalng umawit ang aking mga mag-aaral. Nagulat ako at hindi ako makapagsalita. Tuloy pa rin sila sa pagkanta, samantala ako ay tulala at pinagmamasadan ang mga liwanag na nagmumula sa mga munting mga kandila. Sa totoo lang siya ang aking naalala. Lahat ay bumati at masasabi ko na ang isa sa pinakamatamis na natanggap ko sa aking buhay ang ginawa ng aking advisory class. May banderitas na punong-puno ng mensahe sa akin. Maraming pagkain at may cake. Nakakatuwa sapagkat sa buhay ko ay sila lamang ang nakagawa noon. Masaya ang lahat, pinaghandaan nila ako ng pagkain. Binusog nila ako hindi lamang sa pagkain subalit gayundin sa pagmamahal. Mahal ko kayo Socrates!

Matapos ng mahabang araw sa pagtuturo ay may pupuntahan naman akong kaibigan. Kinakabahan ako, hindi ko pa siya nakikita, ngayon pa lang. Naghintay ako sa Pergola. Medyo madami ang tao, mga abala sa ginagawa nila. Nakita pa ako ng isa kong estudyante. Nais ko sana magtago ngunit nakita pa rin niya ako. Kumain kami sa Yellow Cab, natutuwa ako at nadagdagan na naman ko ng bagong kaibigan.

Pauwi na kami ngunit para sa akin ay mahaba pa ang gabi. Nagtext ako sa isang kaibigan na matagal ko nang di nakita. Nagtungo kami sa Cabooze. Kaunting kwentuhan lamang at makalipas ang ilang oras ay umuwi na ako. Medyo nahilo ako, ngunit nakauwi naman ako ng ligtas. Muling sumagi sa aking isip si ACLM. Namimiss ko siya. Di ko maintindihan bakit bumalik na naman ang ganung damdamin ko sa kanya. Pagkauwi ko ay nagsipilyo lang ako at natulog.

Kinabukasa, araw ng aking kaarawaan. Pagkagising ko ay maraming mensahe sa aking telepono. Sinagot ko ito at nagpasalamat. Binuksan ko ang aking internet, partikular ang FB. Madami ang bumati. Natutuwa ako, marami ang nagmamahal sa akin. Tanghali nagtungo kami si Red sa Espanya, nagpatune up siya ng motor. Tama si Red nakakabagot nga nakatulog sa isang sulok. Napagod ata ako. Tumatakbo na naman siya sa aking isip.

Gabi na, naramdaman ko malapit na matapos ang aking kaarawan. Tuloy pa rin ang pagbati, nakakataba ng puso. Huli na ako sa kaarawan ni Yesha. Una niyang kaarawan. Anak siya ni Gem. Naligo ako at mabilis na nag-ayos. Nagtungo ako sa simbahan, malapit lang naman sa amin ang pagaganapan ng kaarawan niYesha. Nagsimba muna ako sa Tundo Church. Sarado na, sa labas na lamang ako nagdasal at nagpasalamat.

Maraming tao sa party, syempre puro bata. Nagpa face paint ako. Pero di sa mukha. Sa braso. Nakakatuwa, ang ganda ng yinyang pero hindi puti at itim sa halip asul at pink. Nagulat ako sapagkat may regalo pala sa akin ang aking mga kaibigan. Panandalian kong siyang nakalimutan. Nakakatuwa. Matapos ang party ay nagtungo kami sa Malate. Una ay pumasok kami sa H20. Ang ganda ng mga kanta. Nagpakawaild ako sa pagkanta at hindi sa pag-inom. Nakakatuwa sumabay sa kanta kapag alam mo. Naiisip ko pa rin siya. Di nya pa rin ako binabati dalawang oras na lang.

Maya-maya ay nabagot ang aking mga kaibigan lumipat kami. Padis naman. Ayoko sana dun pero yun ang gusto ng lahat. Maraming tao, medyo mainit. Naisip ko na naman siya. Naalala ko dati ning nagMalate kami.

Natapos ang araw at hindi niya ako binati. Umabot sa isang daang notifications ang FB ko pero hindi niya ako na naalala. Naluha ako, nasasaktan ako. Tuluyan na niya akong nakalimutan. :(

Salamat po sa lahat ng biyaya niya nito. Marami pa lang talagang nagmamahal sa akin. Pero ngayon ko lang nalaman na hindi pa pala talaga ako totally moved on sa kanya. Sana po ay maaari pang ibalik ang tamis ng nakaraan. Mahal ko pa rin siya God.

Salamat sa lahat ng bumati at nagregalo.

Socrates Superstar
Pascal Baby
Lee (Ang Buhay Parang Bato, Its Hard)
Clare (pillow)
Pangga (shirt)
Tropa ko

Babe. Alam ko na kaya mo ko binati dahil ginagawa mo lang yung best para di maruin ung birhtday ko. Pero babe kung mabasa mo man to someday, sana malaman mo na mahal na mahal kita. I miss you! Tumuntulo ang luha ko habang ginagawa ko toh. I love you ACLM. Sana magmeet tau ulit someday.

Pinakamasaya at pinakamalungkot kong birthday ito :) :(

Tuesday, August 17, 2010

Hello, Goodbye :)

Sa saliw ng I'll Never Go ni Erik Santos ay nagsimula akong muling tumipa. Upang Ibahagi ang kuwento ko na maaaring kuwento ninyo rin. Amen, makata mode na naman ako.

Galing ako sa SM, namili, namili at namili. Subalit matapos kong mabili ang lahat ng gusto ko at kailangan ko ay may kulang pa rin. Hindi ako masaya. Sa hindi ko maunawaang dahilan, basta may kulang. Malapit na ang kaarawan ko. Sabado pa lang ay may natanggap na akong regalo. Nakakatuwa, may nagmamahal pala sa akin. Naaalala nila ako. Lunes, mayroon na naman, isang damit na ito ang nakalagay. Ang buhay parang bato, its hard. Oo nga naman may punto, makahulugan. Preferred reading ni Kristeva ang tawag sa teoryang iyan. Okay wag tayong maging iskolar-iskolaran, masyadong pilit. Walang koneksyon.

Makalipas na tatlong buwan, ganun pala talaga darating sa punto na mapapagod ka rin. Na mararamdaman mo na kaya mo ng mag-isa. Ngunit may isang kaibigan na nagsabi sa akin na, kaya naman talaga natin mag-isa, di lang natin matanggap ang mga nangyayari. May punto, subalit ang pakiramdam ko ngayon ay malaya ako, malaya nga pero may kulang. Ano nga ba ng kukumpleto sa buhay ng tao? Okay na ba yung may pera ka o mga materyal na bagay? Ang hirap sagutin.

Apat na buwan na rin, pagkatapos ng kaarawan ko, apat na buwan na rin ang nakalipas. Ayoko ng balikan ang nakaraan. Masyadong ako nasaktan at nasira. Tuwing humaharap ako sa salamin, ilang pimple scars ang nakita ko sanhi ng labis na pag-iisip. Panahon na para mas mahalin ko ang sarili ko. Masasabi ko na kaya ko ng tumayo mag-isa, Hindi dahil may bagong tao na dumating. Sa totoo nga wala pang bago. Alam ko naman na kusang ibibigay ng taas yun. Mas higit pa sa inaasahan ko basta magtiwala lang ako sa kanya.

Well I guess, thats life. We have to keep moving and moving and moving! Till we finally see the right person for us. Mga tao na hindi tayo sasaktan, aalagaan at hindi iiwan hanggang sa dulo. Pag nakita mo sila, alagaan mo rin, wag sasaktan at iiwan. :)

Magandang Gabi :) (Listening to Glee)

Saturday, August 14, 2010

:)

I just need somebody to love,
I don’t need nothing else,
I promise girl I swear.
I just need somebody to love.

Ikaw nga ba?

Nagpapasalamat ako sapagkat nalagpasan ko ang pagsubok sa akin noong nakaraang Linggo. Para siya hangin na muling nagparamdam at biglang naglaho. Ayoko na sana pumasok at magtrabaho subalit naisip ko na isa lang ang nawala, siya. Bagamat siya ay naging malaking bahagi ng aking buhay ay naisip ko na marami pa ring tao ang mas kailangan ako at nagtitiwala sa akin. Mas nangingibabaw ang mga tao na ito kaya hindi ako sumuko.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko matapos ang aking mga plano, kasabay pa ng tambak na gawain na pakiramdam ko ay nalulunod ako. Wala man lang tumutulong sa akin. Sa halip puro pasaring pa ang kanilang hatid.

Malapit na ang kaarawan ko. Malamig. Walang tao na nagmamahal sa akin. Nakakilala ako ng isang babae na nakakatawa dahil wala ako sa kalingkinan para magustuhan niya ako. Una, mas matanda ako sa kanya, ikalawa, masyado siyang maganda. Hindi kami bagay, at lalong tiyak na hindi ako ang trip niyang lalaki. Lalo ko tuloy siya namimiss, pakiramdam ko, may kulang sa aking pagkatao. Ngunit tuwing naiisip ko ang ginawa niya sa akin. Mabuti na talagang itigil ko na ang kahibangang ito. Sa halip mas mahalin ang aking sarili at tulungan na mas lumago.

Ala-una na. Gusto ko nang matulog ngunit tinatamad ako. kailangan kaya ulit ako makakatagpo ng tao na tatanggap sa buong pagkatao ko. Na mamahalin ako mula ulo hanggan paa. Tao na susuportahan ang gusto kong maabot sa aking buhay. Tao na hindi matatawa kung minsan ay makata ako. Hindi ko alam ang sagot tanging panahon lamang ang makakapagsabi.

Salamat po Lord sa lahat ng pagsubok na binigay ninyo, natuto po ako at naging matatag. Naniniwala ako na kung may nawala may papalit. At alam ko po na mas higit pa iyon. Ilayo po ninyo ako sa tukso. Tulungan po ninyo akong maging mabuting tao hindi lamang sa aking sarili bagkus gayundin sa aking kapwa.

Saturday, August 7, 2010

Waltz.

Hindi na muna ako papasok ng trabaho at magpapakita kahit kaninuman.

Buti pa Nokia user friendly, ikaw user lang!

Kung maglalabas ako ng sama ng loob, paumanhin. Hindi ko sinasadya. Umuulan na naman. Kasabay ng muli kong pagluha. Subalit di na tulad ng pagluha ko dati. Nangangahulugan ba na manhid na ako? O talagang pinanday na lang ako ng panahon. Napakabilis na panahon, kasingbilis ng kanyang isip. Namura ko na naman siya. Inaamin ko di na ko natutto. Binigyan na ako ng pangalawang pagkakataon subalit inulit ko pa rin. Naulit dahil inulit niya ulit ang ginawa niya sa akin. Akala ko bumalik siya for the better, mali ako, worst pala. Ang masakit pa ay pinaniwala namin yung mga nakapaligid sa amin na kami na ulit. Kasama ang mga magulang namin. Naging biktima ang mama nya at mama ko. Masaklap subalit ito ang katotohahan. may bago akong telepeno, nangangahulugan ba ito na bagong tao na ako? O may bagong tao na darating? Ayoko na pahabain, di naman ako ganun umasa. Di rin naman ganun kasakit. Baka nga pinipilit ko na lang ang sarili ko. Matutulog na ako. :)

Thursday, August 5, 2010

Kabagot.

Antok na antok na ko ngunit ginising ng damdaming kong hapong-hapo ang aking isipan at mga kamay upang muling tumipa. Galing ako sa Cavite kagabi, hirap na hirap na linusong ang baha at sinugod ang malakas na ulan, makita lang kita. Sa sitwasyong hindi ka sigurado, ano ang gagawin mo? Ako matutulog.