Saturday, August 21, 2010

Say Hello To Goodbye!

Nagkakagulo raw sa klasrum ko sabi ng isang kong kasamahan. May klase ako nun at abala ako. Hindi ko maiwanan ngunit nagmadali ako dahil baka kung ano pa ang mangyari at mapagalitan na naman ako. Tumungo ako agad sa aking klasrum at nakapinid ng maigi ang pintuan. Nagtataka ako at nakakunot ang noo, kaarawan ko pa naman bukas sakit na sa ulo ang sa akin ay ibibigay. Pagkabukas ko, madilim. May kandila at bigalng umawit ang aking mga mag-aaral. Nagulat ako at hindi ako makapagsalita. Tuloy pa rin sila sa pagkanta, samantala ako ay tulala at pinagmamasadan ang mga liwanag na nagmumula sa mga munting mga kandila. Sa totoo lang siya ang aking naalala. Lahat ay bumati at masasabi ko na ang isa sa pinakamatamis na natanggap ko sa aking buhay ang ginawa ng aking advisory class. May banderitas na punong-puno ng mensahe sa akin. Maraming pagkain at may cake. Nakakatuwa sapagkat sa buhay ko ay sila lamang ang nakagawa noon. Masaya ang lahat, pinaghandaan nila ako ng pagkain. Binusog nila ako hindi lamang sa pagkain subalit gayundin sa pagmamahal. Mahal ko kayo Socrates!

Matapos ng mahabang araw sa pagtuturo ay may pupuntahan naman akong kaibigan. Kinakabahan ako, hindi ko pa siya nakikita, ngayon pa lang. Naghintay ako sa Pergola. Medyo madami ang tao, mga abala sa ginagawa nila. Nakita pa ako ng isa kong estudyante. Nais ko sana magtago ngunit nakita pa rin niya ako. Kumain kami sa Yellow Cab, natutuwa ako at nadagdagan na naman ko ng bagong kaibigan.

Pauwi na kami ngunit para sa akin ay mahaba pa ang gabi. Nagtext ako sa isang kaibigan na matagal ko nang di nakita. Nagtungo kami sa Cabooze. Kaunting kwentuhan lamang at makalipas ang ilang oras ay umuwi na ako. Medyo nahilo ako, ngunit nakauwi naman ako ng ligtas. Muling sumagi sa aking isip si ACLM. Namimiss ko siya. Di ko maintindihan bakit bumalik na naman ang ganung damdamin ko sa kanya. Pagkauwi ko ay nagsipilyo lang ako at natulog.

Kinabukasa, araw ng aking kaarawaan. Pagkagising ko ay maraming mensahe sa aking telepono. Sinagot ko ito at nagpasalamat. Binuksan ko ang aking internet, partikular ang FB. Madami ang bumati. Natutuwa ako, marami ang nagmamahal sa akin. Tanghali nagtungo kami si Red sa Espanya, nagpatune up siya ng motor. Tama si Red nakakabagot nga nakatulog sa isang sulok. Napagod ata ako. Tumatakbo na naman siya sa aking isip.

Gabi na, naramdaman ko malapit na matapos ang aking kaarawan. Tuloy pa rin ang pagbati, nakakataba ng puso. Huli na ako sa kaarawan ni Yesha. Una niyang kaarawan. Anak siya ni Gem. Naligo ako at mabilis na nag-ayos. Nagtungo ako sa simbahan, malapit lang naman sa amin ang pagaganapan ng kaarawan niYesha. Nagsimba muna ako sa Tundo Church. Sarado na, sa labas na lamang ako nagdasal at nagpasalamat.

Maraming tao sa party, syempre puro bata. Nagpa face paint ako. Pero di sa mukha. Sa braso. Nakakatuwa, ang ganda ng yinyang pero hindi puti at itim sa halip asul at pink. Nagulat ako sapagkat may regalo pala sa akin ang aking mga kaibigan. Panandalian kong siyang nakalimutan. Nakakatuwa. Matapos ang party ay nagtungo kami sa Malate. Una ay pumasok kami sa H20. Ang ganda ng mga kanta. Nagpakawaild ako sa pagkanta at hindi sa pag-inom. Nakakatuwa sumabay sa kanta kapag alam mo. Naiisip ko pa rin siya. Di nya pa rin ako binabati dalawang oras na lang.

Maya-maya ay nabagot ang aking mga kaibigan lumipat kami. Padis naman. Ayoko sana dun pero yun ang gusto ng lahat. Maraming tao, medyo mainit. Naisip ko na naman siya. Naalala ko dati ning nagMalate kami.

Natapos ang araw at hindi niya ako binati. Umabot sa isang daang notifications ang FB ko pero hindi niya ako na naalala. Naluha ako, nasasaktan ako. Tuluyan na niya akong nakalimutan. :(

Salamat po sa lahat ng biyaya niya nito. Marami pa lang talagang nagmamahal sa akin. Pero ngayon ko lang nalaman na hindi pa pala talaga ako totally moved on sa kanya. Sana po ay maaari pang ibalik ang tamis ng nakaraan. Mahal ko pa rin siya God.

Salamat sa lahat ng bumati at nagregalo.

Socrates Superstar
Pascal Baby
Lee (Ang Buhay Parang Bato, Its Hard)
Clare (pillow)
Pangga (shirt)
Tropa ko

Babe. Alam ko na kaya mo ko binati dahil ginagawa mo lang yung best para di maruin ung birhtday ko. Pero babe kung mabasa mo man to someday, sana malaman mo na mahal na mahal kita. I miss you! Tumuntulo ang luha ko habang ginagawa ko toh. I love you ACLM. Sana magmeet tau ulit someday.

Pinakamasaya at pinakamalungkot kong birthday ito :) :(

No comments:

Post a Comment