Tuesday, August 17, 2010

Hello, Goodbye :)

Sa saliw ng I'll Never Go ni Erik Santos ay nagsimula akong muling tumipa. Upang Ibahagi ang kuwento ko na maaaring kuwento ninyo rin. Amen, makata mode na naman ako.

Galing ako sa SM, namili, namili at namili. Subalit matapos kong mabili ang lahat ng gusto ko at kailangan ko ay may kulang pa rin. Hindi ako masaya. Sa hindi ko maunawaang dahilan, basta may kulang. Malapit na ang kaarawan ko. Sabado pa lang ay may natanggap na akong regalo. Nakakatuwa, may nagmamahal pala sa akin. Naaalala nila ako. Lunes, mayroon na naman, isang damit na ito ang nakalagay. Ang buhay parang bato, its hard. Oo nga naman may punto, makahulugan. Preferred reading ni Kristeva ang tawag sa teoryang iyan. Okay wag tayong maging iskolar-iskolaran, masyadong pilit. Walang koneksyon.

Makalipas na tatlong buwan, ganun pala talaga darating sa punto na mapapagod ka rin. Na mararamdaman mo na kaya mo ng mag-isa. Ngunit may isang kaibigan na nagsabi sa akin na, kaya naman talaga natin mag-isa, di lang natin matanggap ang mga nangyayari. May punto, subalit ang pakiramdam ko ngayon ay malaya ako, malaya nga pero may kulang. Ano nga ba ng kukumpleto sa buhay ng tao? Okay na ba yung may pera ka o mga materyal na bagay? Ang hirap sagutin.

Apat na buwan na rin, pagkatapos ng kaarawan ko, apat na buwan na rin ang nakalipas. Ayoko ng balikan ang nakaraan. Masyadong ako nasaktan at nasira. Tuwing humaharap ako sa salamin, ilang pimple scars ang nakita ko sanhi ng labis na pag-iisip. Panahon na para mas mahalin ko ang sarili ko. Masasabi ko na kaya ko ng tumayo mag-isa, Hindi dahil may bagong tao na dumating. Sa totoo nga wala pang bago. Alam ko naman na kusang ibibigay ng taas yun. Mas higit pa sa inaasahan ko basta magtiwala lang ako sa kanya.

Well I guess, thats life. We have to keep moving and moving and moving! Till we finally see the right person for us. Mga tao na hindi tayo sasaktan, aalagaan at hindi iiwan hanggang sa dulo. Pag nakita mo sila, alagaan mo rin, wag sasaktan at iiwan. :)

Magandang Gabi :) (Listening to Glee)

No comments:

Post a Comment