Nagpapasalamat ako sapagkat nalagpasan ko ang pagsubok sa akin noong nakaraang Linggo. Para siya hangin na muling nagparamdam at biglang naglaho. Ayoko na sana pumasok at magtrabaho subalit naisip ko na isa lang ang nawala, siya. Bagamat siya ay naging malaking bahagi ng aking buhay ay naisip ko na marami pa ring tao ang mas kailangan ako at nagtitiwala sa akin. Mas nangingibabaw ang mga tao na ito kaya hindi ako sumuko.
Gulong-gulo na ako. Hindi ko matapos ang aking mga plano, kasabay pa ng tambak na gawain na pakiramdam ko ay nalulunod ako. Wala man lang tumutulong sa akin. Sa halip puro pasaring pa ang kanilang hatid.
Malapit na ang kaarawan ko. Malamig. Walang tao na nagmamahal sa akin. Nakakilala ako ng isang babae na nakakatawa dahil wala ako sa kalingkinan para magustuhan niya ako. Una, mas matanda ako sa kanya, ikalawa, masyado siyang maganda. Hindi kami bagay, at lalong tiyak na hindi ako ang trip niyang lalaki. Lalo ko tuloy siya namimiss, pakiramdam ko, may kulang sa aking pagkatao. Ngunit tuwing naiisip ko ang ginawa niya sa akin. Mabuti na talagang itigil ko na ang kahibangang ito. Sa halip mas mahalin ang aking sarili at tulungan na mas lumago.
Ala-una na. Gusto ko nang matulog ngunit tinatamad ako. kailangan kaya ulit ako makakatagpo ng tao na tatanggap sa buong pagkatao ko. Na mamahalin ako mula ulo hanggan paa. Tao na susuportahan ang gusto kong maabot sa aking buhay. Tao na hindi matatawa kung minsan ay makata ako. Hindi ko alam ang sagot tanging panahon lamang ang makakapagsabi.
Salamat po Lord sa lahat ng pagsubok na binigay ninyo, natuto po ako at naging matatag. Naniniwala ako na kung may nawala may papalit. At alam ko po na mas higit pa iyon. Ilayo po ninyo ako sa tukso. Tulungan po ninyo akong maging mabuting tao hindi lamang sa aking sarili bagkus gayundin sa aking kapwa.
No comments:
Post a Comment