Monday, April 11, 2011

Bahay-La Salle- SM- St. Jude :)

Nakatakda akong magtungo sa training mamaya para sa Sped. Di ako dumalo. Sinadya ko na gumising ng tanghali upang magnilay-nilay. Nakahiga lang ako at nagsimulang nagdasal. Matapos ng ilang minuto ay bumaba pa ako at hinawakan ang aso. Humalik sa akin ang aming aso. Naglalambing. Maya-maya pa ay naligo na ako, plano kong magpunta sa La Salle upang kausapin ang adviser ko. Pagkarating ko dun may meeting siya. Nagkulong ako sa library. Nagcomputer at nagpalamig. Maya-maya pa ay kumain na ako. Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa department ng Filipino. Nakita ko ang mga dati kong kaklase, nakakatuwa lahat kami andun. Parang reunion. Nagpasamang kumain sina Rowie. Natuwa naman ako dahil may kasama ako. Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay bumalik na sila para magtrabaho. Naiwan na naman ako mag-isa. Ayoko pang umuwi kayat bumalik ako sa canteen para tumambay. Nakita ko si Dr. F. Kumaway naman siya. Tahimik lang ako na mag-isa. Nagtetext ng kung sino-sino. Maya-maya pa ay tinawag ako ni Dr. F. Kinausap ako at maya-maya pa ay nakita ko si Alvin. Nakakatuwa, lahat kami nandun. Maya-maya pa ay aalis na silang magkakasama, naiwan ulit akong mag-isa. Nagpunta ako sa SM naglibot at nagpasya akong mag St. Jude kahit naman hindi Huwebes. Dun ako nagtagal ng tambay. Kung alam lang at nauunwaan ng mga tao ang struggles ko ngayon. Siguro marami akong makakausap. Pero kaya ko, to naulit na lang eh. Dati mas masakit pero ngayon, masasabi ko na nagagamot ng pagdadasal lahat.

Saturday, April 9, 2011

Sakit ng kamay ko :(

Hindi ko alam ngunit iba sila magsalita. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan mayroon sila at may nabunot na tinik sa aking lalamunan. Tatapusin ko ang araw na ito na nakatayo ako. Tama nga sila may buhay pa pagkatapos ng unos.

Hindi ako makatulog kagabi, di ko pa rin inaasahan na mauulit muli ang kinakatakutan ko. Sumama na siya sa iba. Masakit man ay pinilit kong maging matatag. Naging malikot ako sa pagtulog. Nagdadasal at laging umiihi hanggang sa makita ko na lang ang aking sarili na umanga na pala. Pinilt kong ipikit ang aking mata upang magkaroon ako ng sapat na lakas para sa isang pagkikita. Maaga akong naligo at agad na nagbihis. Gaya ng dati ay bitbit ko ang pag-asa. Ang pag-asa na maayos ang lahat. Maya-maya pa ay nakita ko si mama, napansin niya na umiiyak ako. Sabi niya hayaan ko na raw siya. Nakinig ako sa payo niya at sa payo ng ibang tao sa paligid. Sakay ng fx ay nakinig ako sa aking i-touch. May kung ano na bumubulong sa akin habang nangingilid ang aking luha. Pinigilan kong maging emosyonal dahil nakakahiya sa mga pasahero. Nakarating ako nang maaga sa aking pupuntahan. Kumain ako ngunit di ko malasahan. Iyon ang paborito kong meal, ngunit ngayon ay di ko naubos. Naghintay ako nang matagal sa aking dapat kausapin. Ang nasabi ko sa sarili ko ay di ako gaano kahalaga sa kanila kaya hayaan ko na lang. Nilibang ko ang aking sarili. Itouch, music at games, wala pa rin sila. Nag-ikot ako sa lugar na iyon, bumabalik sa akin ang mga alala na dapat ko na bang kalimutan o asahan. Maya-maya pa ay wala na akong mapuntahan, halosa lahat ay nalibot ko na, nang makatanggap ako ng text, parating na sila. Lumabas ko ng mall na iyon at naghintay ngunit kahit matagal ay nagtiyaga ako, maya-maya ay bigla silang dumating. Isang ngiti at pangangamusta ang bati nila sa akin. Pagbati naman ang aking binalik bilang paggalang. Agad nila akong kinausap sa nangyari. Nagtungo kami sa isang lugar na dati na naming napuntahan. Kasama ko siya dati dun kaya di maalis na maalala ko siya. Nag-usap kami kung ano ba ang katotohanan, ngunit pare-pareho kaming walang ideya. Naguguluhan. Pagkatapos kumain ay sinama nila ako sa kanilang bahay na malayo na sa Maynila. Malaki na ang pinagbago, may sand and gravel na business na. Wala na rin ang mga damo. Dumalaw kami sa sementeryo. Pinakilala nila ako sa lola niya. Nagdasal ako at nagpasalamat. Humingi ng tawad sa lahat ng pagkakamali. Matapos nito ay umuwi na kami, kala ko ay matatapos na ang lahat doon. Niyaya pa nila akong kumain, Nagpalitan kami ng kuro-kuro at isa lang ang madalas kong sabihin ingatan nyo po siya.

Itutuloy-

Friday, April 8, 2011

Drops of Jupiter

Dear Blogspot, di ko deserve tong treatment na to. Alam ko tinitest ako ng taas. Kaya ko 'to. Dumating na naman yung time na kinakatakutan ko. God alam ko may reason kayo. Di ko na alam kung sino ang paniniwalaan. Lahat na lang way ginawa ko just to be with you pero you dont value me. Habang ginagawa ko to gusto ko magalit sa mundo. Sabi nila gawin mo yung best mo kung gusto mo makuha yung isang bagay, ginawa ko naman lahat pero in the end nasaktan pa rin ako. Lahat ng bagay pinilit ko baguhin at magadjust para sayo pero binalewala mo ako. Gusto ko magwala, gusto ko magbasag ng gamit, wala ako makausap nang maayos lahat pinagtatawanan ako sa katangahan ko. Nalulungkot ako kasi walang nakakaunawa sakin.. Lord bat unfair ang life.. Tulungan nyo po ako na makabangon ulit sa lahat ng nangyayari sa akin. Wala na akong makakasama ngayon. Di na rin ako pwede mag-open up sa mga tao kaya iboblog ko na lang lahat. Help me God. Kaya ko to.........

Get Down ng BsB

Mukang mapupuno na naman ng kalungkutan tong blog ko. Napansin ko tuwing gumagawa ako ng thesis at April lagi ako nalulungkot at broken hearted. Kakatapos ko lang makipag-usap sa kaibigan ko. Tama nga siya, mali ako. Ayoko na masyadong sumakit ulo ko sa isang tao. Halos lahat ng effot ginagawa ko para sa isang tao. Oo siya na naman laman ng blog na to, laging siya na lang, Biktima na lang ako lagi ng mga nag-aaway. Lagi na lang ako nasasaktan sa iisang tao. Panahon na ba para magmove on talaga ako at maghanap ng iba. Hanep sa kanta Backstreet Boys. Parang ako laging back sa iiisang tao. Di ko makita ung reason kung bakit ganun. Basta di ko hahayaan na masaktan ako agad ng mga tao sa paligid ko. Kung sa kanya talaga masaya ikaw bahala. Papakita ko rin sayo na kaya kong bumangon. Pagkatapos ng lahat iiwanan mo ako. Ganun-ganun na lang. Hahahayyyy.. Baka nga si ano na lang pag-asa ko haha! BB!

Thursday, April 7, 2011

Di pa ako kumakain-

Frustrated ako sa tesis ko. Bagamat di pa ako nakakausap ng adviser ko sa personal ay makahalugan ang mensahe niya sa email na kakausapin niya ako sa Lunes. Kung hindi naman talaga uubra bakit ko pa pagpipilitan sarili ko dun. Hahanapin ko na lang yung lugar ko saan ako magkakapera ng malaki. Kasalukuyan akong mag-isa sa bahay, kasama ang aso namin. Kakatapos ko lang din maligo subalit di pa ako kumakain. Wala akong gana. Ang gusto ko lang magsulat. Nais ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Dibale sa Lunes may training na ako, so magiging abala ako at di ko na maiisip ang bagay-bagay. Ang mga alaala na dapat ay kinakalimutan na. Pakiramdam ko tuloy may selebrasyon ako ng pagkabigo ko kada-taon. Nakakatawa pag nalulungkot ako The Man Who Can't Be Moved ang pinapatugtog ko kahit sampung ulit pa, okay lang. Ang hirap pag lumalaki ka lalong nagiging komplikado ang buhay. Minsan gusto mo instant pero di pwede eh. Dapat paghirapan mo muna ang mga bagay. Dapat magsakrpisyo ka nang maraming beses para maabot mo yung tagumpay. Nagsisimulang nang sumilip ang luha sa aking mga mata. Nagiging malalim na rin ang paraan ng aking pagusulat, Sana balang araw makita ko si paraluman, yung mamahalin ako ng tulad ng pagmamahal ko. God, gabayan ninyo po ako. Kung mabigo man ako tulungan ninyo akong bumangon.

April na pala.


Larawan ng Nakaraan

Halos mag-iisang taon na ang nakalipas nang naguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang masaya ako ngayon malungkot na naman ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang makakapagpasaya sa isang tao, pera nga ba o pagmamahal. Hindi ko pa rin pinapalitan ang background music ko. Swabe ang tono at mga linya ng kanta, mas ginaganahan ako magsulat. Dalawang linggo na lang nang magsimulang gumuho ang mundo ko. Nang iniwan mo ako at nagpasya na sumama sa iba. Alam mo ba naramdaman ko nun? Maaaring hindi kasi manhid ka. Maaaring di pa nga ako ganun na nakakalimot ngunit araw-araw ay nagdadasal ako na makalimutan na ang masakit na nakaraan at maging maayos na ang lahat para sa akin at para sa iyo. 22 ang araw na pinakahihintay ninyo nun samantalang ako ay kung anu-ano ang pumapasok sa aking isipan. Sana ay matahimik na lahat. Lumayo na ang mga nanggugulo at di makontento at rumespeto sa relasyon ng iba. Nangingilid ang luha ko habang ginagawa ko ito. Ngunit ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay. Narinig ko malapit ka na raw lumisan. Tutungo ka na sa ibang lupain, samantala ako ay maaiwan dito, aabutin ang pangarap at umaasa na mamahalin mo ulit ako gaya noon kung paano tayo nagmahalan. Di makatkat sa aking isip kung ilan beses ka ba niyang niyakap at ilan beses ba niyang sinabi na mahal ka niya, ilan beses na lumapat ang kanyang labi sa iyong mga labi. Ilan palabas ba sa sinehan ang pinanood ninyo. Ilan beses ba kayong humalakhak samantalang ako ay nangungulila. Mga tanong na di maalis sa aking isip. Sana ay maging tapat ka sa iyong ginagawa. Gawin mo ang nararapat. Ilan lamang ako sa mga tao na umaasa na may magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal na kaya kong ialay. Ang lahat ng nangyayari sa akin ay pinapasaKanya ko na lang. Kung ano ang kaloob niya. Sana mas gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ko gawin ito. Sana ay mahalin mo rin ako ng higit pa sa pagmamahal ko at pagmamahal niya.



Wednesday, April 6, 2011

Nagdodownload ng kanta

Makalipas ang ilang linggong pagiging abala ay eto na naman ako, basang-basa sa ulan. Charot! Nakapagpahinga ako ng sandali lamang. Di pa rin tapos ang laban ko sa tesis ko. Pinawawasto ko pa. Sana nga ay tama at umumbra. Tambak ng mga papel ang ginawa ko last week. Kala ko di ko kakayanin pero carry lang, kinaya naman. Magsisimula na ako sa Lunes sa panibagong departamento. Goodluck sa akin sana ay kayanin ko. Tinatamad na ako magtype, kanina lang sa tesis ko lagpas sampung pahina ang ginawa ko. Gusto ko nang matapos ang tesis at makakuha ng diploma. Masakit ang braso ko, naggym kasi ako, nabigla ata. Last week nagkaroon din ng pagkakataon na makita ko di lang si Abdon Balde pati na rin si Virgilo Almario. Epic! Andun pa si Vlad at iba pang manunulat na di ko nababasa. May sakit ang tatay niya. Wala akong magawa kundi magdasal. Salamat Lord sa lahat ng biyaya, patawarin ninyo ako kung may mga taong nasaktan ako at nasagaan. Mahal ko kayo! Patnubayan ninyo rin ang kapatid ko at ang anak nila. Goodnight Pilipinas!