Thursday, April 7, 2011

Di pa ako kumakain-

Frustrated ako sa tesis ko. Bagamat di pa ako nakakausap ng adviser ko sa personal ay makahalugan ang mensahe niya sa email na kakausapin niya ako sa Lunes. Kung hindi naman talaga uubra bakit ko pa pagpipilitan sarili ko dun. Hahanapin ko na lang yung lugar ko saan ako magkakapera ng malaki. Kasalukuyan akong mag-isa sa bahay, kasama ang aso namin. Kakatapos ko lang din maligo subalit di pa ako kumakain. Wala akong gana. Ang gusto ko lang magsulat. Nais ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Dibale sa Lunes may training na ako, so magiging abala ako at di ko na maiisip ang bagay-bagay. Ang mga alaala na dapat ay kinakalimutan na. Pakiramdam ko tuloy may selebrasyon ako ng pagkabigo ko kada-taon. Nakakatawa pag nalulungkot ako The Man Who Can't Be Moved ang pinapatugtog ko kahit sampung ulit pa, okay lang. Ang hirap pag lumalaki ka lalong nagiging komplikado ang buhay. Minsan gusto mo instant pero di pwede eh. Dapat paghirapan mo muna ang mga bagay. Dapat magsakrpisyo ka nang maraming beses para maabot mo yung tagumpay. Nagsisimulang nang sumilip ang luha sa aking mga mata. Nagiging malalim na rin ang paraan ng aking pagusulat, Sana balang araw makita ko si paraluman, yung mamahalin ako ng tulad ng pagmamahal ko. God, gabayan ninyo po ako. Kung mabigo man ako tulungan ninyo akong bumangon.

No comments:

Post a Comment