Larawan ng Nakaraan
Halos mag-iisang taon na ang nakalipas nang naguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang masaya ako ngayon malungkot na naman ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang makakapagpasaya sa isang tao, pera nga ba o pagmamahal. Hindi ko pa rin pinapalitan ang background music ko. Swabe ang tono at mga linya ng kanta, mas ginaganahan ako magsulat. Dalawang linggo na lang nang magsimulang gumuho ang mundo ko. Nang iniwan mo ako at nagpasya na sumama sa iba. Alam mo ba naramdaman ko nun? Maaaring hindi kasi manhid ka. Maaaring di pa nga ako ganun na nakakalimot ngunit araw-araw ay nagdadasal ako na makalimutan na ang masakit na nakaraan at maging maayos na ang lahat para sa akin at para sa iyo. 22 ang araw na pinakahihintay ninyo nun samantalang ako ay kung anu-ano ang pumapasok sa aking isipan. Sana ay matahimik na lahat. Lumayo na ang mga nanggugulo at di makontento at rumespeto sa relasyon ng iba. Nangingilid ang luha ko habang ginagawa ko ito. Ngunit ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay. Narinig ko malapit ka na raw lumisan. Tutungo ka na sa ibang lupain, samantala ako ay maaiwan dito, aabutin ang pangarap at umaasa na mamahalin mo ulit ako gaya noon kung paano tayo nagmahalan. Di makatkat sa aking isip kung ilan beses ka ba niyang niyakap at ilan beses ba niyang sinabi na mahal ka niya, ilan beses na lumapat ang kanyang labi sa iyong mga labi. Ilan palabas ba sa sinehan ang pinanood ninyo. Ilan beses ba kayong humalakhak samantalang ako ay nangungulila. Mga tanong na di maalis sa aking isip. Sana ay maging tapat ka sa iyong ginagawa. Gawin mo ang nararapat. Ilan lamang ako sa mga tao na umaasa na may magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal na kaya kong ialay. Ang lahat ng nangyayari sa akin ay pinapasaKanya ko na lang. Kung ano ang kaloob niya. Sana mas gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ko gawin ito. Sana ay mahalin mo rin ako ng higit pa sa pagmamahal ko at pagmamahal niya.
No comments:
Post a Comment