Hindi ko alam ngunit iba sila magsalita. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan mayroon sila at may nabunot na tinik sa aking lalamunan. Tatapusin ko ang araw na ito na nakatayo ako. Tama nga sila may buhay pa pagkatapos ng unos.
Hindi ako makatulog kagabi, di ko pa rin inaasahan na mauulit muli ang kinakatakutan ko. Sumama na siya sa iba. Masakit man ay pinilit kong maging matatag. Naging malikot ako sa pagtulog. Nagdadasal at laging umiihi hanggang sa makita ko na lang ang aking sarili na umanga na pala. Pinilt kong ipikit ang aking mata upang magkaroon ako ng sapat na lakas para sa isang pagkikita. Maaga akong naligo at agad na nagbihis. Gaya ng dati ay bitbit ko ang pag-asa. Ang pag-asa na maayos ang lahat. Maya-maya pa ay nakita ko si mama, napansin niya na umiiyak ako. Sabi niya hayaan ko na raw siya. Nakinig ako sa payo niya at sa payo ng ibang tao sa paligid. Sakay ng fx ay nakinig ako sa aking i-touch. May kung ano na bumubulong sa akin habang nangingilid ang aking luha. Pinigilan kong maging emosyonal dahil nakakahiya sa mga pasahero. Nakarating ako nang maaga sa aking pupuntahan. Kumain ako ngunit di ko malasahan. Iyon ang paborito kong meal, ngunit ngayon ay di ko naubos. Naghintay ako nang matagal sa aking dapat kausapin. Ang nasabi ko sa sarili ko ay di ako gaano kahalaga sa kanila kaya hayaan ko na lang. Nilibang ko ang aking sarili. Itouch, music at games, wala pa rin sila. Nag-ikot ako sa lugar na iyon, bumabalik sa akin ang mga alala na dapat ko na bang kalimutan o asahan. Maya-maya pa ay wala na akong mapuntahan, halosa lahat ay nalibot ko na, nang makatanggap ako ng text, parating na sila. Lumabas ko ng mall na iyon at naghintay ngunit kahit matagal ay nagtiyaga ako, maya-maya ay bigla silang dumating. Isang ngiti at pangangamusta ang bati nila sa akin. Pagbati naman ang aking binalik bilang paggalang. Agad nila akong kinausap sa nangyari. Nagtungo kami sa isang lugar na dati na naming napuntahan. Kasama ko siya dati dun kaya di maalis na maalala ko siya. Nag-usap kami kung ano ba ang katotohanan, ngunit pare-pareho kaming walang ideya. Naguguluhan. Pagkatapos kumain ay sinama nila ako sa kanilang bahay na malayo na sa Maynila. Malaki na ang pinagbago, may sand and gravel na business na. Wala na rin ang mga damo. Dumalaw kami sa sementeryo. Pinakilala nila ako sa lola niya. Nagdasal ako at nagpasalamat. Humingi ng tawad sa lahat ng pagkakamali. Matapos nito ay umuwi na kami, kala ko ay matatapos na ang lahat doon. Niyaya pa nila akong kumain, Nagpalitan kami ng kuro-kuro at isa lang ang madalas kong sabihin ingatan nyo po siya.
Itutuloy-
No comments:
Post a Comment