Sunday, May 30, 2010

30

Tumawag ako kay Red upang magpasama sa SM. Nais ko sanang magpasama bumili bagong sim. Oo na di na healthy, di nakakatuwa, lalo na sa mga taong importanteng tao na kailngan akong kontakin. Sinundo niya ako agad gamit ang kanyang motor. Mainit ang araw, subalit ininda ko ito. Kasabay ng malakas na hangin at alikabok na tumatama sa aking mukha ay nagsimula akong lumuha. Gaya ng dati ay alam na ni Red ang dahilan. Tumahimik siya at pagkatapos kong umiyak ay bigla siyang nagpaliwanag. "Sabi ko naman sa iyo wag mo nang pahirapan ang sarili mo ehh. Ikaw na mismo tumapos" Kasunod nun ay muli akong lumuha. Nakrating kami sa aming patutunguhan at medyo nag-iba ang aking pakiramdam. Marahil ay nakakatulong ang maraming tao sa aking paligid. Subalit sa aming paglilibot ay bumabalik ang mga ala-ala lalo na kung alam mo na marami kayong pinagsamahan. Nagtungo kami sa Globe subalit wala silang sim. Nagpasya kami na lumipat na lamang sa SM Manila.

Pagkarating namin sa SM ay napakaraming tao, di na nakapagtataka Linggo kasi, panahon na nagkakasama ang mga pamilya. Pagkababa namin sa lower ground ay mas marami ang tao. may Cosplay party pala. Ang lahat ay nakaktuwa, may kamukha ni Sasuke, may iba naman na malayo sa itsura subalit kapag nakatalikod eh eksakto ang itsura. Matapos makabili ng bagong simcard ay nagtungo kami sa Yellow Cab. Kumain at gaya ng dati ay nagbigay ng payo si Red. Naging masaklap ang kapalaran ko ng buwang ito. Ang lahat ng paghihirap ko na dapat para sa kanya ay biglang naglaho. Ang sakit pala talagang maiwanan, subalit mas masakit ang ipagpalit ka sa iba. Kahit alam mo na may laban ka subalit di ka niya pinalaban.

Umuwi kami ng gabi na, malakas ang hangin sa Intramuros, nagsimula ako ulit lumuha kasabay ng pagpatak ng ulan.

"Nakikiiyak sa iyo ang langit", ani ni Red."


No comments:

Post a Comment