Isang kaibigan ang nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayon. Inimbitahan niya ako upang kumain. (ng libre) Masaya kaming nagtawanan habang kumakain ng mga handa niya, ang sarap ng laing at imbotido. nabusog ako. Bagamat nakakatawa na ako sa mga nakalipas na araw ay bakas pa rin sa king mukha ang kalungkutan tuwing humaharap sa salamin. 2 araw na lang at parating na ang espesyal na araw para sa akin. Subalit sa pagkakataong ito ay walang selebrasyong magaganap sapagkat ako na lamang mag-isa ang naniniwala sa araw na ito. Inaamin ko na hinahanap ko siya, namimiss ko siya. Subalit sa pagkakataong ito ay unti-unti ko nang natatanggap na hindi na niya ako mahal na mayroon na siyang iba. Gusto ko na lang maging manhid at isang araw ay lumipas na ang nararamdaman ko para sa kanya kung talagang hindi na siya muling babalik. Mahirap ang maiwanan subalit mas masakit ang ipagpalit ka sa iba. Parang gumuho ang mundo mo at ang lahat ng mga pangarap mo ay nawala. Malapit ang pasukan, nasasabik na akong magturo, sa palagay ko ay magkakaroon ito ng panibangong pagtingin sa aking buhay matapos ng sakit na aking naranasan. Kanina ay nilalamig ako kayat humiga ako, gaya ng dati kung anu-ano pa rin ang aking naiisip. Ninais kong matulog subalit mababaw ang aking pagtulog. Nagpasaya na lang ako na bumangon at kumain upang mapawi ang kalungkutang aking nararamdaman.
Kayo na po ang bahala kung ano ang mangyari sa mga susunod na araw. Ang alam ko ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Salamat po! Magpapahinga na ako.
Kayo na po ang bahala kung ano ang mangyari sa mga susunod na araw. Ang alam ko ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Salamat po! Magpapahinga na ako.
No comments:
Post a Comment