Masakit man sa aking kalooban na iwanan ang dati kong blog ay nagpasya akong gumawa ng panibago. May mga bahagi lamang doon na ayoko na munang dugtungan pang muli. Nais ko munang magsimula ng panibagong kabanata ng aking buhay na maaaring makatulong sa aking pagpapagaling mula sa isang sakit na hindi inaasahan.
Hindi ako makatulog kagabi. Kada-isang oras ay nagigising ako. Una ay mainit, ikawala ay may bumabagabag sa aking isipan. Tuwing nagigising ako may mga dinadalaw ako ng ala-ala ng nakaraan. Mas minabuti kong maging matatag at manapalataya sa kanya. Alam ko na may dahilan ang lahat. Gaya ng dato ay alas siyete ako nagising, di ko pa sana nais bumangon ngunit hindi ako maaaring tamarin sa pagpasok. Naging mabilis ang aking pagkilos, ang dating isang oras kong pa-aayos ay nabawasan ng labing-limang minuto.
Gaya ng dati dumating ako sa aking trabaho ng huli. Agad akong pumasok upang ipagpatuloy ang pagugupit para sa disenyo ng aking magiging kuwarto para sa taong ito. Natutuwa ako sa disenyo kong nabuo, asul at orange ang kombenasyon na kulay na aking napili. At dahil dito ay lalo akong ginanahan sa paggawa. Maituturing kong itong isang obra. Matapos nito ay nagdikit na ako sa aking kuwarto at mas nakita ko ang kagandahan ng obra na nilikha ko. Bagamat pawis na pawis sa sobrang init ay hindi ko ito inida, matapos lamang ang aking obra. Tiyak na maaakit ang aking mga mag-aaral at bibisita sa aking klasrum. Simple lamang subalit masasabi ko na malakas ang dating.
Umuwi ako ng bahay na pagod at hilong-hilo. Minabuti kong buksan ang aking kompyuter at magsimulang tumipa. Email ko ka agad ang una kong dadalawin kasunod ang aking facebook. Subalt sa sakit ng aking ulo ay tinawag ako ng higaan. Nagpahinga ako at naglakbay. Muling dinalawa ako ng nakaraan. Subalit sa pagkakataong ito ay binalikan ko ang mga ginawa ko. Napagtanto ko na marami na pala akong tao na na nahingian ng tulong simula ng ako ay nagkasakit. Lubos ang aking pasasalamat. Nagpasya ako na sarilinin na lamang ang aking suliranin at maging matatag. Magdasal at lilipas din ang lahat. Nagising ako sa sobrang init. Kahit pala sa panaginip ko ay nag-iisip pa rin ako.
Kung minsan ang buhay ng tao ay sadyang mapaglaro, dapat maging handa ka at matatag sa mga pagsubok na darating sa iyong buhay. Sige na naiinitan na ako, tinatawag na ako ng banyo.

No comments:
Post a Comment