Thursday, December 9, 2010

Katamad :))

Alas tres pa lang ay tapos na ang aking klase. Nakaramdam ako nang pagkahapo kaya nagpasya akong matulog muna sa aking lamesa. Naalala ko puyat na naman ako ng dalawang araw. Maya-maya pa ay bumangon na rin ako sa pagkakaidlip nang maramdaman kong marami na ang pumapasok sa lounge.

Gusto ko pa sana umalis, ayoko munang umuwi. Nais kong iwasan ang trapik at magpalipas muna sa mall. Ngunit nangingibabaw pa rin sa akin na magtungo sa St. Jude upang magpasalamat. Hindi ko maunawaan ang sinasabi ng pari, foreigner kasi, muntik na akong makatulog. Nagpasya akong tutukan ang pakikinig. Okay naman naunawaan ko naman kahit kaunti. Umuwi na ako.

Nakakatamad magsulat. Ala sa mood. Nyt!

No comments:

Post a Comment