Hindi niya lubhang maisip kung bakit sa mga bagay na ipinakita niya ay hindi pa rin naging sapat para sa iba. Habang tumatagal ay lalong nagiging malinaw sa kanya ang lahat ng mga bagay na nais niyang mangyari. Gabayan nawa siya ng Maykapal.
Alas-tres na nang ako ay makauwi. Bagamat kaunting tulak na lang ay tila matutumba na ako sa aking kinauupuan ay pinilit kong aliwin ang aking sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap kay Brother Ernie. Sa totoo lang ay hindi ko na gaano nauunawaan ang kanyang sinasabi. Kauti na lang talaga at tutumba na ako. Dahil na rin sa takot sa pag-uwi sapagkat delikado na ay nilabanan ko ang nasabing antok, daig ko pa si Don Juan na nakikipaglaban sa awit ng Adarna upang hindi siya maging biktima gaya ng kanyang dalawang kapatid na naging bato. At sa tulong na rin na mahiwang mineral water ay naibsan ang aking pagod at antok at nakauwi ako ng ligtas sa aming bahay. Narito ang ilan sa mga larawan na aking nakuha noong nakaraang JS Prom (Promenade).
No comments:
Post a Comment